C37: Yakult

14 1 0
                                    

Ms. A: Warning: May----

Martin: Tama na 'yang kaka-warning mo! *Naglabas ng baril* *Itinutok kay Ms. A*

Ms. A: Wahhh! Mama! *le takbo*

--------------

@ One year Later (Mahilig sa fast forward ang tagapagsulat.)

*MARTIN TYLER*

"Sir, here's the papers."

"Put it down."

"Yes, Sir."

"You may go."

"Ah, Sir. May meeting po ka--"

"Are you deaf?! I said go!"

"Y-yes, Sir." I heard the hurried foot steps and the creaking of the door.

Nahilamos ko na lang ang dalawang palad ko sa aking mukha. F*cking migraine.

Gaano na ba katagal ang migraine ko? Isang taon na ba? Hindi ko na alam.

Sa totoo lang, hindi ko na rin alam ang nangyayare sa 'kin. Mamamatay na yata 'ko, e.

"F*ck." Gusto ko nang ipukpok ang ulo ko sa pader dahil sa sobrang sakit.

Tumayo ako at agad na nagtungo sa mini ref ko rito sa opisina. Kumuha ako ng tubig at paracetamol. Bago ko naman isara ang ref ay napansin ko pa ang nakasalansan na mga maliliit na bote sa gilid ng ref.

I wonder if she likes yakult too. Mahilig sa kahit anong matamis 'yun, e.

"S*it, s*it, s*it." Traydor na mga luha 'to, bumubuhos na naman. Nakakita lang ako ng matamis, naiyak na 'ko.

"T*ng*na mo, Martin. Tama nang kakaiyak," naibulong ko nalang habang pilit na pinupusan ang mga luha ko.

Umupo ako sa tabi ng ref at dumukmo sa tuhod ko.

Kung iiyak ba ako ng marami, babalikan mo na 'ko?

Isang taon mo na 'kong pinaghihintay. Gaano katagal pa ba? O may hinihintay pa ba 'ko?

Hindi ko alam kung nasaan ka o kung buhay ka pa ba.

"Ang daya mo, bubwit." Bakit ayaw mo 'kong balikan?

At kung akala niyo madali lang na hanapin kung nasaan siya, nakakatol kayo. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ang mga magulang niya, kahit si Yui nawala nang gabing kinuha siya ng lolo Shin niya. Kaya eto ako ngayon, mukhang tanga na naga-abang sa pagbalik ng asawa ko.

Kaya ko pa namang maghintay, kahit matagal pa. Just please tell me, she's alive...

----------------------

Gigising sa umaga, maliligo, papasok sa trabaho, uuwi, matutulog. Paulit-ulit na gawain. Ano pa bang idadagdag ko, wala rin namang kabuluhan.

Nang oras na dinala siya ng lolo niya, ni hindi ko man lang nahawakan ang kamay niya. Kaya siguro hindi ko nabawi ang sigla sa katawan ko na hawak na niya noon pa.

"Mr. Tyler. Mr. Tyler!"

Nabalik na lang ako sa diwa ko nang may sumigaw.

"Anong klaseng meeting ba ang gusto mo? I think I am just wasting my investment here. Mukhang wala rin naman akong mapapala sa 'yo, kaya itigil na natin ang deal na 'to."

"Go. I don't even need you in my company. You're just wasting my time," saad ko saka na siya iniwan.

Wala na akong pake. Uuwi na lang ako.

Madali akong lumabas ng opisina at tinungo ang sasakyan ko at nagmaneho pauwi. May nadaanan pa 'kong nagtitinda ng ice cream kanina sa kanto. Mabuti na lang nakasarado ang bintana ng kotse, kung hindi magmumukha na 'kong tanga dahil naiiyak na naman ako.

The Cutest Mafia BossWhere stories live. Discover now