CHAPTER 34 ♥ [Camp Fire]

113 0 0
                                    

J A N A  POV

Sinabi sa amin ng Lolo ni Adam na may camp fire daw ngayong gabi.

Siyempre, lahat kami sasali daw. Tch.

"Baby, tara na?" Tanong ko kay Baby Dam.

"Ge.."

Kanina ko pa napapansin na ang lungkot-lungkot pa rin ang mukha ni Baby Dam. Tsaka, hindi niya ako pinapansin.

Papansinin niya lang ako kapag kinausap ko siya.

-____-

Antokwa lang.

Bumaba kami palabas ng Bahay. Sa labas daw gaganapin ang camp fire na iyan.

Halos lahat ng couples dito nilalanggam. Kami ni Baby Dam? Wala. Hindi nagpapansinan.

Alangan naman ako na lang palagi ang unang kakausap sa kaniya.

Babae rin naman ako. Masisira ang reputasyon ko bilang isang babae. Ayoko ng ganun!

Minsan napa-isip ako, paano kaya kung nagkamali ako sa pag-isip na mahal ako ni Adam.

Paano kapag lahat ng sinabi niya sa akin ay pawang kasinungalingan.

Ang labo naman ng mga iniisip ko na mga negative thoughts. Ayoko isipin ng mga masasamang bagay si Adam.

May tiwala ako sa kaniya.

Nagsimula na kami pumwesto.

Pinalilibutan namin ang isang nagbabagang apoy sa gitna.

Kahit mainit, ramdam ko pa rin ang hangin that makes me shiver. Ang ginaw!

Baby Dam took off his jacket and put it on me. It makes me feel warm.

Inilagay ko ang ulo ko sa braso niya. Feel better!

"Baby, gusto mo lang yata ang yakap ko." Sabi niya.

Salamat naman nagsalita na siya. Pinansin na niya ako.

"Oo eh. Ikaw kase.. kanina mo pa 'ko hindi pinapansin." Malungkot ko'ng sabi.

"I'm sorry."

I smile.

B R Y L I E  POV

Kainis ang potek na Christ. Kanina pa tingin ng tingin sa labs ko. Suntukin ko kaya siya?

"Labs, yakapin mo naman ako." Sabi ni Labs.

Bakit kinilig ako?

Argh!

Nang-iinit tuloy ang katawan ko.

"O-okay.."

Niyakap ko siya.

"Ano ba naman iyan, labs! Parang wala kang ganang yakapin ako."

O____O

Wt?

"Niyayakap na nga kita, eh. Oh.." mas tinodo ko pa ang yakap ko sa kanya.

"Haixt! I want sweet not bitter."

-____-

"Ano pinagsasabi mo?"

"Aish. Ang slow mo. Diyan ka na nga!!" Umalis siya sa tabi ko.

Ginawa ko naman ang sinabi niya, ah? Niyakap ko nga siya ng mahigpit para mas lalo ko ma feel ang init ng katawan niya.

Ay, manyak na isip. Stop it!!

Hinanap ng mata ko si Labs. Nasaan na yun?

O______O

.

.

.

.

.

THE PAKKKKKK!!!

Lintek na.

Nakita ko lang naman siya katabi ni Christ na sa ngayon nagtatawanan silang dalawa.

Pambihira! Ako ang boyfriend niya. Hindi si Christ.

Nilapitan ko silang dalawa. I try to control my temper.

"Oh, labs?"

*tingin ulit kay Christ*

Sh!t.

Mababaliw na ako, promise. Binalewala niya ako na mismong boyfriend niya?

"Tabi!!!!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.

Lahat ng kasamahan ko tinitingnan kami.

Tumabi kaagad si Christ. Pumagitna ako sa kanila.

Tiningnan ko ng masama si Tiu. Bwiset na lalaking 'to.

"Distansya o suntok abot mo sa akin?"

*glare*

Ay loko! Inirapan ako ng kumag. Pete's sake. Kadiri. Mukhang bakla.

>___<

TCH.

K A T H  POV

Naiinis ako kay Labs. Simpleng yakap lang hindi pa magawa? Gusto ko lang naman maranasan ang sinasabi nilang body heat. Tulad na lang nang ginagawa nila ni Adam and Jana ngayon.

Mabuti pa sila nilalanggam eh kami? Wala.

Bwiset.

Tapos, ang KJ din niya. In-istorbo kami ni Christ na nag-uusap sa mga anu-anong bagay.

Wala namang masama eh. Kaibigan ko rin naman siya. Eh bakit sa nakikita ko kay Labs galit na galit ang mukhang nakatingin kay Christ?

Shemay. Magkatabi pa naman sila.

Maya-maya lang, paparating na dito ang Lolo ni Adam na siya ang magsisimula ng mga gaganapin ngayon.

Hindi namin alam kung ano!!

"Cup cakes, ang gaganapin natin ngayon ay una, mag- lo-luv bottle tayo. Pangalawa, True or Lie. And panghuli is Dare."

O____O

"What???" We all said in unison.

Kalokohan! Anong klaseng laro ito? Waaaahhh!! Ang daring pa naman ng lalaruin namin.

Ahuhuhuhu.

LOLO OF ADAM POV

Balak ko sanang malaman ang kani-kanilang nararamdaman sa isa't-isa. Kaya ko pinili ang mga larong gaganapin ngayon.

Hindi niyo naman ako masisisi kung bakit napili ko ito.

Alam ko ang mga nangyayari sa kani-kanilang buhay. Gusto kong makasigurado na totoo ang kanilang sinasabi na mahal nila ang partners nila.

Sa pamamagitan neto, lahat ng sikreto nang bawat isa ay ma-reveal.

Walang nang sikretong tinatago at malalaman na rin ang totoong nararamdaman nila sa isa't-isa.

Wanted: Perfect Yaya [SOON TO BE COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon