C41: Cookies

15 0 0
                                    

*MARTIN TYLER*

Morning sickness, weird cravings, mood swings. Yvonne experienced it everyday because of her pregnancy.

Naaawa ako tuwing susuka siya sa umaga. Tapos paiba-iba rin ang gusto niya. Pero sobrang nakakatuwa na ako ang pinaglilihian niya. Yes. Ako talaga. Or should I say yung labi ko.

"Baby ko, kiss." O 'di ba? Kagigising niya palang niyan.

"Sure." Agad akong yumuko ng kaunti para halikan siya.

Mas mabuti nang sa akin siya maglihi kaysa kung kanino.

Lumabas kami ng kwarto at agad naman naming nasalubong sila Yui at Marquis na galing sa kusina.

"Good morning, future wife!" Agad nang umarko ang kilay ko dahil sa narinig.

Hindi ba talaga titigil ang batang 'to sa kakatawag ng future wife sa asawa ko?

"I said stop calling my wife, your future wife. She's pregnant already, Marquis. Pregnant. My child, inside," ani ko pa sabay turo sa tiyan ni Yvonne na wala pang umbok.

"I did not call her though."

"Anong you did not call her. Kasasabi mo nga lang na future wife."

Inamesh na bata 'to. Pinaiinit ang ulo ko.

"Martin. H'wag mong awayin si Marquis," saway pa sa 'kin ni Yvonne.

"I swear I did not call your wife," ulit pa ni Marquis.

"E, sino palang tinawag mo, aber?" taas-kilay kong tanong.

"Her." Sabay turo naman niya sa asawa.

"Pinagloloko mo ba ko, Marquis. Ayan na nga, o. Nakaturo ka kay Yvonne."

"Aunt Yvonne, your husband is stupid, isn't he?"

"What the?!" Ngayon ako pang stupid?

"I didn't call aunt Yvonne. I called her, my future wife." Nagulat na lang ako nang lumapit si Marquis kay Yvonne at hinaplos ang tiyan niya.

T*n*na. Ang aga naman magkaroon ng manliligaw ang anak ko?

"Psh. Marquis, my child will be a boy. He can't be your wife."

"Hmm. She'll be a girl," sagot pa nito habang umiiling.

Langyang bata 'to. Sigurado siya, a.

"No. He'll be a boy."

"No. Girl. And she'll be my wife."

"Psh. Oo na. Basta hindi babae 'yan."

Hindi naman sa ayoko ng babae. Pero, alam niyo naman ang ibig-sabihin kapag naging babae ang anak namin.

Danger, Killings... F*cking Mafia. And I can't let my daughter be apart of that. Tama ng naging mafia boss ang asawa ko.

"Then be his protector, Marquis. I'll think about your proposal kapag nabantayan mo nang mabuti ang magiging anak ko," biglang sagot ni Yvonne kay Marquis.

"Hoy, Yvonne. H'wag mong paasahin ang bata. Paano kung lalake talaga 'yan?"

"E, di pakasalan niya pa rin," she answered like it was an obvious question.

"Ayan na naman ang asawa ko. Lumuluwang na naman ang turnilyo mo," saad ko sabay hawak sa magkabilang pisngi niya.

"May turnilyo ba 'ko sa utak? Hala! Paano kapag nangalawang yun?"

Kung ganito magisip ang asawa mo, paniguradong sasaya ang buong buhay mo.

"Hay, Yvonne. Kaya mahal na mahal kita, e. Lakas-tama ka lagi." Tumango na lang siya pero halatang naguluhan pa rin siya.

The Cutest Mafia BossWhere stories live. Discover now