Kabanata 12

2.4K 129 92
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Saglit na hindi naramdaman ang sakit sa buo kong katawan. Naging magaan ang lahat sa akin, na para bang umalis ang aking kaluluwa sa katawang tao ko.

Inulit ng ilang beses ang mensahing galing sa aking ina. Nagbabasakaling natakasan lang ako ng kakayahang umintindi dahil sa dinanas ko kanina. Subalit lalo lang akong nahirapan.

Malinaw, naaksidente ang itay.

Kasabay ng pagrehistro nung nilalaman ng mensahe ang siyang pagbilis din ng tibok ng aking puso. Napatitig ako sa mga letrang unti unting kinukuha ang natitirang lakas sa aking katawan.

Ang akala ko ay mapapanatag ako ng mensahe mula sa aking mga magulang laman ang kanilang pag-alala. Itatanong kung nasaan na nga ba ako at bakit natagalan ako ng uwi. Kahit malayo sila at nandito ako sa isang silid minumulto ng mga pangyayari kanina, mahahaplos ang aking puso dahil sa kanilang pangaral at pangamba.

Ngunit bakit ang saklap? Bakit kailangang madamay ang itay sa kamalasan ko sa buhay. Bakit kailangan idamay ng tadhana ang lalaking unang una kong minahal.

Ang nag-iisang tao na ang turing sa akin ay prinsesa.

Ang amang mas eksayted pa kaysa sa akin na magkaroon ako ng shotang dalawa.

Ang turing sa akin ay yaman.

Ang taong higit na masasaktan kapag nalaman nitong kinuha ang aking dignidad ng sapilitan.

Hikbi at hiyaw ang maririnig sa apat na sulok nitong silid palikuran. Ang malakas na panaghoy ang naging tugon ko sa mga tala. Ito ang gusto nilang mangyari diba?

Magkaiba ang pagsubok at parusa.

I already learned my lesson. Matagal na. I also know na wala akong ni katiting na pag-asa. Hindi pa ba sapat na kabayaran ang hindi mahalin pabalik kaya yung mga taong mahalaga sa akin ang nagbabayad ngayon?

Ni hindi ko nga magawang ma-iproseso ang lahat.

Wala si Edwena na pweding pagbalingan.

Durog akong haharap mamaya sa aking mga magulang.

Naging pahirapan ang pagpapatahan ko sa aking sarili. Panakaw ang paghahabol ko ng hangin. Ibayong pagpapagaan ng loob ang ginawa upang tanawin ang naghihintay na pinto. Gusto kong maramdaman sa puso ko na ayos lang ang lahat. Na hindi ganon ka lala ang nangyaring aksidente. Gamay na ni itay ang kalsada, hindi ito napuruhan. Sana, dahil hindi ko kakayanin ang bigat na pagdadaan kapag nakita kong hindi na nakapaskil sa mukha nito ang ngiting lagi nitong dala.

Dinurog ako ng lalaking pinaglaanan ko ng pagmamahal sa loob ng apat na taon. Tinalikuran din ako ng mga talang nagpagsasabihan ko ng aking ambisyon.

Umpisang bumuo ng kongklusyon ang aking isipan na ako ang dahilan sa sinapit ng aking ama. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ako naging isang p*ta sa pag-ibig. Masyado akong naging hangal. Pilit inaabot ang pag-ibig na langit ang pagitan. Hinayaan kong lamunin ako ng aking pantasya. Akala ko ako ang babalikan kapag umabot na ako sa sukdulan.

Pero lahat ng dalari ay nakaturo sa akin.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Sampong minuto ang nilaan upang pansamantalang pahupain ang aking emosyon. I gathered all my things, hindi na ako nag-abala pang suotin ang aking sapatos. Tinungo ko ang kanina pang naghihintay na pinto. Ang lungkot ng gabi, kakaibang lamig ang hatid ngayon ng panahon.

Humugot ako ng malalim at umpisang tumakbo.

Maririnig sa pasilyo ang tunog ng aking pagtakbo at ang salitang tatay na paulit-ulit kong inuusal.

The Rape Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon