CHAPTER 47 ♥ [My Fault]

57 0 0
                                    

A/N: Sorry sa mga typo errors. Tao lang ako. Nagkakamali din minsan. Inayos ko na iyon. Kung may suggestion kayo.. paki-comment na lang.. Maraming salamat... 100x.

--

J A N A POV

Hindi ako pinapansin ni Baby Dam mula kanina. Ang sama pa ng mukha...

>___< Ganito oh!

Tinatanong ko naman kung ano problema niya pero ang tanging sagot niya ay "Wala ka na doon!"

Nag-aalala na ako sa kanya. Ano ba kase nangyayari? Simula nung dumating ang dalawang taong yun! Iba na ang inaasal ngayon ni Baby Dam ko.

Parang bumalik sa dati niyang ugali!

"Jana, doon ka muna matulog kay Auntie!"

.

.

P-pero... "Bakit?!" Ayaw na ba niya akong makasama sa bahay na 'to?!

"B-basta. WAG NANG MATANONG!!!"

.

.

.

O_____O

.

.

Sinigawan ako ni Baby Dam?

Hindi ako makapaniwala na sinigawan niya ako! At heto na siguro ang pinakamasakit sa lahat ng paninigaw niya.

May luhang tumulo sa aking mga mata. Pinunasan ko 'to.

"L-look.. I-im sorry!!" Nagtatarantang sabi ni Adam at yayakapin sana ako kaso nagpumiglas ako.

"N-naiintindihan ko.." sabi ko at umalis na nang bahay.

Kung ayaw na niya ako makasama... edi.. walang problema!

Grabe, okay lang talaga saken no?! Okay lang, walang problema..

Eh bakit ba ako umiiyak kung okay lang saken?!

Tss. Potek.

Sumandal muna ako sa likod ng pintuan sa bahay ni Adam. Ang sakit ng puso ko. Kinakabahan rin ako at parang maduduwal na naman ako.

Dali-dali ako pumunta sa basurahan.. at doon dumuwal.

*Aaaaccckkk*

Nakita ko'ng may tumatakbong lalaki papunta saken.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Tumingin ako sa nagsalita.

Ahhh.. Si Manong Ending lang pala. Tauhan dito sa bahay ni Adam. Akala ko pa naman siya na!

Tss.

Ano pa ba ang maasahan ko sa kanya? Siya? Si Adam Chui Sang pupuntahan ako? Tss. Lintek lang. Sinigawan nga niya ako kanina eh.

Sarap nga sipain nun! Kaso inunahan ako ng nararamdaman ko.

Sa lahat ng paninigaw niya mula nung una kaming nagkakakilala.. Yun na siguro ang pinakamatindi sa lahat.

Hindi ko akalain na sisigawan niya ako eh kanina lang nagpropose siya saken.

Pero ngayon? Ano na?!

Muntik ko na palang makalimutan.. Paasa nga iyong lalaking iyon!

"O-okay lang po ako manong." Sabi ko saka lumabas na ng gate.

Napansin kong wala sa bulsa ko ang wallet. Shocks! Nawala?!

Ay, naku naman!! Kung kailan pa masama ang pakiramdam ko doon pa nawala.

Iniisip ko kung saan ako huling pumunta.

Wanted: Perfect Yaya [SOON TO BE COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon