Kabanata 5

1.8K 83 3
                                    

"Dala mo na ba lahat anak? Panyo tsaka damit na pamalit nasa bag mo na ba?” medyo mariing sabi sa akin ni inay. Kalimutan ko na lahat basta wag lang ang magpalit ng damit kapag pinagpapawisan. Sobrang protective nilang dalawa sakin ni itay. Simula pagkabata iyang ang lagi nilang paalala. Dumoble pa nong nagsimula akong maglaro ng volleyball. Tumutol sila noong una pero nang makita nila ang benipisyo sa pisikal, mental, pinansiyal at sosyal na aspeto ng larong kinahiligan hindi na rin sila tumutol pa.

“Nandito na po lahat sa bag.” Nakangiti kong sabi.

“Maayos bang nakalagay yong pagkain na ibibigay mo kay Jacob?"

“Mukhang maayos naman nay, hindi ko naman naramdaman na medyo gumulo ang laman ng bag.”

“Basta wag masiyadong maglikot habang papuntang school baka humalo ang ulam sa sports uniform mo, mamantika pa naman yang ulam na nasa bag.” Bilin nito.

“Opo nay.”

“Pag dumating si Wen pakainin mo muna ha.” Tumango ako bilang tugon. Si nanay naman ay sinimulang pagkaabalahan ang maruruming damit namin. Maglalaba siya ngayon, ang tatay maagang bumiyahe para makarami.

Kay Edwena ako sasabay, napag-usapan na namin ito kagabi bago ito umuwi sa kanila. Ayaw na nitong maulit ang pangyayari kahapon na dalawang oras akong naghintay kay Jacob sa entrance ng school. Sinabi ko naman na hindi ko na ulit gagawin yon pero mukhang hindi ito kumbinsido. Magiging bantay sarado na rin daw ako simula ngayon dahil sa nangyaring panghaharass ni Gray. Hindi nagtagal ay dumating ang kotse ni Wen, hindi ito bumaba kaya nilapitan ko ito, gusto sanang pakainin muna.

“Tapos na akong kumain Ri.” ngumiti lang ako sa kanya at tumalikod. Bumalik sa loob para kunin ang bag. Tumabi ako ng upo sa kanya sa likurang bahagi ng sasakyan.

"Magandang umaga po tatay Elmo." bati ko sa driver nila Wen.

"Maganda umaga rin sayo Naill." tinignan ako ni tay Elmo sa review mirror at ngumiti.

"Ang ligalig a, akala niya siguro makakasali siya sa balyahan don sa entrance." napasimangot ako sa naging tugon ni Wen.

“Deretso tayong room Rio, dapat sa daan lang ang tingin, Wag ibaling sa mga lukaret na naghihintay sa entrance, maliwanag?” hindi mababaling sabi nito.

“Oo na, pero sasamahan mo naman ako sa pagbibigay nitong pagkain kay Jacob diba?” nakatanaw sa labas habang sinasabi ko ang mga katagang iyon.

“Oo sasamahan kita, pero kapag hindi niya agad tinanggap yung ulam gaya ng lagi niyang ginagawa wag ng ipilit. Ayaw kong masayang iyong pagkain. Bigay lang dapat, wag ng makipag-usap pa, Rio.”

“Hindi naman nakikipag-usap sakin yun.”

“Tama, parang ikakamatay niya ang paglalaan sayo ng isang pangungusap.”

Hindi gaanong mabigat ang daloy ng mga sasakyan. I am always thankful dahil palaging masaya ang simula ng umaga ko. Kausap sila nanay, madaliang bonding kay Nova tapos kaasaran si Edwena.

Tarpulins, placards, makukulay na pompoms ang hawak ng mga karamihan sa estudyanting namataan namin na naghihintay sa entrance. Maaga pa naman kaya marahil wala pa si Jacob. Hindi ko maiwasan na ibaling ang atensiyon sa kanila kahit nasa tabi ko lang ang nagbabawal sa akin na tanawin ang para sa kanya’y mga lukaret na mga estudyante. Mababanaag ang ngiti sa kanilang mga labi. Masaya at makulay. Energitic at sigaw kung sigaw talaga. Itong kasama ko lang siguro ang naririndi dahil ang mga kasabayan namin papasok ay parang walang pakealam.

Karamihan may hindi tanaw ang paliwanag sa lahat ng mga ginagawa nila, namin- pagmamahal ang sagot.

Malayo na kami sa entrance nang lumakas ang sigawan na may kalakip na tilian ang maririnig sa bukana. Napangiti ako, masaya dahil nasilayan ng mga estudyanting matamang nag hihintay sa entarance ang lalaking kanilang sinisinta. Marami rin ang mga estudyanting lumalabas, marahil sasalubungin din nila ang lalaki.

The Rape Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon