Maganda ang naging tulog ko kaya maganda rin ang salubong ko sa umaga. Kaya nag TALA ulit ako ng very very slight. Hindi na siguro mawawala ang pagkawili ko sa awiting iyon ni Ate Sarah. Bagamat malayo ang lyrics sa estado ng relasyon namin ni Jacob, support pa rin ako, makiki tala hanggang dulo.
Ngiti ang unang salubong ko kay nanay pagkababa ko ng hagdan. Ang planong gumising ng maaga ay hindi naisakatuparan dahil nga naging maganda ang tulog ko. Hindi ko tuloy nasaksihan ang mala masterchef na pagluluto ng butihin kong ina sa maliit naming kusina. Amoy na amoy ko ang iba't-ibang niluto niya ngayon. Mas nangibabaw nga lang ang halimuyak ng Ube halaya. Hindi na ako mapaghintay na ibigay ito kay Jacob. Sisiguraduhin ko na hindi masasayang ang pagod ni nanay. Pinagdasal ko talaga ng ilang ulit ang magiging takbo sa pagbibigay ko nitong kakanin. Mataimtim na hinihiling na umayon sa aking ang pagkakataon ngayon.
Bibigyan ko rin si Luzyl, pasasalamat ko sa kanya bilang mabuting kaibigan. She's the only one sa mga kaibigan ni Jacob ang nagparamdam sakin ng empathy sa bawat hindi magandang tagpo sa pagitan naming dalawa ng kanyang kaibigan.
Pagkalapit ko kay nanay, humalik ako sa pisnge niya. Kurot naman ang tugon nito.
"Upo kana nak tatawagin ko muna tatay mo." umupo naman ako ng tuwid at masayang tinignan ang bawat pagkain na nakahain sa mesa. Swerte talaga namin ni tatay dahil sobrang maalaga sa amin ni nanay.
"Ano kaya ang iniisip nitong baby namin at ito'y nakangiti ng pagkalakilaki." sabi ng pawisan kong tatay. May mantsa ng langis ang mga kamay nito. Maigi naman na pinupunasan ni nanay ang pawisan na mukha ni tatay.
"Masaya lang ako sa mga pagkaing naka handa at sa kulitan niyo po ni nanay sa labas."
"Ayaw kasing magpahalik nitong nanay mo." maktol ni tatay.
"Sobrang pawisan mo kasi at nang-aakap. Pero hinalikan parin kita Grego, kulit kasi parang bata." umaakto na parang di ayon sa kanilang edad itong mga magulang ko. But I find it cute and genuine.
Kaya positibo ako dito sa pag-ibig ko kay Jacob dahil gusto kong matulad kami dito kila nanay. Nakwento nila ang kanilang pag-iibigan na parang asot pusa sa umpisa hanggang sa pag-ibig na ang nagdugtong sa kanilang mga puso. Kahit panahon na ang lumipas hindi nabawasan ang pagmamahal nila sa isat-isa. Hindi nila sinukuan ang isat isa. Mas tumatag.
"Kumain na tayo dahil ihahatid kapa ng tatay mo Rio."
"Opo nay."
Gaya ng tipikal na umaga ang nangyari sa amin sa araw na ito. Puno ng lambingan mula sa dalawa.
Si nanay ay magiging abala sa mga gawaing bahay. Si tatay naman ay mamamasada habang ako ay tutuloy sa paaralan at mag-aaral.
Bago tuluyang tumulak ang aming tricycle papuntang school sinigurado muna ni nanay ang mga damit na pamalit ko sa volleyball at syempre sinigurado rin niya ang ginawa niyang Ube halaya.
"Alam mo anak, bago kami naging mag asawa ng nanay mo palagi na niya akong pinagluluto kahit pa nong nililigawan ko pa lang siya. Ewan ko nga sa set up namin noon dahil ako yong nangliligaw pero ang nanay mo ang sobrang maalaga." napatingin ako kay tatay habang sinasabi at inaalala ang araw nila noon ni nanay.
"Natutuwa rin naman ang lalaking pinagbibigyan mo ng pagkain anak?" tanong nito sakin.
"Opo tay, kahit papaanoy tinatanggap naman niya yong mga pagkain na binibigay ko."
"Mabuti naman, kay tagal narin ng simulan mong bigyan ng pagkain yong crush mo anak. Hindi ka pa ba pinupormahan non?"
"Mukhang malabo pa sa ngayon tay, tinatanggap niya yung pagkain na bigay ko pero parang hanggang don nalang yun. Malabo na magkagusto rin siya sakin pero diba tay posible naman diba? Posible na maging tulad niyo kami? Gaya ng sa inyo ni nanay?" sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Rape Victim
General Fiction"Kakanta ako ah, para naman may background music tayo." pagpapaalam nito. Nginitian niya rin ako. "Parang Neneng B. ang iyong katawan..(wan) Kay sarap mong makantuntutan...(tan) Rosas kaba??.." huminto ito saglit sa pagkanta. "Sabihin mo, bakit?"...