Kabanata 3

2.4K 96 10
                                    

Marahas na binawi ni Wen ang kanyang mga braso. Hinarap niya ako sa kanya, he cupped my face at malungkot akong tiningnan. Pagkatapos niyang bigyang pansin ang aking hitsura dali dali nitong hinalughog ang kanyang bag.

"Puta, san na yon." he's having a hard time looking for something.

"Hey, ayos lang. Ayos lang ako." nafe-feel kong para sa akin ang tarantang kilos na kanyang ipinapakita.

"Tang-ina andito lang yon eh."

"Wen--"

"Tang-ina naman Rio eh! Wala nabang mas nakakapangliit pa don? You were fucking humiliated in front of everybody! Parang kalye na yung tingin sayo ng tao eh! GUMISING KANA!" malakas na sigaw nito.

Nanginginig yung balikat niya. Alam ko na kalahati ng inis na nararamdaman niya ngayon ay inis para sa kanyang sarili at para kay Jacob. Naiinis siya sa sarili dahil wala itong nagawa kanina. At ang balik ng reaksyon niyang ito? Nakakadurog ng laman. Laban ko kasi to mag-isa. But because I'm too naive, hindi mapigilan ni Wen na umalalay sa katarantaduhang kong ito. At alam ko na hindi ito ang panahon para ipagtulakan si Wen sa pagpapatigil nito sakin. At alam ko rin na alam nito na malapit na akong sumuko.

Lumapit naman ako kay Wen at pilit itong pinapakalma.

"Pero wala naman siyang sinabi diba? Ayos parin naman. Laway lang yun. Parang flying kiss na rin." biro ko dito.

Wasak na ang puso ko dahil sa nangyari. Walang katumbas na kahihiyan. I just want to look stronger and unbothered in front of my best friend. Kahit sa harapan niya man lang. Being weak only leads to more pain. I don't want to acknowledge defeat habang nandito pa ako patuloy lumalaban.

"Putang rason! Gaano ba ka romantic yung eksina para duraan ka! Nasasaktan din ako Rio bilang kaibigan mo. Huminto ka naman saglit. Sa iba mo nalang ituon yang pagmamahal mo oh."

"Mapapagod din to, wag mo nalang to pansinin. Klaro pa sa sikat ng araw na wala tong patutunguhan. Alam na natin dalawa ang dulo ng nasabing eskinita. Mapapagod din ako sa lakad takbong ginagawa. At hihinto, siguradong hihinto."  nakangiti kong usal sa kaibigan.

Humupa naman ang inis na nararamdaman ni Wen. Nahanap na niya ang tissue at pinahid ang naiwang laway sa mukha ko. Wala na kaming oras upang tumungo sa malapit na palikuran kaya ang mineral water na laging dala ni Wen ang ginamit ko nalang panghilamos. Feeling ko ang aliwalas na ng mukha ko ngayon, presko.

Habang tinatahak ang cafeteria, kaliwat kanan ang bulungan na nagmumula sa mga estudyanting nakakalat ngayon sa hallway. Alam kong ako ang sentro ng diskusyon, siguro mahigit isang libo na ang views nong ginawa kong eksina kanina. Lalo na at isa sa pinakasikat na estudyante dito sa University 'yong involved. Wala namang nangahas na nagtanong  o umaharang at magbigay ng kanilang reaksyon sa naging kilos ko kay Jacob. Bukod kasi sa kasama ko si Edwena na isa rin sa sikat na estudyante dito sa Uni, naitatak ko na rin ang pangalan ko sa paaralang ito. May mangilan ngilan din akong tagasuporta. Maayos din akong makipagkapwa tao. Medyo sikat ako dito kahanay mismo nila Jacob.

Nakapasok na kami ni Wen sa loob at agad akong naghanap ng upuan naming dalawa. Agaw atensiyon ang malaking kumpol ng mga estudyante sa gitna. Ma lamang, pinalilibutan ng mga iyon ang grupo nila Jacob. Ganito ang kalimitang tagpo sa tuwing kakain sila dito ng lunch. Marami rami pa rin ang nagbabasakali kahit alam o nakita nila ang nangyari sa akin kanina.

Malaki ang canteen. May parte na para lang sa mga faculty at may sarili rin silang linya. Sa kabilang dako naman ang para sa mga estudyante, maayos naman ang galaw ng pila.

Ang kalimitang eksina lang na nangyayari dito ay konektado kila Jacob, sa grupo nito at minsan napapasama na rin ako.

Sa may gilid ko naisipang umupo. Isang dereksiyon lang ang tingin, ni sulyapan ang kumpol ay hindi ko ginawa. Sapat na sa akin ang isang pangyayari sa isang araw. Sobrang sakit ang pangyayaring iyon at kung lulubuslubusin ko pa baka wala na akong maramdamang sakit para bukas. Ayaw ko nang ganoon. But I failed myself by looking to where they seated. Kahit imposible, umuusal ng hiling ang aking isipan na sana mapatingin sa aking gawi si Jacob. Kahit isang sulyap, sulyap na hindi niya sinasadya, 'yong napalingon lang. Pero wala, panagtuunan ko nalang ng pansin ang kaninang tinapon na fried chicken. May ipapasalubong na naman ako kay Nova pagka-uwi ko.

The Rape Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon