Kabanata 10

2.5K 131 41
                                    

Maganda ang bungad ko sa umaga, at ang dahilan ay dahil kakatapos lang kahapon ng aming midterm exam. Iyong feeling na wala na 'yong pressure, magaan na ang ulo, at hindi na ganon ka balisa, tapos araw pa ngayon ng biyernes! Ang isa sa pinakapaborito kong araw sa loob ng isang linggo. Halos lahat naman siguro diba?

Sa mga ganitong simpleng pagkakataon ko nagugustuhan ang bigay sa akin ng buhay. Iyong pagdampi ng liwanag sa aking mukha, mahinang kahol ni Nova sa baba, ang aroma ng nilutong agahan ni nanay at iyong magaan na pakiramdam na mas mahal mo na 'yong sarili mo.

Iba ang pakiramdam ko sa araw na ito, feeling ko magiging maganda.

Nag stretching muna ako bago ko simulan ang mga morning routines ko. Bagay na lagi kong ginagawa para magising ng tuluyan ang aking diwa at maging aktibo ang katawan. Swabe kong sinayaw ang kantang Bawal lumabas ni Kim Chui ft. Squammy beats, bagong anthem ngayon ng mga tiktokers.

"Ay pwede na pala ikaw lumabas." at lumabas na nga ako sa aking silid. Kakain pagkatapos ay maliligo. Wala akong naabutan sa sala maging sa kusina, kahit konting kaluskos mula sa labas at wala akong narinig. Maaga sigurong pumasada si tatay at tumungo na rin sa paaralan si nanay.

Kay Edwena ako ngayon sasabay. Maaga pa naman kaya binagalan ko ang pagkain ng almusal na inihanda ng butihin kong ina. Simula noong hininto ko ang pagbibigay ng pagkain kay Jacob hindi na rin ako ang nagluluto ng aming almusal. Binabawi ko nalang sa pagiging cute kong anak sa aking mga magulang.

Habang kumakain, nagbaliktanaw ako sa mga nangyari noong mga nakaraan araw. Matagal tagal na rin pala 'yong unang away namin ni Jacob. At simula non, walang araw na hindi kami nagkaroon ng eksina sa school. Trending kami palagi, doble ang ingay pagdating sa mga social medias lalo pa't may kanya kanya kaming mga fans.

Bagamat walang palya sa pangtri-trip si Jacob at ang grupo niya, nagawa ko pa rin namang makapag-aral at hindi nawala ang aking laro sa kinahiligang sport. Araw araw ibat-ibang trip ang pinaggagawa nila. Minsan pinapatulan, kadalasan ay hinahayaan ko nalang.

Ang cafeteria ang naging battle ground namin ni Jacob. Doon nangyayari ang sindakan, mga walang sawang parinigan at kung minsan ay umaabot pa sa pamimersonal nito. Parang isang teleserye na nga ang mga kaganapan sa pagitan naming dalawa sa tuwing sasapit ang lunch. Nagiging pisikal na rin ang away namin at masasabi kong nasa sukdulan na ang galit namin sa isa't-isa.

Intense!

Tinapos ko na ang aking almusal. Any minutes from now, bubusina ang kotse nila Wen, ayaw ko namang paghintahin si Mang Elmo kahit na isang minuto dahil sa bagal kong kumilos. Hinugasan ko ang aking pinagkainan at nilagay sa refrigerator ang natitirang mga ulam. Nakangiti kong kinuha ang baunan at umakyat sa taas.

Mabilis na lumipas ang oras. Nasa cafeteria kami ngayon ni Wen para kumain ng tanghalian. Maraming estudyante ngayon dito na kumain. Maingay, bawat table may kanya kanyang kwento. Tulad namin ni Wen na masaya sa kakatapos lang na examinations. Alam ko rin na ang kalahati sa mga nandito ay nais lang na manood sa susunod na away sa pagitan naming dalawa ni Jacob.

"Tuloy ba tayo bukas?" tumango ako bilang tugon sa tanong ni Wen. Habang wala pa ang kaaway ko dito sa battle ground namin, sinulit na naming dalawa ng kaibigan na pag-usapan ang mga bagay bagay.

"Talaga? As in bibili ka rin ng mga dadalhin mo sa Retreat?" hindi makapaniwalang sabi nito.

"Oo Wen, mapilit si nanay. Hindi ako tinigilan sa pangungumbinsi na sumama sa inyo sa Retreat."

Ayaw ko sana talagang sumama kaso malulungkot ng matindi si nanay dahil ibig sabihin non hindi raw nila nagampanan ang obligasyon nila bilang mga magulang ko. Ipinaliwanag ko na hindi naman ganon ang basehan ng pagiging isang magulang pero nagpumilit si nanay, na nag-iisa na nga lang akong anak nila tapos hindi pa nila ako magawang maisama sa mga school activities. Hindi rin sila pumayag na akuin ni Wen ang pagbabayad, may naipon naman daw sila ni tatay. Kaya pinag-igihan ko nalang sa pag-aaral para makakuha ng malaking marka sa semester na ito makabawi man lang sa malaking pera na ilalabas nila sa aking pagsama sa retreat.

The Rape Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon