(91.1) BFF Odyssey Trip PT.1

8 0 0
                                    

Chapter 91 - BFF Odyssey Trip Season 2 in France (Part 1)

Throwback Chapter 2018 <33

(A/N: Explain ko lang 'why Odyssey Trip?'. "Odyssey" means a long and eventful or adventurous journey or experience, and for "Trip" it means an act of going to a place and returning. So it's like they are going to other countries to experience and learn their culture and to do some activities or challenges. The girls will stay for weeks and 1 country per season. It's a paid content on Vlive and Weverse every Friday. It's like the Bon Voyage of BTS.)

Eka's POV

We're going to France this week para sa 2nd Season ng Travel Show namin na Odyssey Trip, France is one of my favorite place, actually lahat kami gusto makapunta sa France, especially sa Eiffel tower.

Kasama yung france sa concert tour namin last time pero hindi kami nakapag-ikot kasi saglit lang kami doon at wala kaming time para makapag-bonding ng maayos. Kaya this is our chance na makapag-ikot at i-enjoy ang pamamasyal sa france.

"Ya yeoreobun!!! paki-bilisan nag-aantay na yung driver natin." sabi ni AJ eonni na pababa na ng hagdan, kasama si RM oppa na bitbit yung maleta ni eonni.

"ito na po" sabi naman ni Kia.

"Hello everyone~" sabi ko sa camera at kumaway, pag-akyat ko sa van. Sinakay narin ng mga staff yung mga maleta na dala namin. Dalawang van ang gagamitin namin kami nina Ella eonni, Ashley eonni at AJ eonni dito sa white van at sila Algen eonni, CJ at Kia naman sa black van.

"Hi biffles, good morning? evening?" sabi ni Ashley eonni pagka-akyat ng van at umupo sa tabi ko.

"Midnight, Good Midnight everyone!" banggit ni AJ eonni pagkaupo nya sa harap naming dalawa ni Algen eonni. Natawa naman kaming dalawa ni Ashley eonni at hinampas sya.

"it's already 2:37am ngayon dito sa South Korea and ang flight namin mga 4am." sabi ko at ngumiti sa camera

"Nasira tuloy beauty sleep ko, sabi ko kasi mga 7 or 8 tulog nako. Eh ayaw ako patulugin nung isa ang ingay maglaro sa cellphone ayun mga 2-3 hours lang tulog ko." sabi ni Ashley eonni at ayos ng buhok.

"AJ eonni, sarado mo nga yung pinto ang hangin." sabi ko, narinig ko naman syang tumawa at sinunod naman ako.

"ay omg mianhae, may camera pala." sabi ni AJ eonni at inayos yung camera na nahulog. Maayos na sana nung binuksan ni CJ yung pinto para sumakay narin ng Van kaya nahulog ulit.

"oh joesonghaeyo hehehe ako nalang mag-aayos eonni." sabi nya at tumawa. Inayos nya naman yung camera at umayos na ng upo. Pina-andar na yung Van patungong incheon airport.

Ang random ng nangyayare dito sa Van namin, tulog sina Ashley eonni at AJ eonni, nakikipag-interact si CJ sa camera for fans at nag-scroll lang ako sa phone ko kung saan pa pwedeng pumunta sa france.

Maya-maya nagsalita yung isa sa mga director na kasama namin

"Sorry kung sinira ko yung katahimikan dito sa Van and alam kong alam nyo na ang mga ito pero ireremind ko parin sainyo, kayo na mismo ang mag-checheck in ng mga baggage at passport nyo sa Airport, kayo rin ang magbabayad ng mga bibilhin nyong pagkain, damit, ticket kung pupunta kayo ng mga amusment parks at kahit ano na para sa sarili nyo. At Kami lang ang sasagot ng pangbayad sa hotel rooms at pang byahe." sabi ng director.

"okay po, mag-rock, paper, scissors nalang tayo siguro kapag mag-grugroup dinner then yung matalo sya magbabayad." sabi ni Ashley eonni

"pwede rin, pero last season ng odyssey trip natin sa mexico diba nagbayad rin yung staffs ng group dinner natin." sabi ni CJ

Together, ForeverWhere stories live. Discover now