Mabilis lumipas ang araw. Nasa kalagitnaan na kami ng pagtatapos ng unang bahagi ng isang buong taon sa huling baitan sa senior high. Sa mga araw na iyon masyadong marami ang mga paper works na kailangang tapusin lalo na't graduating students kami. Lubos nga akong nangilabot ng buksan ng isang instructor namin ang usapin tungkol sa gagawing practical research. Ito ang sinasabi nilang paghahanda sa amin sa kolehiyo.
It's a crucial year for us dapat walang makaligtaan na projects o paperworks lalo na sa isang student athlete gaya ko. I tried to balanced my time para walang ma compromised sa academics, sports at personal na gawain tulad ng nakasanayang pag bibigay ng pagkain kay Jacob pero sadyang kapos sa oras. Ang dating oras na binibigay ko sa pamamalengke napupunta sa pag-aaral at pag gawa ng projects. Average student ako kaya minsan hirap pagdating sa acads. Minsan sinisingit ko nalang kay nanay ang pagbili ng lulutuing pagkain na ibibigay kay Jacob. Tapos pagdating ng lunch, itatapon man niya o hindi, tipid lang na ngiti ang binibigay ko sa kanya.
Masasabi kong nakatulong ang pagiging busy ko sa ibang bagay sa status nitong pagmamahal ko sa lalaki. Dahil busy ako, hindi ko siya masyadong iniisip and it's a good sign for someone like me na gusto mag move on.
Pero alam ko, na yung lalim nasa puso ko pa, nakaukit pa sa katawan ko. I'm struggling pero hindi ko pinipilit, ginagawa parin ang nakasanayang pagpapahayag ng pag-ibig pero hindi na ganon ka tindi.
Ngayon, papunta ako sa isa sa tambayan ng grupo nila Jacob. They have their exclusive room kung saan tinatambayan nila sa tuwing free time o kapag absent ang instructor nila. Pabor sa akin na dito magbigay ng pagkain o snacks dahil iilan lang ang makakasaksi kung sakaling bad mood ang lalaki. Dito, hindi masyadong kahiyahiya. Kaya hindi na rin ako nagpasama sa kaibigan ko.
"Look who's here!" nakakainis na sabi ni Marlon isa sa kaibigan ni Jacob .
"Ang baklang patay na patay sa kaibigan natin." dugtong nito. May ilang sumabay sa tawanan may ilan din na piniling wag mag bigay ng reaksyon. They know my reputation here, a elite athlete. We share the same spot pagdating sa status dito sa school, kaya hindi ako magagalaw ng mga kaibigan ni Jacob.
"Sinong nagbigay sayo ng pahintulot na pumunta dito.?" malamig na sabi ni Jacob. May konting tawanan akong naririnig mula sa ilang kaibigan niya.
"Ibibigay ko sana itong macaroons na gawa ng nanay ko." positibo ako sa kahihinatnan nitong aking pagparito.
"You think I can't afford to buy a macaroons with my own?"
"Hindi naman bago sayo ang pagbibigay ko ng pagkain diba? I have feelings for you kaya ginagawa ko to." sabi ko.
"Yeah right, giving me cheap foods. Lutong pangmahirap. Siguro naman hindi na rin bago sayo yong pagtapon ko ng pagkain diyan sa mukha mo. Faggot." nakaramdam ng pamamanhid ang mukha ko pagkatapos na ibato ni Jacob ang box na naglalaman ng macaroons.
"Shit."
"Owww."
"Sakit non."
"God! Jacob!!"
Sari saring reaksyon mula sa mga kaibigan nito.
Nagulat sila dahil ngayon lang nanakit ng pisikal ang kanilang kaibigan. Walang nangahas na lumapit. Pero rinig ko ang pag tawag sa akin ng babaeng kaibigan ni Jacob na kakilala ko rin.
Nalasahan ko ang parang kalawang sa may bandang labi ko. May konting dugo palang lumabas sa pagbato sakin ni Jacob.
"Tang-ina mo Jacob bakit mo ginawa yon!" malakas na sigaw ni Luzyl, kaibigan ni Jacob at kakilala ko.
God knows how I tried not to cry in front of them. Ang pathetic ko. Nakakuyom ako ng palad habang nakayuko. Nilalabanan ang sarili sa pag-iyak. This is so embarrassing.
