CHAPTER 42 ♥ [Hospital]

99 3 4
                                    

A D A M  POV

Dinala si Jana sa emergency room. Sinigurado ko ang lahat na patay na talaga ang lintek na si Marquez. Pinatay siya ni Brylie. Binaril sa dibdib. At ang ibang kasamahan niya nakakulong na. Tinawagan ko ang maid sa bahay na dalhin ako ng damit dito sa hospital.

Hinding-hindi ko iiwan ang baby ko dito. Kahit na takot ako pumasok sa hospital. Pinahid ko ang luhang umaagos sa aking mga mata. Lintek lang! Bakit ba nangyari pa ito eh. Kung hindi sana ako naging masama noon. Sana hindi ito nangyayari.

Pinagdadasal ko na lang na sana hindi ako iiwan ng baby ko kagaya ng mommy ko. Dito rin siya dinala sa mismong hospital na ito.

Naalala ko pa kung paano namatay si mommy.

Sinundo ako ni mommy galing sa school. "Son, let's go now. May meeting pa ako." Nagalit ako kay mommy pagsabi niya nun.

Nagagalit ako kase halos araw-araw nasa meeting siya. Wala siyang time para sa akin. Pati rin si Daddy. Pare-pareho silang dalawa .

'Hindi nila ako mahal' iyan ang unang tumatak sa isip ko.

"No, mommy. I want to play pa. I won't go home!" Sigaw ko. Nabigla si mommy sa inasal kong iyon.

Iyon ang unang beses na tinaasan ko siya ng boses. "Son, please? Try to understand." Yayakpin niya sana ako kaso nagpumiglas ako.

'Understand? Eh palagi ko na lang kayo iniintindi. Eh kayo? Kailan niyo ba ako inintindi?' Gusto ko sanang ilabas ang katagang iyon sa bibig ko. Kaso ayaw eh. Ayaw lumabas. Kaya naman, tumakbo ako palayo kay mommy.

"Son, get back here!" Pero hindi ko pa rin siya pinakinggan. Nakita kong tumakbo na rin si Mommy para dakpin ako.

Kaso... May kotse na biglang humarurot sa harap ni Mommy at  nakita ko kung paano unti-unting bumagsak sa lupa si Mommy.

May mga taong sumigaw upang humingi ng tulong but I can't hear them. I only hear the sound  na bumagsak si Mommy sa lupa at hinimatay.

Lumapit ako kay Mommy. Kaso may humila sa akin. "Bata, hindi ka  pwede doon. Mommy mo siya dba? Tawagan natin ang daddy mo." Nilingon ko ang humila sa akin. Siya pala ang mommy ng kaklase ko.

Wala akong magawa upang tulungan ang mommy ko doon. Kundi umupo na lamang katabi ng babaeng tumawag kay daddy habang umiiyak.

**

Nang dumating si Daddy he then approach me. "Salamat, Candice. Nasaan na si Cynthia? Ang asawa ko?" So.. Candice pala ang tumawag kay daddy. Agad ko namang niyakap si daddy sa binti. Hindi ko siya abot hanggang binti lamang. Bakit ba kase ang taas ni daddy.

Tiningnan ko siya sa mukha. Parang ang lungkot ni daddy. "Nandoon siya, Raf." Tinuro ni Candice ang mommy ko. "Tumawag na rin ako ng pulis at ambulansya."

Kaya pala, maraming pulis ang pumalibot kay mommy. "Sige, salamat."

Dinala ako ni daddy sa kotse at ipinasok. "Dito ka lang baby. Wag kang lalabas okay? Sandali lang ako."

Hindi mapakali si Daddy nang tiningnan niya ako. I nod.

**

Nasa hospital na kami ni daddy. Hindi niya ako pinalabas sa kotse. May aasikasuhin daw siya. Im curious about what he said.

Kaya naman, sinundan ko siya na sinisiguradong hindi niya ako makikita. Hindi pa naman siya nakakalayo.

Maraming nurses at doctor na pumasok sa room kung saan ipinasok si mommy. "Doc, gawin niyo lahat para mabuhay ang asawa ko." Rinig ko mula dito. Malayo-layo kay daddy pero rinig ko pa din dahil sa sigaw niya.

May sinabi ang doctor kay daddy pero hindi ko narinig. Huminahon si daddy at lumabas ng hospital.

"How could daddy leave mommy..."  Nasabi ko na lang.

Pumasok ako sa room ni mommy. Wala namang may nakapansin sa akin kaya dali-dali akong nagtago sa ilalim ng upuan.

"I wont leave mommy here. 'Coz Im the reason why she's here." May luhang pumatak sa mata ko pero hindi ko pinansin.

Nakatingin lang ako kay mommy na nagtutulog sa kama. Maya-maya lang, may machine na parang plantsa na idinikit sa dibdib ni mommy. Hindi lang isa kundi dalawa.

"Baka mapaso si Mommy."

Nakita ko kung paano tumaas bumaba si Mommy. Nang makailang beses, tumigil sila sa kaka plantsa kay mommy.

Narinig ko pa ang sabi ng isang nurse. "She's dead. 10:30 pm."

"Is mommy dead?!" Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko pero hindi ko iyon inisip. Bumagsak bigla ang mga luha sa mga mata ko. "No, mommy's not dead."

Nagsilabasan ang doctor at nurses. Lumapit ako kay mommy kaagad. Niyakap ko siya ng sobrang higpit . "mommy, Im sorry."

Iyak ako ng iyak habang nakayakap kay mommy.

"Cynthia!" Si daddy. Agad pumasok sa room. Tumingin siya sa akin. "Why are you here? Get out of here. Ikaw ang pumatay sa mommy mo!"

Yun ang pinakamasakit na sinabi sa akin ni daddy. "H-hindi ko sinadya iyon.."

"No. Get out!!"

At doon ang simula ng pagmamalupit sa akin ni daddy. Hindi ko naman siya sinisisi.. Dahil ako talaga ang dahilan ng pagkamatay ni mommy.

"Doc!" Lumabas ang doctor mula sa emergency room. "She's fine now. She only need to rest at maaari ka ng pumasok para alagaan ang girlfriend mo." She gives me her teasing smile but wala ako sa mood para ngumiti.

I just nod to her at pumasok sa room ng baby ko. Dahan-dahan ko binuksan ang pintuan.. Parang kinakabahan ako sa makikita.

Nang binuksan ko na.. I feel my heart turn into pieces and the last thing I knew.. Humagulgol na ako sa iyak.

Hindi ko kaya na makita na naman ang isa sa mga mahal ko sa buhay na nasa kama natutulog. Natatatakot ako na baka iiwan na naman ako ng isa sa mga nagpasaya ng buhay ko.

"Baby ko.. Im s-sorry." Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko kayang makita siya na namumutla, ang lamgig ng kamay niya. Hindi katulad noon na nagbibigay ng init sa katawan ko.

"I p-promise, i will spend all my time for you." Kumuha ako ng upuan at umupo sa bed side.

"I need you babe.. Please don't die. Sana naririnig mo ako. Pakinggan mo ako pleas3 babe. Hindi ko kakayanin kapag iiwan mo ako. Mamamatay ako."

May humawak sa braso ko. Si Kath. "Hindi ka niya iiwan. Manalig lang tayo sa diyos. Ayusin mo muna ang sarili mo. Ako muna ang bahala dito."

"O-okay.." Pinunasan ko muna ang luha. "Please take care of her."

Sinisigurado ako pagbalik ko dito hindi ko na talaga iiwan ang baby ko.

**

Next chapter: Thingkin' out loud

Wanted: Perfect Yaya [SOON TO BE COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon