Hindi ang ganitong pagdamay ang gusto kong maramdaman mula sa tadhana. Umuulan sa labas, waring isang musika para kay Jacob ang bawat butil ng ulan na pumapatak. Kahit ang ihip ng hangin ay masasabi kong hindi para sa akin, hindi para sa sitwasyon ko ngayon.
Hindi ko mapigilan ang emosyon na unti unting umuusbong sa aking mukha. Malinaw, malinaw kung saan tutungo ang kaganapan.
Dinodomina ni Jacob ang kagustuhan kong makalabas ng palikuran. Iniingganyo niya ako na magpasakop sa ninanais ng kanyang sistema. Wala naman daw akong magagawa.
Hindi ko matagalan na tignan ang naglalarong ngiti na nakaguhit sa kanyang labi. Natatakot ako, napaka imposibling tapatan ng kanyang lakas at laki.
Mabilis siyang lumapit sakin, sinusubukan na ikulong ako sa kanyang yakap. Suntok naman ang naging salubong ko sa kanya. With great reflexis, nailagan nito ang suntok ko, nahuli rin niya ang aking mga kamay at nagtagumpay na hatakin ako palapit sa kanya.
"Tapang natin ngayon ah, ikaw na nga itong pinagbibigyan nagiging mailap ka pa." puno ng kademonyohan na sabi ni Jacob. Sinabunutan niya ako pagkatapos. Pero hindi ako nagpatinag at nilabanan ang tensyon na ipinararamdam niya.
Kumawala ang braso ko na mahigpit niyang hinawakan at nagpakawala ulit ako ng isang suntok. This time I successfully punched his face. Nagdiwang sa loob ko. Nasundan pa iyon ng ilan pang ataki. Kung saan saan na tumama ang mga suntok ko hanggang sa bitawan nito ang aking buhok.
Kinuha ko iyon na pagkakataong na tumungo sa naka-lock na pinto, malapit na ako sa may pintuan ng hilahin nito ang isa kong paa. Napahiyaw ako sa labis na sakit nang tumama ang mga tuhod ko sa sahig sa ginawang paghila sa akin ni Jacob. Pinilit ko ulit na makawala sa mga hawak niya. Puno ng galit at gigil ang bawat sipa na ibinibigay ko, hindi ko na makontrol basta ang mahalaga ay hindi niya ako maaaring mahawakan at tuluyang madomina.
Sa kasamaang palad parang wala lang kay Jacob ang mga natamong sipa. Parang hindi na lakas ng isang tao ang pilit na umaangkin sa akin. Mas lalo pa itong ginanahan na gawin ang pinaplano niya.
Nakakaramdam na rin ako ng pagod at tuluyang nabalot na rin ng emosyon. Napaupo ako sa sahig, dali daling gumapang sa may pintuan. Napasigaw ako nang hilahin ako nito sa buhok at buong lakas na itinapon sa gilid. Sandali akong nablangko, humiwalay yata ang anit ko sa aking ulo. Habang patuloy sa pagdaing ng aking sumasakit na ulo at likod kinuha iyon na pagkakataong ni Jacob upang pumatong sakin. Inubos ko ang lakas makawala lang sa mga hawak niya hanggang sa dinaganan ako nito at tinalo sa bigat.
"Ito ang gusto mo bakla diba?
Alam kong nagsasaya kana dahil matitikman mo na rin ako sa wakas.""GAGO! Hindi ko gugustuhin na magpagalaw sayo. Nasiraan kana ba ng bait! Diba ayaw mo sakin dahil nandidiri ka? Bakit ngayon pinagpipilitan mo yang sarili mo ha! Gago!" patuloy pa rin ako sa pag kawala sa kanya. Humihingi na rin ako ng tulong, na baka may tao sa labas at makarinig ng saklolo ko.
"Walang makakarinig sayo bakla, sa gagawin ko sayo. Atin ang gabing ito. Bakit ko to ginawa? kabayaran ito sa pamamahiya mo sa akin."
"Hindi pa ba sapat iyong mga pangtri-trip na ginawa niyo? Iyong mga paninira niyo sa akin?"
"Shh.. Kulang pa 'yon. You ruined my reputation. Sinira mo ang reputasyon na matagal kong binuo. Diba binalaan na kita. Isang pagkakataon lang, kahit isa lang at gagawin ko ang bagay na kahit mismo sarili mo ay kasusuklaman mo." magaan na sabi ni Jacob.
"Kakanta ako ah, para naman may background music tayo." pagpapaalam nito. Nginitian niya rin ako.
"Parang Neneng B. ang iyong katawan..(wan) Kay sarap mong makantuntutan...(tan) Rosas kaba??.." huminto ito saglit sa pagkanta.
BINABASA MO ANG
The Rape Victim
General Fiction"Kakanta ako ah, para naman may background music tayo." pagpapaalam nito. Nginitian niya rin ako. "Parang Neneng B. ang iyong katawan..(wan) Kay sarap mong makantuntutan...(tan) Rosas kaba??.." huminto ito saglit sa pagkanta. "Sabihin mo, bakit?"...