(87) PRANK PT.4

14 0 1
                                    

CHAPTER 87 - PRANK COMPILATION PT.4

#1. CALLING MY HUSBAND IN REAL NAME  TO SEE HIS REACTION (ELLA & JIN)

(ella's pov)

"babe, magluluto ako ng tanghalian.. ano gusto nyo?" tanong ni Jin oppa.

"kahit ano nalang hindi naman sila maarte sa pagkain eh. tanungin mo sila." sabi ko habang nireremix ko ang ipeperform namin sa kbs gayo daechukje. 

"guys!! ano gusto nyo para sa tanghalian?" sigaw ni Jin oppa sa taas kung nasaan ang iba.

"kahit ano nalang oppa, basta yung masarap HAHAHAHA- ARAY! anuba! masaket ah!" sabi ni AJ

"anong ganap dyan at bakit nagsisigawan?!" sigaw ko at natawa.

"Si RM oppa kasi bigla akong hinahampas." sabi ni AJ pagkalabas ng kwarto nila. Lumabas rin ng kwarto si RM oppa at niyakap si AJ.

"aishh, eonni kapag kakain na tawagin mo nalang ako nasa dance studio lang ako okie?" sabi ni AJ at tumango lang ako napangiti sa kanilang dalawa ni RM oppa.

"babe, tara dito tulungan moko." tawag ni Jin oppa sakin, agad naman ako pumunta sa kusina.

"ikaw nalang maghiwa sa baboy tapos hugasan mo yung mga gulay pagkatapos.. okie?" sabi nya

"okay" sabi ko at naghugas ng kamay. naghiwa nako ng baboy at nagstart na maghugas ng gulay. 

"magccr lang ako pabantayan yung nakalaga na baboy." sabi nya at natango naman ako. maya-maya ay habang naglilinis ako ng gulay nakaisip ako ng prank sa kanya. diko alam out of nowher bigla ako nakakaisip ng prank. HAHAHAHAHA

Naisip ko na iprank sya na tinatwaga ko sya sa full name nya instead na call sign namin. Titignan ko kung ano reaction nya HAHAHAHAHA

Nung makabalik na sya ay chineck nya yung nakalagang baboy, natapos narin ako sa paghuhugas ng gulay.

"seokjin oppa, ano next na gagawin ko?" sabi ko at napalingon sakanya. 

"iprito mo yung manok dun sa ref--- wait.. ano ulit tawag mo sakin?" sabi nya na akala ko di nya mapapansin

"ahh okay sige." sabi ko at hindi pinansin yung tanong nya. bubuksan ko na sana yung ref pero humarang sya.

"ano tawag mo sakin kanina?" sabi nya.

"seokjin oppa, bakit?" inosente kong sagot.

"seokjin oppa? kuya mo bako?" sabi nya na halatang naasar sa sagot ko.

"hindi, bakit? masama bang tawagin kitang oppa? you are older than me, so I must call you oppa." sabi ko at akmang bubuksan yung ref para kunin yung manok sa freezer pero pinigilan nya ako.

"i'm your husband." sabi nya at kinorner nya ko sa ref.

"then?" sabi ko na medyo kinakabahan na sa next na gagawin nya

"aishh yahhh oh sae ran!" sabi nya at nagulat ako ng bigla nya binangit full name ko, but deserve ko yun HAHAAHHA

"I want to hear it from you then I'll let you go." sabi nya

"oppa, kumukulo na yung nilaga mo." palusot ko pero akala ko magwowork pero hindi pala. Tatakas na sana ako ng yakapin nya ko mula sa likod.

"No, not until I heard that word from you." sabi nya.

"fine, babe please let me go para makapag luto nako. I'm just joking lang naman eh." sabi ko, then he let me go.

"yun naman pala eh." sabi nya at chineck nya yung nilaga nyang baboy. Nilabas ko naman ang manok sa freezer para prituhin yun.

Together, ForeverWhere stories live. Discover now