*THIRD PERSON*
Umalingawngaw ang tunog ng ambulansya. Nagmamadali, naghahabol.
"Check her Vitals signs, now!"
"It's dropping, Doc."
Lulan ng ambulansya ang mag-asawa. Si Martin na wala pa ring malay... At si Yvonne na naghihingalo.
"Press on the open wounds. I need some syringe here. Faster!"
Sa kalagitnaan ng kanilang panggagamot kay Yvonne. Marahan namang nagmulat ng mata ang lalake.
"Y-yvonne..."
"Doc. The patient is now conscious!"
"Bilisan niyo ang kilos."
Tinungo siya ng isa pang doktor at sinuri ang kalagayan.
Lumipas pa ang limang minuto at narating ng ambulansya ang kanilang pupuntahan.
Mabilis na ibinaba ang stretcher ng dalawa. Diniretso sa emergency room ang lalake at sa operating room naman dinala si Yvonne.
-------------------
*MARTIN TYLER*
'Tik tik...'
Marahan akong humugot nang hininga at pinakiramdaman ang sarili.
Buhay pa 'ko? Nailigtas ba kami?
Pilit kong inaaninag ang ilaw na nakikita ko sa may kisame. Pumikit ako at nagmulat muli. Iginalaw ko ang aking hintuturo at muling huminga ng malalim.
Buhay ako...
Naririnig ko pa ang pagtunog ng aparato sa aking tabi pati na ang mahinang pagbuga ng hangin mula sa aking bibig.
Anong nangyare? Paano akong napunta rito? Ang pamilya ko... Si Yvonne, nasaan na siya? Bakit wala sila sa tabi ko?
"Hmmm..." Halos umungol na lamang ako dahil nahihirapan akong magsalita.
Wala namang nangyareng masama, 'di ba? Ligtas naman si Yvonne...at iyon ang paniniwalaan ko.
Ilang saglit pa ay nakarinig na ako ng mga yapak ng paa pati na ang pagbukas at pagsara ng pinto.
"Oh. Doc! The patient is awake!"
Buhay nga ako, at malamang ay nasa ospital na 'ko.
"Check his pulse. Mr. Tyler, can you hear me? Please blink once if you do," rinig kong saad ng doktor kaya't sinunod ko na lang ang sinabi niya.
"Can you feel this?" Naramdaman ko naman na parang may pumisil sa hinlalaki ko kaya't kumarap ulit ako ng isa pang beses.
"That's great then. Nurse Gie, obserbahan mo siya. Tatawagin ko lang ang pamilya niya." Parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang marinig ko ang sinabi niya.
Narito rin ang pamilya ko, ibig-sabihin ay nakaligtas sila.
Mayamaya pa ay narinig ko na ang boses ni Mom habang papalapit sila sa kinaroroonan ko.
"Anak! I'm so glad you're awake. You made me so worried."
"M-mom..." I tried to mumbled a word.
"S-si Yvonne?"
Alam kong maayos lang siya...ligtas naman siya, 'di ba?
"S-son..."
I immediately closed my eyes. Mom was crying... No. Ayokong marinig. Walang masamang nangyare. Ipapahinga ko na lang ulit 'to.
Please, not my wife.
"Anak. Listen to me, okay? Magpagaling ka. Yvonne...will surely get through this. So you have to be strong for her." Agad ko namang iminulat ang mata ko.
YOU ARE READING
The Cutest Mafia Boss
ActionThis was written last 2018, by Gail_writes. Probably this story wasn't visible here on Wattpad, I don't know why but it's nice that I have the copy of them and trying to repost this again. I'm wholeheartedly giving the credits to Miss (Gail_writes)...