Hindi ko na kinakailangan pang gumasing ng maaga at gawin ang nakagawiang pagsasayaw ng tala.
Nakakapanibago, lalo na nong inikot ko muli ang tingin sa aking silid. Sandiling naging foreign sakin ang buong silid-tulugan, wala na kasi ang mga litrato at kagamitan na nakasanayan kong gamitin at tignan sa loob ng apat na taon.
Ang mga nakahandang pagkain sa mesa ay waring nagsasabing simula na nga ng aking pag limot. Hindi kasi ganito ang madadatnan ko kapag bababa ako mula sa aking silid. It was me who will prepare our breakfast, ako ang mauunang magigising at maglilikot sa maliit naming kusina.
Kagabi, dala ang alaala ng mga pangyayari, I told myself na ititigil ko na ang pagluluto ng pagkain at pagbibigay ng anumang bagay kay Jacob. And it's quite surprising na nagawa ko ngang gumasing na hindi ayon sa nakasanayan. Well, I've been wanting this for so long. Yung nga, ang makawala.
Ang hindi ko lang napaghandaan ay ang involvement ng aking mga magulang. Saktan na ako ng lahat basta wag lang ang mga magulang ko. Insultuhin na ako ng lahat basta wag lang idamay ang kahit na isa sa kanila. At kung papipiliin ako, I'm willing to gave up everything para sa kapakanan nila nanay at tatay.
Kung dati ay hinahabol ko parati ang oras para maihanda ang mga dadalhin ko sa school, ngayon hindi na. Magandang kabawasan ang paglimot ko kay Jacob sa sarili kong interes. Hindi na ako gigising ng maaga, hindi na ako maghihintay sa entrance ng school, mas makakakain ako ng maayos tuwing lunch break, makakapag-ipon, at hindi na aabalahin ang sarili na dumaan muna sa tiange. Hindi ko na rin kailangang humugot ng inspirasyon sa kanya sa bawat laban ko, sapat na ang dedikasyon, kaibigan, at pamilya para ipanalo ang kampyonato.
Wala akong aninong naabutan sa kusina. Marahil nandoon sa labas sila nanay at tatay nilalaro si Nova o 'di kaya'y may kanya kanya silang ginagawa.
Kinain ko na ang pagkaing nakahanda sa mesa.
"Mmm.." ang sarap talaga ng luto ni nanay. Napadami pa nga ang naging kain ko. Sa halos araw araw kong pagbibigay ng pagkain kay Jacob, may isang pagkakataon kaya na natikman nito ang luto ko o luto ni nanay? Asa.
Matapos kong masimot ang aking pinagkainan, mabilis ko itong hinugasan. Nag toothbrush na rin ako at uminom ulit ng tubig.
"Naill anak!" rinig kong sigaw ng aking ama. Dali dali kong inabot ang aking bag. Magaan na ito, tanging mga damit na pamalit at uniporme sa volleyball nalang ang laman at iilang kwaderno. Pwede na akong maglikot ng matindi. Wala na ang pangamba na magkakaroon ng mantsa ang laman ng aking bag.
Nakapwesto na si itay sa tricycle paglabas ko ng bahay. Hinanap ko ang presinsya ng aking ina ngunit wala ito.
"Si nanay po tay?" akala ko naglalambingan na naman sila dito sa labas.
"Balik na ulit sa umagang pagtuturo ang nanay mo anak. Inihatid ko na ito sa paaralan nila. At ikaw, hali na dito." tumango ako. Hindi ko man lang nasilayan si nanay ngayong umaga. Nawala siguro sa isip nito na ipaalam sa akin na balik na ulit sa dati ang oras ng pagtuturo nito sa eskwela.
Ni-lock ko na ang pinto, may tig-iisa naman kaming susi dito sa bahay. Sinulyapan ko si Nova na bagot lang kaming tinitignan ni tatay. Ma-attitude talaga itong aso namin, pero kapag gutom, abay sobra kong kumapit. Maging itong aso rin siguro namin ay maninibago, wala na kasi itong kakainin mula sa pagkaing nasasayang mula kay Jacob.
Tinatahak na namin ni itay ang daan papuntang school. Nasa gilid lang ako nito, naghihintay sa itatanong kaugnay sa nangyari kahapon.
"Ayos ka naman ba anak?" ang unang naging tanong ng aking ama. May himig ng simpatya at lungkot ang boses nito.
BINABASA MO ANG
The Rape Victim
General Fiction"Kakanta ako ah, para naman may background music tayo." pagpapaalam nito. Nginitian niya rin ako. "Parang Neneng B. ang iyong katawan..(wan) Kay sarap mong makantuntutan...(tan) Rosas kaba??.." huminto ito saglit sa pagkanta. "Sabihin mo, bakit?"...