CHAPTER 29 [Date]

129 2 0
                                    

J A N A  POV

Nandito kami ni Adam sa bahay niya. Nanonood ng tv, as usual at ganun pa rin siya.. walang manners. Nasa lamesa kase yung paa niya.

Nilapitan ko siya at tumabi sa kanya. "Wala ka talagang manners noh?" Sarcastic intended.

"Bakit na naman ba?"

"Eh.. nakapatong paa mo sa lamesa eh. Tch. Ibaba mo nga yan."

Tiningnan niya ako ng masama at ngumuso. Ano trip neto?

"Mmmm..." sabi niya.

"Anong mmmm..? Mmm.. mmm.. ka diyan!!"

*poink*

"Aray! Ang sakit nun ah?" Sino ba naman hindi mapapa-aray kung binatukan niya ako?

Tch.

*kiss*

"Ayan!! Pambayad ko sa batok!"

Ay loko. Kin-iss ako nang kumag nang walang pasabi.

"Utot mo, oy!!"

*Riiinnnggg*

May tumawag sa cellphone ni Adam. Agad niya ito sinagot.

"Oh?" He said on the phone.

"What??? Seriously?" Sigaw niya. Takte. Ang rindi.

"Okay. Okay, we're coming."

"Sino tumawag?" Tanong ko. Para kaseng nagmamadali siya.

"Si Lance. Nasa airport daw ngayon si Lax. Pupunta ng korea."

"What??"

"Kaya bilisan mo na diyan. Hahabulin natin siya. Gagong yun. Wala man lang pasabi."

"Okay. Okay. Bibihis lang ako."

**

Papasok na kami ng airport. Siguro, ako ang dahilan nang bigla niyang pag-alis dito sa Pinas. Sinaktan ko siya eh. Sorry naman.

"Bakit malungkot mukha mo? Mas lalo kang pumangit."

*pout*

Ayan na naman siya sa pagka suplado niya. Iniinis na naman niya ako.

"Wag kang mag-alala. Babalik din si Lax." Sabi niya tsaka tumawa.

Hindi pa rin maalis sa utak ko kung paano ko binausted si Lax. Nanlumo ako. Waaaahhh. Paano naman kase? Dala-dalawa ang lalaking nagkagusto sa akin oh.

"Oo na lang." Sabi ko with a bored tone.

He grab my chin and move closer to his face and he kiss me on my cheek.

Mukha na tuloy akong kamatis sa pula. "Nakakarami ka na, ah?"

"Braaaadd.." Si Oliver pala. Sigaw ng sigaw habang papalapit kami.

Hinahanap nang mata ko si Lax. Nasaan na siya? Di kaya umalis na?

"Jana, What's on that face?" Tanong ni Sensei.

"Aalis kase si Lax dahil sa akin."

He patt me. "Wala yun. Hayaan mo ang kumag na yun maka-move-on sa'yo."

"Hoy!! Parang ang sweet niyo diyan ah??"-Adam

"Tch. Nagseselos ka lang eh."-Sensei

"Tama na nga yan mga brad. Nandoon si Lax oh."turo ni Gray.

Nandoon pala siya kumukuha ng bagahi niya. Talaga bang aalis siya?

Tumakbo ako papalapit sa kanya. "Mahal.."

Wanted: Perfect Yaya [SOON TO BE COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon