C12: Cream puffs

21 1 0
                                    

*MARTIN TYLER*

She looks to her left then back to her right. Then looks to her left again then back to her right.

"Takshapo na. Ang likot ng ulo mo, Yvonne! Magpirmi ka nga!" sigaw ko sabay hawak sa ulo niya na kanina pa palinga-linga.

"Hindi ko makita 'yung show, e," reklamo niya pa.

"E, kung ibaba mo kaya 'yang hawak mong laruan? Ang laki-laki, nakaharang."

Psh. Kanina pa hawak nito ang malaking stuff toy niya na stitch. Bwisit! Kung sinu-sino ang sinasamahan niya.

"Ayoko ngang ibaba si Stitch. Madudumihan siya. Mamaya may kumuha pang bata sa kanya."

"Tsk. Tuwang-tuwa ka naman diyan sa laruan mong bigay ng kung sino."

"Hindi naman 'to binigay sa 'kin, e."

"Psh. Maniwala 'ko sa 'yo. May pa babe-babe pang nalalaman 'yang kasama mo. Kung hindi pa 'ko dumating hindi mo pa sasabihing may asawa ka na," mahabang litanya ko.

Kung ako nga pinipilit kong hindi lumapit sa tourguide, siya naman basta inaya, sasama.

"Hindi naman kasi siya nagtanong, kaya hindi ko sinabi." Muli niyang niyakap ang stuff toy niya kaya't lalo lang akong nainis.

"Bahala ka na nga diyan." Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad.

"Uy, Martin. Saan ka pupunta?"

"Babalik sa hotel," sagot ko at nalakad na ulit.

"Eh? T-teka, hintayin mo 'ko!" narinig kong sabi niya saka sumunod.

Pumasok ako sa hotel at sumakay ng elevator, kasunod siya.

"Oh. Bakit ka sumunod?"

"Sabi mo kasi h'wag akong sasama kung kanino, e. May katabi ako kanina, sabi niya sama daw ako sa kanya," aniya pa.

Psh. Bwisit pa rin.

Nang makapasok kami ng kwarto ay agad na akong nagtungo sa cabinet at kumuha ng damit. Bago ako pumasok ng kwarto ay nilingon ko pa si Yvonne. At si bubwit ihiniga na naman ang laruan niya sa kama.

Hinayaan ko na lang siya at pumasok na ako sa banyo upang maligo.

------------------

"Ano ba, Yvonne? Ibaba mo na 'yang laruan. Gusto ko nang matulog!" saad ko saka inagaw ang stitch niya.

"Ayoko! Dito siya sa tabi ko matutulog." Saka niya inagaw ulit ang stuff toy.

P*tsa naman. Pambihirang isip-bata 'to!

"Isa, Yvonne. Itatapon ko sa labas 'yang laruan mo!"

"Ayoko sabi, e!"

"Akin na nga 'yan!"

"Ah! Bitaw!"

"Aray! H'wag mo nga 'kong hampasin!" Muli kong hinatak ang tenga ng stuff toy at hinatak naman niya ito pabalik.

"Bitawan mo na!"

"Bakit mo ba kasi inaagaw?! Bili ka na lang ng sa 'yo!"

"Sinabing bitaw!" Nilakasan ko ang hatak ko, pero hindi ko inaasahan na hahatakin niya rin pala ang tenga nito.

And so in the end.

"F**k..." I whispered.

Natanggal yung tenga ni Stitch!

Tinignan ko si Yvonne at napansin ang pamumuo ng luha sa mata.

"Y-yvonne, I..." lalapit pa sana ako nang ihagis naman niya sa 'kin ang stuff toy.

The Cutest Mafia BossWhere stories live. Discover now