Bigo ang puso naming mga nagmamahal kay Jacob dahil hindi namin nasilayan ang kanyang mukha at ayos sa aming paghihintay sa entrance ng school. Nadapuan na naman siguro siya ng katamaran at late na kung pumasok. Bagamat pumasok ang grupo na pinamumunuan niya na nakatanggap naman ng hiyaw sa ilang naghihintay, hindi parin non mapapantayan ang kagustuhan namin na masilayan ang bubuo sa aming umaga.
Hindi naman pabaya ang aming sinisinta sa kanyang pag-aaral. Hindi siya yong puro porma, hindi siya yong may masabi lang. Dahil nasa kanya na ang lahat.
Lahat!
All!
Karangyaan.
Kagwapuhan.
Kakisigan.
At pagiging maaalam sa lahat ng bagay. Kaya ang paglait sa aming mga bakla at hindi kagandahang babae ay natural na ginagawa ng kanyang konsensiya. Isa siyang diyos. Katotohanang taglay niya na hindi namin nakikitaan ng pagiging hambog dahil sa totoo naman talaga.
Yong pakiramdam na tumitigil ang oras? Literal na nangyayari sa tuwing siya ay dumadaan.
Nanghihigop ng atensiyon.
Napapahinto ang lahat at sa kanya ay napapalingon. May ilan panga na hindi mapigilan na lumuhod.
Hindi naging madali ang mga ginawa niya matamasa lang lahat ng papuri at pagsamba. Nasubaybayan ko mula sa malayo ang puspusan niyang pag-eensayo para maging kapitan ng basketball team. Dugo, pawis at oras ang kaniyang isinakripesyo. Sa kanyang mga kamay nabalik sa aming school ang kampyonato na matagal na niyang pinangangalagaan. Kaya walang sinuman ang kumukwestiyon sa aming pagmamahal kay Jacob, dahil papangalanan namin na walang puso o hindi tao ang indibidwal na hindi nagkakaroon ng paghanga o pagnanasa sa kanya.
Humahangos na tumatakbo tinungo ang room namin. Nasa huling taon na ako ng senior high school sa awa ng Diyos. Hindi naman kasi ganon ka dali ang makapasok sa paaralang ito. Kung hindi nga lang dahil sa scholarship ko bilang isang volleyball player siguro noong grade 7 palang lumipat na ako sa isang State University dahil sa mahal ng tuition dito. Masasabi kong ang pag-ibig na nararamdaman ay nakatulong naman sa aking pag-aaral. Pinaghuhugutan ko ito ng inspirasyon para magpursigi at ang nais ay may mapatunayan. Dahil nasa iisang gymnasium lang ang court ng basketball team at volleyball team, todo pakitang gilas at papansin ang ginawa madapuan man lang ng kaunting tingin mula kay Jacob. Focus sa bawat training, naging isang ganap at tunay na manlalaro sa larangan ng volleyball baon ang passion sa sport na kinahiligan.
Lakad takbo ang ginawa. Nakasabayan ang ilan sa mga estudyante na naghihintay din kanina kay Jacob. Bagamat bigo, hindi makikitaan sa mga mukha namin ang lungkot dahil para sa amin obligasyon na namin yon sa lalaki bilang nagmamahal dito. Marami parin kami. Sobrang lalim ng paghanga sa lalaki.
Sobrang bilib ako sa mga estudyanting nakasabayan ngayon dahil sa tingin ko, nasa malaking lebel ang pagmamahal namin. Lebel sa pagmamahal na kung saan wala kang inaasahang kapalit sa bawat bagay na bigay mo. Naghihintay lang ng tamang tiyempo, isang pagkakataon mula sa isang libong efforts. At ang isipin na masusuklian din balang araw ang lahat ng mga ginagawa namin, nakakapanglambot lang ng puso.
Kay saya naming tingnan, mga estudyanting nagmamahal na tumatakbo sabay usal ng dasal na sana makaabot pa sa unang klase namin ngayong umaga. Hula ko na lahat kami ay hindi parin kalkulado ang oras ng pagdating ng mga instructors namin.
Nauuna ako sa lahat. Nailalabas ko ang pagiging atleta ko pero naroon parin ang pag-iingat dahil baka magkagulo yung pagkain na nasa loob ng bag ko at humalo ito sa mga damit at uniform ko sa volleyball. Nakaalalay talaga yong kamay ko sa likod ng bag. Nasa harap na ako ng pinto, ang kabilang parti nito ay ang klaseng organisado. Pinihit ang door knob pakaliwa at nagbigay ng munting lakas upang ang pinto ay umatras ng bahagya. Naghalo ang munting ingay ng pinto at ingay na nagmumula sa paghahabol ko ng hininga. Wala pa ang instructor namin sa USelf pero tahimik na ang klase. Busy ang lahat sa kanilang munting ginagawa. Iilan lang sa mga kaklase ko ang nagbigay ng halaga sa presinsyang aking dala. Napunta agad ang mga mata ko sa pinakagilid na upuan sa may bintana. Sa tabi nito ay ang taong may mapanuring tingin. Kahit na ang pagpupunas ko ng pawis ay mariin nitong tinitignan, si Edwena, ang aking matalik na kaibigan. Sa sobrang close namin kaya nitong malaman kung para kanino ang pawis na lumalabas sa aking katawan. Kaya sa tuwing nala-late ako tulad sa nangyari ngayon, bilang ang mga ginagawa kong hakbang. Sa klasing tingin na ipinupukol ni Edwena nagdadala ito ng babala na ayusin ko kahit ang paglalakad man lang. Ang paggalaw ng bibig nito at ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig ang nagpatigil sa akin sa pag-upo sa upuang katabi ng kanya.
“Hindi ka pa ba napapagod Rio?” may diin ang bawat bato nito ng salita. Yuko lang ang tanging naging tugon ko sa sinabi niya. “Araw-araw hindi biro ang tinatakbo mo mula sa entrance hanggang dito sa 5th floor. Ang hindi pagbili ng snacks tuwing break dahil napupunta sa pagbili ng bagong tupperware na hinahambalos lang ng gagong yun.!” Sabay turo nito sa labas na parang naroon si Jacob.
“Ang pagtanggi sa pagsundo sayo ng iyong mga magulang tuwing uwian dahil pupunta ka munang tiange, bibili ng sangkap na lulutuin para sa lalaki.” Pahabol nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/211730681-288-k298483.jpg)