CHAPTER 51 ♥ [HUWAG!]

61 0 0
                                    

B R Y L I E POV

"Napatawag ka?!" Sabi ko kay William sa kabilang linya.

"Napatawag ako kase.. balak kong agawin ang girlfriend mo. Ang saya niyang kasama eh!"

>_< "Hoy, gago! Anong masamang damuho ang pumasok sa kukote mo at balak mo pang agawin ang girlfriend ko?!"

Gago 'to ah! Anong nakain neto?! Tsk. Kanina lang sila nag-usap ng bear ko eh... yun na ang pumasok sa kukote niya.

"Wala naman. Pinasaya niya ang araw ko eh! Sige na.. para quits na tayo oh!"

"Anong quits quits ka diyan! Maghanap ka nang iba mong pagtitripan.. wag mong idamay si Ryn!"

"Tsk. Eh paano ko naman gagawin yun?! Eh kasama ko ngayon ang girlfriend mo?!"

"What the f*ck, William! Nasaan kayo ha??!!"

Arggghh!! Bwiset.

"Somewhere over the rainbow..."

"Potek. Ako ba pinagtitripan mo ha??!"

Eh kanta yun eh! Gago talaga..

"Hahahaha." Nakarinig ako ng boses na babae sa kabilang linya.

"KATHRINA BAE SY..." sigaw ko. Buwesit. Lagot talaga sa akin ang babaeng yun. Kakalimutan ko muna na girlfriend ko siya.

"Wooopsss.. akin na nga 'yan. Sama mo!" Rinig ko sabi ni Ryn sa kabilang linya. "Oh.. hi Teddy ko.."

Aba.. nagawa mo pang sumaya ah?! Tingnan natin.. pinaselos mo ang hayop na katulad ko eh. "Magkita tayo sa bahay!" Tipid kong sabi.

"P-peroo.."

"Sabi nang magkita tayo sa bahay NGAYON NA!!" At pinutol ko na ang linya.

Tsk. Sama na ngayon ang araw ko.

"Oy, para kang bata diyan!" Sabi ko kay Adam na sa ngayon eh umiiyak na parang bata.

Isa pa 'to eh! Nakakadagdag stress.

"Ahuhuhu. Sana hindi ko na sinabi yun. Yun tuloy hindi ko nakatabi si Jana. Sama pa naman ng panaginip ko. Ahuhuhu.." tiningnan niya ako ng masama. "Sige.. umuwi kana! Wala ka namang silbi!"

"Tsk. Hindi ko akalain na ang isang halimaw ay nagiiyak-iyakan sa harap ko!" Sabi ko saka lumabas na ng kwarto niya.

Akalain niyo? Halimaw naging ganoon?! Tsk. Mas gugustuhin ko pang maging halimaw siya kesa maging batang iyakin.

Sagwa kaya tingnan!!

J A N A POV

"Baby koooooo..." agad na niyakap ako ni Adam pagpasok ko sa kanyang kwarto.

Tinext kase ako ng lolo niya na umiiyak simula kagabi dahil daw hindi niya ko katabi.

"Baby ko.. pinagsisisihan ko talaga ang ginawa ko sa'yo at sa sinabi ko. Ahuhuhu. Promise, di ko na gagawin ulit yun!"

"Talaga. Dapat lang noh! Kase kung gagawin mo ulit yun. Hinding-hindi mo na ako makikita forever."

Natakot siya bigla. "Hahaha." Dahilan na napatawa ako.

"Kumain kana ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa baby ko. Hinihibtay kase kita."

"Sige. Magluluto ako. But anyway, nandyan ba ang lola mong bruha?!"

"Oo. Nandoon nga yun sa kusina eh. Mas mabuti kung mamaya ka na lang maglu---"

"Sige, baby ko. Alis na ako." Pagputol ko sa sinabi niya at umalis kaagad ako bago pa ako pigilan.

Hindi na ako natatakot sa tandang yun! As I say.. Gagawin ko ang lahat na magkasundo kami ng lola ni Adam para sa baby ko..

Pagka. Kakasal na kami.. wala nang problema.

Si Rania Liam Yoon? Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman siya imbentado sa kasal namin eh. Baka masira lang ang most memorable day namin ng baby ko.

Papasok na ako ng kusina nang madaanan ko ang lolo ni Adam.
Kinabahan bigla ang mukha niya. Alam niya kase na galit sa akin ang tandang babaeng yun.

"I-iha.. huwag!" Pigil saa akin ng lolo ni adam pero nagpatuloy ako papuntang kusina.

"Oh, hello there lola Tacia." Bati ko nang makapasok na. Kumuha ako ng mga ingredients para sa lulutuin ko.

Alam ko ang paborito ng tandang 'to. Sinabi sa akin ni Lolo Sang

"Bakit ka nandito? At sino nagpapasok sa'yo?!" Galit na sabi niya.

Hindi ako magpapatalbog! "Sinong nagpapasok sa akin? Actually, wala. Pumasok ako sa sarili kong pamamaraan. Paano? Simple lang. Dumaan sa pinto.."

"Bastos ka ah! Wala kang respeto!" Sasampalin niya sana ako at dahil sa mabilis akong gumalaw eh napigilan ko kaagad.

"Bastos? Sino ako?! Excuse me, lola. May respeto ako.. at ginagamit ko lang yun sa mga taong karespe-respeto!!" Natauhan siya.

Buti naman! "Ano ba ang napakain mo sa apo ko at nagustuhan ka niya?!"

"Wag mo kong itulad sa'yo, lola. Wala akong ginagawang masama sa apo niyo. Baka ikaw nga 'tong gumagawa ng masama sa apo niyo.. kaya naging masama ang ugali niya!"

"Wala kang pakialam!! Ginagawa ko lang yun para sa kabutihan ng apo ko!"

"Kabutihan?! Yun ba ang tinatawag mong kabutihan? Ipinipilit ang isang bagay sa apo niyo na alam mo namang hindi niya gusto?! Kung talagang ginagawa mo lahat ng mga kabutihan para sa apo niyo.. edi sana noon pa lang maganda ang pakikitungo niya sa ibang tao!"

"STOOOPP IT!!" Sigaw niya at napahawak siya sa sintido niya.

"A-alberto.." tawag niya doon sa lolo ni Adam. Ang asawa niya. Agad namang pumunta si Lolo at inalalayan siya. "D-dalhin mo ko sa kwarto ko.." sabi niya sabay tingin sa akin.

Sa pagkakita ko sa mga mata niya.. wala nang galit at kasakiman doon.. kundi...

...lungkot at pagsisisi..

**

Yiiieeee.. Malapit na pasukan.. (oh, sooo???) Wala lang... hahaha. Trip lang..

Vote and comment readerss..

Wanted: Perfect Yaya [SOON TO BE COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon