C23: Banana Apple shake

14 1 0
                                    

*MARTIN TYLER*

(Two hours earlier)

"Sir, ito na po ang mga papeles niyo."

"Salamat," saad ko saka kinuha ang papeles sa sekretary ko.

"What the... Sir?"

"Ano? Ba't ganyan itsura mo?" tanong ko pa. Para kasi siyang nakakita ng multo, nakanganga pa.

"K-kayo, Sir. Ba't ganyan ang itsura niyo?"

"May problema ba sa mukha ko?"

"Wala po, Sir. Nakakapanibago lang po kasi. Nakangiti kayo at kanina niyo pa ako hindi sinisigawan. Sa totoo lang, para kayong anghel."

Tengene. Nabaliw na rin ang sekretary ko.

"Ah. Gusto mo bang bumalik ako sa pagiging demonyo ko?"

"Naku. Hindi po. Mas bagay nga ho sainyo ang ganyan, e."

"Okay. Then go to work before I fire you, stupid." Mukhang nagitla naman siya kaya agad na siyang yumuko at bumalik sa trabaho niya.

Psh. Ususero.

Matapos kong pirmahan ang lahat ng papeles ay dinukot ko na ulit ang phone ko, mula sa bulsa ng pantalon ko.

"Let's see." Binuksan ko ang gallery ng phone at agad na nagscroll ng mga pictures.

At shete.

"Taena. Ang cute mo, bubwit," bulong ko pa habang pinagmamasdan ang mga stolen shots ko sa kanya.

Hindi ko na matandaan kung kailan ko siya unang kinuhanan ng palihim. Siguro noong nakita ko siyang nakasuot ng yellow na dress.

"Wahh. Shocks. Nakakabaliw ang ka-cutan mo, Yvonne." Para na 'kong tanga rito, na nakangiti.

May picture mula sa kasal, sa honeymoon namin, habang tulog siya at marami pa doon na nakapout siya.

Yes. It may be a little creepy, pero h'wag niyo na lang ipaalam kay bubwit para hindi niya malaman. Baka sabihin niya stalker niya 'ko, e.

"Dude. Uwi ka na?"

Ang cute talaga ng asawa ko. Ang sarap kurutin ng pisngi.

"Dude, anong tinignan mo diyan? Porn yan, ano?"

Kung ganito ang titignan ko, buong buhay ko, okay lang. Pero siyempre mas gusto kong nakikita siya ng personal. Nami-miss ko na tuloy si bubwit.

"Ay akala ko porn, makangiti ka kasi diyan. Pero infairness, ganda ni boss. Pangmodel ang ngiti."

"Ay tang--- anong ginagawa mo rito?!" sigaw ko nang marinig bigla ang boses ni Jake sa tabi ko.

"The hell, dude. Kanina pa 'ko nandito no. Ganyan na ba talaga pag may asawa? Wala ng ibang nakikita saka naririnig?"

"Shut up," saad ko nalang saka na ibinalik sa bulsa ang phone ko.

"But seriously, Dude. You really are changing because of your wife. Gabi-gabi ka sigurong masaya no?"

"Taena mo. Pinagsasabi mo?"

"Syempre, parati niyong pinagsasaluhan ang init ng inyong...Aray!" sigaw niya nang batuhin ko siya ng stapler.

"Ang bastos ng bibig mo. Lumabas ka na nga!"

"Wala pa naman akong sinasabi, a! Ito, defensive. Pero ano na nga, Dude? Magni-ninong na ba 'ko?"

"Hindi pa. At lalong hindi ka Ninong ng anak ko kung magkaganun man."

"Ouch. Bakit hindi? Pero nevermind. Ano, di pa kayo nakakabuo? Magdadalawang buwan na rin kayong kasal di ba?"

The Cutest Mafia BossWhere stories live. Discover now