CHAPTER 33 ♥ [One Fine Day]

88 0 0
                                    

J A N A  POV

Nakarating na din kami sa wakas sa Resto Sea Beach. Pagmamay-ari daw ito ni Sensei. Haaay, ang yaman talaga niya.

Ang mga magulang niya nagmamay-ari  ng mga Resort Beaches mapa luzon man, visayas o mindanao.

Si Adam naman, ang magulang niya halos lahat ng mall dito sa bansa pagmamay-ari nila.

Grabe, talaga sila. Ang yayaman.

Nagsipasukan kami lahat na mga babae sa girls room. Ang boys naman nasa kabila. Siyempre, kahit halos lahat sa amin in relationship. Aware pa din kami na magkakatabi sa isang kama. Hindi pa ready eh!

Ayoko rin naman mabuntis ng maaga. I want to spend time first being with myself and Baby Dam.

"Jana, grabe ka noh?! Nagawa mong baguhin ang ugali ng sira ulong si Adam."- Abby

"Ano ka ba! Medyo lang naman eh!" Sabi ko.

"Asows. Pa echos ka pa. Eh palagi nga ako sinsigawan ng sira ulong iyon."

Matatawa na lang ako kay Abby. Ang kulit niya. Bali-balita na sila na daw ni Xander.

"Eh, ikaw nga nagawa mo din baguhin ang ugali ni Xander. Ang pagiging basagulero."-Ako

"Oo nga girl. Katulad ni Brylie ko."- Kath na kilig na kilig.

Nagkatinginan kami ni Abby and.. "Ahahahahaha. Grabe tama sa'yo ni Brylie, girl."- Abby

"Oy, Kath. Ahahaha. Pa-brylie- brylie ko ka diyan huh?"- Ako

Simula kagabe, nakilala namin ang isa't-isa. Yun nga lang, may isa diyan na ayaw talaga makipag-kaibigan sa amin.. si Aileen.

Kasama ni Lance sa kotse. Ang sungit niya eh. Bagay talaga sila ni Lance. Ang susungit.

Tsaka, magkamukha sila ni Ailee yung babaeng kasama ni Oliver sa kotse. Pero sabi ni Aileen, hindi daw sila magkakambal keso daw ampangit ni Ailee.

Tch. Bahala sila sa buhay nila. Basta ako, masaya ako sa buhay ko kasama ang lalaking mahal na mahal ko.

"Teka girls, pupuntahan ko muna si Adam." Pamamaalam ko.

"Ge, girl."- Abby

"Bye, Sis."- Kath

**

Pumunta ako sa kabilang kwarto kung saan ang mga boys. Gusto ko makasama si Baby Dam.

"James, nasaan si Adam?" Tanong ko.

*poker face*

"Ewan." Sabi niya with no reaction.

Ano nangyari dun? Kanina lang, ang saya-saya niya. Eh bakit nakasimangot ang mukha niya ngayon?

Ha, ewan. Basta, mahanap ko lang Si Baby Dam. Okay na ako.

"Kenjie, nasaan si Adam?"

*poker face*

-____-

Anebeyen! Walang kwentang kausap ang mga lalaki ngayon. Tch.

Bumaba na nga lang ako. Keso naman, hindi ako papansinin. Kainis.

Bakit ba ganyan sila? Nagtatanong lang eh. Yes or No lang naman ang isasagot. Ayaw pa 'ko pansinin.

Kainis talaga.

Lumabas ako ng bahay na tinutuluyan namin. At bumukadkad sa akin ang napakandang tanawin.

Ang kulay asul na dagat na ang linis-linis. At ang sunset.

At doon ko din nakita ang Baby Dam ko. Naka-upo sa tapat ng coconut tree.

Wanted: Perfect Yaya [SOON TO BE COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon