Kabanata 8

1.7K 102 20
                                    

Tapos na akong mag salita kaya tumalikod na ako kay Jacob.

Wala na siya sa paningin ko, kasabay ng pagkalusaw ng pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ako umiyak, parang ang gaan nga sa pakiramdam. Ganon ba kabigat yung pagmamahal ko kay Jacob kaya ngayon na winaksi ko na para akong nasa ulap?

Apat na taon kong ipinagpatuloy ang  istorya na halos sakit lang ang bawat nangyayari.

Tama ang ginawa ko, ito na siguro ang pinakahihintay kong pagkakataon ang kumawala sa katangahan ko don sa lalaki. Mulat na ako sa aking kahibangan, malayo siya sa gusto kong lalaking makasama. Malayong malayo siya sa tatay na puro ang pagmamahal kay nanay. Hindi niya deserve ang busilak na puso ko. Ako'y malaya na.

“Fuck you nga pala.” Humirit pa ulit ako ng pabaon na salita kay Jacob. Middle finger naman sa mga kaibigan niya. Except kay Luzyl na nakitaan ko ng paghanga.

Nang mahagip ng aking mga mata ang aking kaibigan, parang may humaplos sa aking puso. Alam kong sobrang proud niya ngayon sa akin. Hindi na ako yung tangang Rio, naiwaksi ko na, iiwanan ko na dito.

Hindi na ako mahihiya sa kaibigan ko.

Hindi ko na kailangang depensahan ang gusto ng puso dahil wala na, ibabaon ko na ang dahilan sa limot.

“Hey, ang sarap sa pakiramdam.” Sabi ko kay Wen pagkalapit. Tumango lang siya ay inaalalayan ako sa paglalakad.

“Hanga ako sayo. Akala ko wala kang gagawin pagkatapos pagsalitaan ni Jacob ang nanay natin at ang pagkatao mo pero tinanggap mo sa sarili mo na hindi siya nakakabuti sayo. Muntik ko ng masapak ang gago buti pinatikim mo ng malakas na sampal. Masaya ako. Wag mo nalang ulitin yong pag middle finger Rio, tang-ina nito.” sa unang pagkakataon napangiti ako. Ito ang unang ngiti ko na hindi na mamahalin si Jacob.

Yumakap lang ako ng mahigpit kay Wen. Mahigpit na mahigpit. Gaya niya, masaya rin ako. Parang may bagong nabuksan na pinto. Bagong buhay na alam kong hindi na ako aasa, hindi na malulungkot, bagong buhay na mas mamahalin pa ang sarili at pamilya, buhay na mas papahalagahan ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin.

“Hindi ko makakalimutan ang araw nato sa atin. Biruin mo sa loob ng apat na taon mong pagpapakatanga, ngayon nakangiti kana dahil tuluyan mo ng pinalaya ang pag-ibig mo kay Jacob.”

“Mas magiging masaya ka pa Rio, mas magiging masaya pa tayo.”

Habang binabagtas ang daan pabalik sa classroom namin, napansin kong pinagtitinginan ako ng ilang estudyante. May hinala na ako kung ano ang dahilan. Pero ang bilis naman ata?

Hindi naman siguro ako susugurin ng ilan niyang taga hanga. Inalerto ko ang sarili baka may biglang sumugod at komprontahin ako sa nangyari kanina.

Nakapasok na kami ng silid ni Wen na walang kung anong nangyari. Pero ang dating tahimik na silid ay biglang umingay.

"Ang tapang ng ginawa mo Ejandra. Sakit ng sampal na yon. Below the belt naman kasi yung sinabi ni Jacob. Ang taas ng tingin sa sarili kaya hindi niya napansin na baka pwede siyang mapatid." unang nag bigay ng kanyang reaksyon si Gabby. At medyo nawala ang bumabagabag sakin. Akala ko walang kakampi sakin maliban sa kaibigan ko. I slapped the school's most popular student. Ako, laban sa diyos nila dito.

"We need to wake up guys. Hindi ganoong klase ng lalaki ang gugustuhin nating ipakilala sa mga magulang natin o hangaan diba? I mean, Sobrang bait ng mga magulang ni Rio para pagsalitaan ng ganon. Sobra naman yata." naglabas ang halos lahat ng mga kaklase ko ng kanilang pagkadismaya kay Jacob.

Umupo ako sa aking upuan para iproseso ang lahat. Ano nang mangyayari? Tinignan ko ang mga kaklase ko and I saw admiration in their eyes. Wala bang tutuligsa? Wala bang maglalabas ng kanyang galit?

The Rape Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon