CHAPTER 8 ♥ [Sad or Happy]

311 5 0
                                    

A D A M  POV

Umaga na ngayon at bagong gising pa lang ako. Medyo naninibago ako kase walang nag-iingay sa bahay.

Si jana lang kase ang pinaka maingay dito sa bahay. At nangugulit sa akin. At tsaka napaka-pilosopa pa huh??

Kaya naman gumawa ako nang paraan para mapalayas siya dito. At nagwagi naman ako. Haha.

Chineck ko ulit ang notebook ko. Para kasing napapangiti ako kapag binabasa ko yun. Haha.

In-open ko ang notebook at *Ziiiiinnngggg* (sound yan na nalaglag na papel. Haha)

Teka? Anu ito? Hindi na man ako sumulat kagabi, ah?

Pinulot ko ang papel at binasa.

Gorilla,

Hoy!! Siguro naman masaya kana sa ginawa mo sa akin.

Galing pala iyon sa kanya? Akala ko ba hindi niya na ako guguluhin dahil wala na siya dito? Tss.

"Haaayy.." napa-sigh na lang ako. Kase naman masaya na ako eh tapos heto na naman, sumulat pa rin siya.

Talaga namang plinano mo pa? Sana hindi na lang. Sana sinabi mo na lang na ayaw mo sa akin na maging yaya mo.

Talaga! Kung alam ko naman pala na papayag ka. Sana sinabi ko na lang sa iyo na aalis ka dito sa pamamahay ko.

Dahil sa pinanggagawa mo sa akin. Napagkamalan ko pa ang ibang tao nang masama dahil sa kagagawan mo.

Medyo na konsensiya na rin naman ako sa ginawa ko. Pero para sa sarili ko naman yun eh na maging masaya ako.

Masama bang maging masaya?

Actually galit na galit ako sa iyo sa ginawa mo sa akin. Pero pinapatawad na kita. Pero hindi ko makakalimutan ang gabing yun. Na muntik mo na mahawakan ang iniingatan ko'ng bagay. Masaya ako na nakilala kita dahil may nakilala rin ako'ng mga taong napalapit na sa akin.

-Jana

"Iba ka talagang babae ka.!!" sabi ko. Akalain mo? Masaya pa siya pagkatapos sa ginawa ko.

Pero ang ibang babae naman magagalit sa akin at hahampasin pa ako. Tss.

Pero siya? Hindi talaga. At hindi siya tinatamaan nang karisma ko.

Pinunit ko ang papel at tinapon sa basurahan.

Kakain na lang ako nang agahan at magpahinga pagkatapos. Para makalimutan ko ang ginawa ko sa kaniya. Nakokonsensiya ako eh.

Lalabas na sana ako nang kwarto nang biglabg sumulpot s-si LOLO. Paktay!!

"Adam Chui Sang, go to my office room now." sabi ko na nga ba. Papagalitan na naman ako. Nandito siya eh at tinawag niya ang buong pangalan ko.

It means, paktay na ako. Punyemas. Anu na naman ang ginawa ko?

Pupunta lang yan dito kung papagalitan ako eh o may nagawa ako'ng kasalanan.

Pero wala naman ako'ng ginawa, ah??

"O-okay, po." sabi ko.

"Wt?? Hoy, sino nagturo sa iyo na po-po in ako? Hindi pa ako matanda noh!!" alam niyo na kung saan ako nagmana sa ugali ko'ng ito.

"Ayaw pa aminin eh." sabi ko pero mababa lang ang boses.

"Anu'ng sabi mo?"-matandang asungot.

"Wala ho."-ako

"Okay, mabuti naman nagkakaintindihan tayo. Magbihis kana diyan at may importante ako'ng sasabihin sa iyo. Arasso?"-siya

"Arasso."-ako

Wanted: Perfect Yaya [SOON TO BE COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon