CHAPTER 52♥ [Witch Revenge]

48 1 0
                                    

J A N A POV

Pasipol-sipol ako habang nagluluto. Ang saya ko eh. Bakit ba?

Tsk. Akala nang tandang yun magpapatalo ako sa kanya dahil 'hampaslupa' lang ako?

Nek-nek niya, oy! Hindi na uso yun ngayon katulad sa mga teleserye ang mga mayayaman inaapi ang mga mahihirap at ito naman ang mga mahihirap hinahayaan na inaapi sila..

Puwes.. kung yun ang akala ng tandang manok na yun. Ibahin niya ako.

Ako kaya si Jana Guttirez. Kahit na MAHIRAP hindi magpapaapi at hinding-hindi magpapatalo. Kahit na MALDITA pero may respeto sa mga tandang manok at kahit na HAMPASLUPA ako mananaig at mananaig pa rin ang KAGANDAHAN KO.. oh dba?!

WAGI!

Napatigil ako sa pag-imagination nang may biglang pumulupot na mga kamay sa bewang ko.

At alam ko na kung sino.. siyempre sino pa ba?!

Edi si Seahorse!

Wow. Namiss ko tumawag nun.

"O-okay ka lang ba? May nangyari ba sayo? Ano? May masakit ba sayo? May ginawa bang kataranta-----Aray.. Ha!"

Tinapakan ko siya bago matapos ang sasabihin niya. Jusko--- "Sa tingin mo masasagot ko lahat ng tanong mo?!" Sigaw ko.

Napakunot-noo siya. "Ikaw naman. Nag-aalala lang naman ako. Baka kase may ginawang masama ang lola ko sa'yo!" Sabi niya sabay tingin ng niluto ko sa plato.

"Eh, isa-isahin mo naman kase sa susunod. Hindi itambak mo lahat sa akin lahat ng ta---"

"Oo na. Oo na."

Wadapak. Hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko? Bastos. Tsk. Napailing na lamang ako.

"Ano 'to?!" Tanong niya sabay tikim ng niluto ko.

"Dynamite." Napaismid naman siya sa kakakain.

"Ayan kase. Dahan-dahan. Oh, heto. Inumin mo!" Inabot ko sa kanya ang tubig.

Ininom niya kaagad.

"Anak ng tinapa naman, baby koooo.. balak mo ba ako patayin ha?!"

Wt? Ako pa may kasalanan?

"Oy, hindi ko kasalanan kung bakit nabigla ka!"

"Eh pabigla-bigla ka kase eh.. tsaka, pasabog ba 'to, ha?! Balak mo ba ako patayin para makahanap ka na ng ibang pangit pama--- Ay, aray naman!!"

This time, binatukan ko siya!

"Ang layo ng isip mo!!!" Singhal ko.

"Tsk. Kanina balak mo akong patayin.. ngayon naman balak mo ako e massacre."

Inirapan ko lang siya. Gagong 'to! Anong akala niya saken? Abusayaff?

"Hahahaha.."

"Anong tawa-tawa mo diyan?!" Konti na lang talaga iisipin ko na baliw na talaga siya. Tumawa ba naman bigla?!

"Eh ang cute mo pagnagagalit." Sabay pisil ng ilong ko.

"Aray! Makapisil ka naman ng ilong ko wagas!!"

"Oh edi.. ikikiss ko na lang para wala ng sakit."

Napatigil naman ako sa kakaluto. "Che. Tigilan mo nga ako, Seahorse!!"

Naks! Namiss ko din tawagin siyang Seahorse.

"Aba! Naalala mo pala yun?! Tsk. Palibhasa kase.. jellyfish ka!"

"Yuck! Wag mo nga akong tawagin niyan!" Sabi ko sabay wasiwas ng kamay.

"Oh? Ayaw mo nun?! Isang seahorse at jellyfish naninirahan sa ilalim ng dagat will fall inlove with each other?!" Nagtaas-baba kilay siya.

Wanted: Perfect Yaya [SOON TO BE COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon