CHAPTER 37 ♥ [Reveal]

103 1 0
                                    

J A N A  POV

Nag pa reserve ako ng private room. Ako naman ang magbabayad eh.

Maga ang mata ko sa kaiiyak. Nakalipas ang isang oras simula ang pag-amin ni Adam. Hindi pa rin sila bumabalik. Nandun pa rin sila naglalaro.

Si Adam? Ayun nandun pa rin. Diba dapat, susunod siya sa akin para patahanin ako? Yun yung ginagawa ng mga bida eh.

Eh bakit si Adam hindi man lang ako pinuntahan dito para alamin kung ano ang sitwasyon ko ngayon.

Kung sa bagay, wala namang pakialam sa akin ang lalaking yun. Pakiramdam ko nga hindi niya ako mahal.

At hindi rin ako bida sa storyang ito. Isang yaya lang naman ang role ko dito eh. Tsaka, hindi rin ako assuming na mag-aakala na ako'y isamg bida.

Nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko. Aish. Kainis!!

"Miss, handkerchief." Nang tumingin ako sa gilid para makita kung sino nagsalita.

Lalaki pala. Ang oh so hot niya. Ang gwapo-gwapo pa niya.

"H-huh? Nope. Im fine." Sabi ko. Nakakahiya eh. "Sige na. Kunin mo na. Mukhang mas kailangan mo iyan." Pamimilit niya.

Dahil sa pilit siya, kinuha ko na lang ito at pinunasan ang luha na dumadaloy pa rin hanggang ngayon.

"*sob* thank you huh? *sob"

"Walang anuman yun." He pat me then he walks away.

Na stock ang mga mata ko sa kaniya. Tinitingnan ko siya habang paalis.

Ang familiar nang mukha niya. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko. Aish. Kelan ko ba siya nakita?

Ahh.. Hindi ko talaga maalala.

>__<

"Kanino ang panyo na iyan?"

Lumingon ako sa nagsalita. Si Adam pala.

Hindi ko siya pinansin. "Manong, okay na ba yung kwarto?" Tanong ko sa manager ng Resort Sea Beach.

"Yes, maam."

"O-okay, thank you."

Nilagpasan ko siya without looking at him. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.

Malayo-layo kase ang private room na tutulogan ko at ang girls room.

"Pakialam mo."

Pumasok ako ng kwarto. Isasara ko na sana kaso bigla niyang pinigilan ang pinto.

"A-ano ba *sob* hayaan mo muna ako.."

"No, baby. I want to talk to you right now. I will explain it to you all."

"No. Leave me alone."

*booogggssh*

Nilakasan ko paghila ang pinto kaya sumirado ito ng malakas.

Ayoko siyang makita. Ayoko siyang kausapin. All i want to do is magmukmok dito sa kwarto.

Gagamutin ko muna ang sugat sa puso ko.

A D A M  POV

F^ck.

Mali ang inaakala ng baby ko. Hindi niya pinatapos ang sinabi ko.

Hinayaan ko muna siyang palamigin ang ulo niya kaya hindi ko siya sinundan kanina.

Pero ngayon hindi kaya ng puso ko. Parang tinutusok ng karayom.

Ang lintek na William iyon ang may kasalanan.

Wanted: Perfect Yaya [SOON TO BE COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon