Kabanata 4

2K 98 11
                                    

Tulad ng inaasahan, nagbago ang laro ng aming kalaban. Quick plays, strong services that translate into service aces pati blockings. Nakikipagsabayan naman kami sa kanila pero ramdam ko, namin na may nag-iba. Parang may pinindot na remote control at nag step up ang laro ng kabila. Naging mas instense ang ikalawang set. Hirap ang bawat team na makapuntos. All plays turns into a long rally bago makaabante. Sa akin din dinadala ang bola kapag nagse-serve sila. Ang mas lalo pang nagpahirap sa amin ang hindi matibag na net defense. Kaya dinadaan ko nalang sa diskarte, nananalaytay na ang larong ito sa mga dugo ko kaya kalkulado ko na ang laki at haba ng court. Hindi ko nalang pinapansin ang panakanakang komento ni Leo kapag nagkatapat kami sa net.

"How about to make a deal?" ngiting sabi ni Leo.

Pumito ang referee hugyat para ihatid na ang bola sa kabila. Isang jump serve ang ginawa ng opposite spiker namin, hindi naman maganda ang reception ng kabila kaya walang ibang choice ang setter nila kundi dalhin sa open hitter nila, kay Leo. With a full swing, pinalo niya ng pagkalakas ang bola. Sumabay kaming tatlong blockers sa kanya. Alam nito ang kapasidad namin lalo na sa blockings, dahil halos magkapantay lang ang galing ng aming team sa kanila. He made sure na ako ang target niya kaya mas pinayong ko pa ang aking mga kamay sa taas ng net.

Lumikha ng malakas na tunog ang paglapat ng bola sa kamay ko. Lumusot ang bola sa aking harapan. Agad ko itong sinundot.

"Up!." malakas na sigaw ko.

Biglang lumitaw si Edwena at ginawa ang trabaho nito. Gusto ko sana itong talakan dahil wala ako sa maayos na posisyon para paluin ang ganon klaseng set. Pero pinilit ko parin. Power hit ang ginawa ko, but I overcooked that one. Half of my team mates are asking for a checked ball pero ako na rin ang nagbigay ng signal na wala.

Napasapo ako ng ulo at nanghihinayang na tumayo.

Sumingyas naman ng sorry si Edwena sakin at sa mga coaching staff. Kahit na anong pilit namin na dumikit sa puntos ng kalaban hirap kaming ma-execute ng tama ang plays. From the reception, setting and spiking. Gawa na rin siguro ng pagod.

Nagchant nalang kami. Pilit na binubuhay ni Edwena ang team. Pagod na tinungo ang pwesto sa may bandang net.

"Pagod ka na." maikling sabi ni Leo. Nanunukso itong ngumiti sa akin.

"Like what I've said, lets make a deal. Kapag natalo kami we will not going to mess up your team again. No dirty tricks, foul words. Just a fair game for the upcoming campaign." he paused a bit and then he intently look me in the eye.

"Kung kami naman ang mananalo, you and the team captain of your team will give us a head." sinundan niya ng isang pilyong ngiti ang sinabi niyang iyon.

Napakuyom ako ng kamao. Napatitig lang ako dito. Kahit na hindi ako marunong sumuntok, gusto kong basagin ang nakakalokong ngiti nakapaskil sa mukha nito.

Hindi ko ipinanalo ang team sa magkakasunod na season para lang bastusin ng ganito. I build my reputation sa field na ito for me to be respected o kahit ang team man lang namin.

I stayed silent kahit na nagngingitngit na ang loob ko sa galit. Ayaw kong gumawa ng eksina. Hindi sa paraan na gusto nitong mangyari. I won't give him the satisfaction to see me at my worst state.

Huminga ako ng malalalim.  Pumito ulit ang referee at agad naman nagserve ang kabila mula sa service line. As expected, sakin ulit nila ipinapunta ang bola. Floating serve ang ginawa ng kalaban, kaya madali ko lang itong naihatid sa setter namin. Pagkahiwalay ng bola sa mga kamay ko, I quickly position my self in the right corner of the court. Pagkalapat ng bola sa mga daliri ni Edwena, para na akong asong ulol na handang kumagat kahit kanino. I gathered all my anger and frustration. Hinanap ko ang pigura ng bastos na si Leo. Long set man ang ginawa ni Wen, mabilis naman ang paghatid nito. Hinintay ko ang tamang tyempo, tumalon, umarko kasama ang hangin na sumasabay sa ginawa kong pagliyad. Hindi ko iniwas sa dalawang nagtataasang pader ang ginawa kong pagpalo.

The Rape Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon