CHAPTER 5 ♥ [meet the bully and chickboy]

333 4 0
                                    

Six years Ago..

A D A M  POV

"Hoy!! Sino'ng may sabi sa'yo na lalabas ka dito tabachoy?"

Nandito ako ngayon sa school namin. At ang kinakausap ko lang naman ngayon... si Tabachoy..

Ang tangi ko'ng kaibigan na walang ginawa kundi pasiyahin ako.

"W-wala ako'ng kasalanan sa'yo Adam. Tantanan mo na ako."- tabachoy

"Eh paano kung ayaw ko?"- ako

"Anu ba dapat ang gagawin ko para lang tantanan mo na ako?" -tabachoy

"Simple lang, dilaan mo ang sapatos ko para tantanan kita."

Yumuko siya sa harap ko at nagawa pa niyang tiningnan ako, huh?

"Ano pang ginagawa mo diyan? Bilis na!!"

Pinagpatuloy niya ang pagyuko sa harap ko hanggang sa dumapo ang bibig niya sa marumi ko'ng sapatos

Pero.....

"Hooooyyyy!! Wag mo'ng saktan ang kaibigan ko. Abno ka!!" lumapit sa akin ang isang batang babae na ka edad ko.

Maganda sana.. pero kaibigan niya pala ang tabachoy na ito? Hmp. Humanda siya sa akin.

"Anung ginagawa mo sa kanya, huh?" matapang din siya huh? Puwes.. masaya to.

"Anung ginagawa ko sa kanya? Bulag ka ba? Papadilaan ko lang naman sa kanya ang sapatos ko." sabay turo sa marumi ko'ng medyas.

"Loko ka pala eh, noh!! Anung karapatan mo para gawin sa kanya yan??"

"Hindi mo ba ako nakikilala, ako ang anak na nag mamay-ari nang school na ito" sabay tinulak ko siya.

Napa Aray naman siya sa ginawa ko. Dapat lang naman yan sa kanya. Kase kinaibigan niya ang ungas na ito, na baboy at tabachoy!!

Haish! Mabuti pang umalis na ako dito. Nakakadiri ang pagmumukha nilang dalawa.

"Humanda ka sa akin lalaki ka! Akala mo kung sino ka! Mukha ka rin namang baboy. Tumingin ka sa salamin para malaman mo." sigaw nang batang babae.

Ewan ko kung bakit nasaktan ako sa sinabi niya. Ah! Bakit pala ako masasaktan?

Ako nga diba si Adam Chui Sang? Walang kinatatakutan.

.

.

.

.

Present day...

Ako si Adam Chui Sang. Matapang, maangas at walang kinatatakutan. Mismo magulang ko, pinapatulan.

Hindi rin yun, isa din ako'ng bully at nambababae.

Mahilig ako sa magaganda lalo na sa mga babaeng madaling madala sa mga sinasabi ko. Isang sabi lang nang ganito...

Hi baby! You're so gorgeous and beautiful. Would you like to come with me in the room.?

Isang sabi lang nang ganyan. Papayag agad sila.. Ang aking mga collections.

Lahat sila pumapayag at nadadala. Lahat nang mga babae marurumi.

Pero nagkamali pala ako nang sinabi. Hindi pala lahat nang babae madadala sa isang sabi ko..

Si Jana Guttierez ang kauna-unahang babaeng hindi tumatablan nang karisma ko.

"Hoy! Saan ka pupunta?"- jelly fish

"Sa puso mo. Bakit?"

Sana matablan ka nang karisma ko. Sana. Tumalab ka.

"Tinatanong ko kung saan ka pupunta.. Wag mo ako'ng sagutin na out of the wirld na sagot. Intindi?" kita niyo kung paano siya ka rebeldeng babae?

Wanted: Perfect Yaya [SOON TO BE COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon