Limang oras mula ng pag-uusap namin ng doktora ay siyang pagdating ng aking Ina. Inabot na ito ng dapithapon. Magulong damit, bagsak ang balikat at bakas ang buong araw na pagod. Sobrang liit ng bawat hakbang na para baga ito'y matutumba. Hindi ko siya sinalubong o inalalayan. Kapansin pansin din ang magulong dokyumento na nasa transparent plastic folder. Parang basta na lang itong nilagay doon. Sa pagkakaalam ko, ang plastic folder na yun ay naglalaman ng mga papales na ihahain namin sa piskalya.
Nakakapagtaka kasi kilalang maayos ang inay sa mga importanting bagay o di kayay papeles. Masinop at organisado sa mga gamit maging sa pagpaplano ng bawat lakad.
Nilayo ko ang tingin sa inay at ngumiti ng mapakla, kung maganda ang naging lakad nito hindi magiging mabigat ang hangin sa apat na sulok nitong silid. Siguro'y tama nga ang matalik nitong kaibigan, tinalikuran kami ng mga abugado at walang sinuman ang tutulong sa amin.
Pagkalapit sa akin, agad ako nitong niyakap. May kung anong gustong damhim, may kung anong gustong alalahanin. Inuulit nitong binibigkas ang salitang anak na parang doon siya humuhugot ng lakas.
Amoy araw, ang daming hiblang nakatakas sa nakapusod nitong buhok. Kahit hindi ko na siya tanungin mapapansin na hindi siya kumain ng tanghalian. Hindi ko lubos maisip kung saan hinuhugot ng inay ang lakas upang bumangon ng maaga, asikasuhin kaming dalawa ng itay, pagsabayin ang trabaho't pag hahanap ng tulong sa mga kakilala nito.
Nilayo ng inay ang mukha nito sa balikat ko at nakangiti akong tinignan.
"Excited ka na bang umuwi sa bahay?" Tanong nito sa akin. Sumilay naman ang ngiti sa aking labi habang sinagot ang inay gamit lang ang pag-tango.
Nitong mga nakalipas na araw, bibihira lang na magtagal sa kwartong pinaghingahan ko ang inay. Pagkatapos niya akong asikasuhin ay lilipat ito sa itay tapos dudulug at hihingi ng tulong sa kung sino. Mas marami pa ang oras ang ginugugol nito sa paghingi ng tulong, pakikipag usap sa mga kaibigan at kakilala. Sinabihan ko naman na siya, na akoy magaling na at kaya na siyang alalayan sa pagbabantay sa itay. Ang nasa isip ko nitong nagdaang linggo ay gumaling agad upang hindi na ako kailangang bigyan ng ekstrang atensyon. Maging ang itay ramdam kong gusto niya rin na gumaling agad. Kapag nagkakaroon kami ng pagkakataong mag-usap ng itay pinalalakas lang namin ang loob ng isa't isa.
Naging busy pa ang inay nito lang ng natapos na ang ang leave nito at kailangan na niyang pumasok para magturo. Napansin ko rin ang suot nitong damit ngayon, ito rin kasi ang suot niya noong una. Marahil sa sobrang busy nito sa napakaraming bagay kahit ang pagpili ng damit na susuotin ay hindi na niya magawa.
Sobrang sakripisyo.
Walang katumbas na pagmamahal.
Lumayo ako sa inay at ako na mismo ang mubuhay sa ilaw nitong silid. Nakahilera sa gilid ang malitang napaglagyan ng mga gamit at meron din dalawang plastic bags. Ang ilang gamit dito ay ililipat sa room ng itay kaya hindi gaanong karami ang dadalhin namin pauwi.
Pinili kong huwag munang komprontahin ang inay patungkol sa ibununyag ng matalik niyang kaibigan. Nakakapagod, nakakaubos ng lakas, masyadong emosyonal na ang araw na ito sa aming dalawa para tanungin pa ang inay sa kanyang dahilan. Ang pagpili sa akin eh pwede namang kaming dalawa ng magiging apo niya. May tamang oras at araw para pag-usapan ang - ay, wala palang dapat diskusyon. Buo ang loob ko. May natitira pa akong lakas upang mahalin ang sarili at ang magiging anak ko.
Mamahalin ko siya.
Naniniwala akong ang mga sanggol ay walang pagpipilian na isilang, let alone be born as victims of something as horrific as rape. They enter this world innocent, pure, untouched by the darkness that brought them here. At itong anak ko, sanggol na nasa aking tiyan, ay hindi humiling na maisilang sa pamamagitan ng karahasan. Hindi nila pinili ang kanilang simula, ngunit narito sila, isang buhay na patunay ng parehong trahedya at pag-asa.
BINABASA MO ANG
The Rape Victim
General Fiction"Kakanta ako ah, para naman may background music tayo." pagpapaalam nito. Nginitian niya rin ako. "Parang Neneng B. ang iyong katawan..(wan) Kay sarap mong makantuntutan...(tan) Rosas kaba??.." huminto ito saglit sa pagkanta. "Sabihin mo, bakit?"...