Kabanata 13

1.7K 112 71
                                    

Haplos na galing sa aking ina ang nagpagising sa akin mula sa panandaliang pagtakas. Ilang oras man ang nagdaan subalit mapapansin pa rin ang mga nangyari sa buo kong katawan. Nagkaroon ng kulay ang mga pasa't sugat na waring ipininta ng isang sikat na pintor. Mula ulo hanggang talampakan ramdam ang bawat kirot.

Pumipintig.

Nakakakilabot.

Hirap ako na maidilat ang aking mga mata at parang hindi na ganoon ka epektibo ang aking pandinig.

Pinakiramdaman ang ibabang bahagi ng aking katawan, ako ngayon ay parang naparalisa.

I laid my eyes in the hospitals ceiling. Tumagal doon ang pagtitig ko. Matagal hanggang sa nakita ko doon ang sarili na umiiyak, nananaghoy. Parang palabas na mapapanood sa kisame ang ginawang pangbababoy sa akin ni Jacob.

"Hindi yan totoo! hindi yan totoo!!" malakas na sigaw ko. Ang kaninang lantang gulay na katawan ay nagkaroon ng lakas. Pilit na inaabot ang kisame at waring may binubura sa hangin. Napigtas ang IV drip na nakakonekta sa aking pulsuhan dahil sa marahas kong galaw.

Nataranta si nanay sa kanyang nasaksihan. Nagpapataasan kami ng sigaw. Ako ay dahil sa kung anong nililikha ng aking isip. Siya ay dahil sa nakikita niya sa akin ngayon.

"Anak! Naill!." Mabilis ang pag-alo sa akin ng aking ina. "Doc!!" pagtawag nito sa kung sino man. Hindi nito alam ang gagawin. Kung ako ba'y kanyang hahawakan o titignan na lang.

Dumako ang tingin ko sa mga prutas  katabi ng aking kama. Napaatras at sumigaw ng malakas. Hestirikal na tinuturo ang mga prutas.

"Wag kayong lumapit!" pagmamakaawa ko. Gusto kong protektahan ang sarili laban sa kung anong gagawin sa akin ng mga prutas. Napahagulgul ako ng iyak ng makitang tinatawanan at tinatapunan lang ako ng nanunuyang tingin. Patuloy ako sa pag-atras hanggang sa nahulog ako sa kamang pinaghigaan.

Lumakas ang pag-iyak ni nanay. Nanginginig ang katawan nito at dali dali akong nilapitan. Agad na binalot ng kumot ang aking katawan. Parang may ayaw itong ipakita sa akin.

Hinawakan ni nanay ang mukha ko at pilit na itinuon sa kanya.

"Shhh.. Nandito si nanay Naill. Hindi kita sasaktan. Tingin ka lang sa akin anak. Wag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Bibilhan natin ng kalaro si Nova diba?" pumiyok ang boses ni Nanay.

Imbes na sundin mas lalo lang lumalala ang sitwasyon ko. Nawalan na ako ng kontrol sa aking isip.

Natutuliro. Natatatakot. Nakikita si Jacob sa bawat sulok ng silid.

"Hindi ka pa ba tapos sa ginawa mo sa akin kahapon?!" Kausap ko sa imahe ni Jacob, mga isang daan rin sila. The overwhelming number of the images made me gasp for air. Kaya para hindi malunod, ginapang ko ang isang imahe ni Jacob. Pinagkakamot. Parang ulan na pumapatak ang dugong galing sa aking kamay dulot ng pagpigtas nung IV drip.
Dumako naman ako sa pangalawa, sa pangatlo hanggang ang mga itoy naglaho.

Napatulala ako saglit tapos nilibot ng tingin ang buong silid nagbabasakaling meron pang mga imahe. Subalit ibang tingin ang sumalubong sa akin. Masasamang tingin ang binibigay sa akin ng mga bintana, kurtina, pintuan sa banyo pati ng ilaw.

Gumapang ako pabalik sa aking kama.

Hindi pa ako lubusang nakaakyat ng maramdaman ang mga kamay ni Jacob sa aking paanan. Nasasagi ng mga haplos nito ang sugat ko sa katawan.

Ang kumot na ibinalot sa akin ay marahas kong inalis.

Naging bayolente ako.

Hindi pa rin ako tinantanan ni Jacob. May kung ano pa itong binubulong sa akin.

The Rape Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon