CHAPTER 4 ♥ [first day of work]

371 5 0
                                    

J A N A  POV

"Ms. Guttierez nandito kana pala. Ang aga mo naman pumasok. Ang sipag ha." si Mr. Chui Sang. Nandito na ako ngayon sa bahay niya.

Pero hindi ko pa rin siya nakita, Si GORILLA!!

"Ah. Hehe. Nasanay na po kase ako." sabi ko na lang.

"Oh, siya. Halika na. Ipapakilala kita sa mga tauhan ko."

Pumunta kami sa living room nang bahay niya.

"Auntie Lucie, this's Jana Guttierez the new maid of Adam. Please welcome her." sabi ni Mr. Chui Sang sa matandang babae.

Diba Auntie ang tinawag niya sa matanda? Eh bakit tumutulong siya sa gawaing pambahay? Gayong pamilya siya ni Mr. Chui Sang.

"Oh? Anu pa ang tinutunga-nga mo diyan? Tara na. At ipapakilala kita sa mga kasamahan ko."

Ang sunget naman nang matandang to.

"Uhmm.. Pwede po bang magtanong? Bakit po tumutulong ka sa gawaing pambahay? Diba kapamilya ka ni Mr. Chui Sang?"

"Anung klaseng tanong yan? Chismosa ka. Halah, sige! Ipapakilala na kita sa amo mo. Ewan ko na lang kung magtatagal ka diyan sa batang yan."

H-huh? Anung ibig sabihin nang matandang to?

Ewan ko na lang kung magtatagal ka diyan sa batang yan.

Kung sa bagay, ni ako nga hindi ako sigurado kung magtatagal ako sa masamang ugali nang gorilla na yan.

Tinawag nang ibang maids ang gorilla. Pumasok sila sa kwarto.

Ilang saglit lang...

"M-manang ayaw po gumising ni Sir Adam eh." maluhang-luha sabi ng isang maid.

"Tapos sinabi niya rin po sa amin na kung hindi daw kame titigil sa kakagising sa kanya. Sisisantihin niya kaming dalawa."

Anu raw?? Sinabi nang Gorilla na yun sa kanila? Grabe talaga ang ugali nang Gorilla noh?

"A-auntie.." sabi ko kay Auntie Lucie.

"Wag mo ako'ng matawag-tawag na Auntie. Naiintindihan mo?" taray naman nang isang matang ito.. Anung masama kung tatawagin ko siyang Auntie?

Eh kung ganyanan naman pala. Lola na lang.

^_____^

"L-lola..."

"At wag mo rin ako'ng matawag-tawag na LOLA!! Letsi! Hindi pa ako matanda noh!"

Napatawa na lang ang kasamahan kong maids. Tsk. Bahala na nga lang.

"Ako na lang po gigising sa Gorilla na yun. Este Adam pala."

"Anung tinawag mo sa kanya?"

"Gorilla po." ^____^

"Bakit?" sabi niya with matching taas kilay pa.

"Kase po mukha siyang Gorilla. Hehe"

Nakita ko'ng napapigil nang tawa Si manang Lucie.

At tumatawa din ang mga kasamahan kong maids.

"Sige. Ikaw ang bahala. Pero ang tanging masasabi ko lang.. walang sinuman ang nakakapaggising sa kanya nang ganito'ng oras. Let's see kung makakaya mo siya."

Yun lang naman ang gagawin ko sa gorilla na yun diba? Gigisingin siya? Yun lang naman eh. Ang dali niyan.

Kung maka pagsalita si Manang Lucie parang ang hirap-hirap.

"Sige po. Papasok na po ako."

Um-oo na lang si Manang Lucie at ako naman papasok sa kwarto nang gorilla.

Wanted: Perfect Yaya [SOON TO BE COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon