Ngayong araw ay lilisanin ko na ang silid na pinagpahingahan ko sa loob ng tatlong linggo. I feel so much better now dahil hindi na ako kailangan pang bigyan ng sobrang alaga at atensyon ng inay. Isang buong linggong nakahiga lang sa kama, at sa pangalawang lingo, bagamat limitado parin ang bawat galaw, nagagawa ko na kahit papaano ang magagaang gawain.
Nilalaan ko rin ang bakanting oras sa pag-aasikaso kay itay kapag wala ang inay. At kapag tulog ito bumabalik din ako sa aking silid upang makapagpahinga. Naghilom na nga ng tuluyan ang mga pasa ko at sugat sa katawan at ngayong araw ay binigyan na ako ng clearance upang ma-discharge.
Bago abalahin ang sarili sa pagliligpit ng mga gamit ay tinungo ko muna ang bintana at tinanaw ang mga tao sa labas. Ito ang kadalasan kong ginagawa kapag wala ang inay o kayay tapos ko nang maasikaso ang itay. Kita sa kinaroroonan ko ang daang-daang tao, sasakyan at mga ibon na malayang lumilipad. Sa ganitong paraan ko nakakamtan ang kapanatagan. Sa ganitong paraan ko binubuhay ang sarili. Ilang sandali nalang ay mapupunta ako sa bahaging tanaw ng aking mga mata. Sasakay sa masikip na jeep o di kayay tricycle. Maglalakad sa gilid at gitna ng kalsada. Makikipagsalamuha sa tao, makikinig, tutugon.
Handa ba ako? Paano?
Sa tulad kong may deperensya sa utak, paano ko kukumbensihin ang sarili na daigin ang mapaghamong laban gawa ng aking imahenasyon. Paano ko lalabanan ang trauma gawa nong pangyayari. May takot na ako sa tao. Sa bawat kilos nila. Sa bawat salita nila. Sa bawat tingin. Sa ngiting binibigay. Takot na takot ako sa hindi malamang intensyon.
Kaya heto ako, ginugugol ang oras at tinitignan ang bawat tao sa labas. Para akong isang dayo sa lugar na hindi ko pa napuntahan. Pinag-aaralan ang bawat hakbang, ang emosyon na nakapinta sa kanilang mukha. Wala ng mas tamang lugar para mapag-aralan ang tao bukod dito sa ospital. Dito mo makikita ang pagod, pag-aalala, takot, kasiyahan at pagkabigo.
Sa pinagdaanan kong sakit hindi ko na alam kong para kanino ako nabubuhay. Dumating na ako sa puntong hindi ang sarili, hindi na ang magulang ang dahilan kung bakit dumidilat pa rin itong mga matang ito. Hindi na ako nagagalak, na-eexcite, kinikilig.
Nawala na ng paunti unti ang kabadingan.
Nakakalungkot. Ng dahil sa isang gabing mapanghamon at nakakasuklam matutulad ako sa mga baklang iniiwasan ko na maging. Sila yoong limitado, nagtatago. Takot. Walang kakayahang makalipad, walang kakayahang makausad.
Wala na akong kinang.
Sa mundong malawak, mas napapansin ang kakaiba at natatangi.
At ako ngayoy may sira.
Tatlong araw buhat nang pangyayaring panggagahasa, napagdesisyonan ng inay na matignan ako ng doktor sa pag-iisip. At doon nakitaan ako ng senyales ng rape. I was diagnosed with Post Traumatic Stress Disorder (PTSD) and Depression. Natatawa nga ako non sa doktor dahil awang awa ito sa akin. Hindi niya masabi kung kelan ako gagaling, makakawala sa traumang dinulot ng panggagahasa sakin. Ang sigurado lang ay magiging mahirap at masakit ang aking pagdaraanan.
Gabi-gabi ay binabangungot. Naiiyak nalang bigla. Halatang halata sa aking ang takot. Para akong robot na naka-programa para matakot sa lahat. But I'm trying to be well. Gumaling kahit kunti. Because I owe this to my family. Sa Inay kong nakipagkasundo nasa demonyo. Sa Itay kong laging kuyom ang mga palad. Hindi nila trabaho na ayusin ako, I just want them to be with me.
Samot saring gamot ang pinainom sa akin ng aking doktor. Para malimitahan ang pagkakaroon ko ng "episodes" o 'yong pag-atake ng anxiety. Sa ikalawang linggo bilang pasyente, nadagdagan ang ginagawang test sa akin na hindi ko alam para saan. Kinukuhanan ako ng blood sample at minsay binibisita pa ng ikatlong doktor. Pagkalipas ng ilang araw natigil ang pag-inom ko ng mga tabletang gamot sa kadahilanang hindi muna sinasabi ng doktor. Dinadaan nalang sa IV drip ang dating gamot na iniinom. Magastos pero ito raw ang mas nakakabuti sa estado ng aking katawan.
BINABASA MO ANG
The Rape Victim
General Fiction"Kakanta ako ah, para naman may background music tayo." pagpapaalam nito. Nginitian niya rin ako. "Parang Neneng B. ang iyong katawan..(wan) Kay sarap mong makantuntutan...(tan) Rosas kaba??.." huminto ito saglit sa pagkanta. "Sabihin mo, bakit?"...