C14: Jelly cups

19 1 0
                                    

*YVONNE MIRAZAKI*

I woke up with a heavy pounding in my head.

"Aww." Ang sakit ng ulo ko. Hinaplos ko ang ulo ko at akmang tatayo na sana nang may pumigil naman sa akin na braso.

"Shhh. Just sleep. I'll give you meds," saad ni Martin sa tabi ko. Nakapikit pa ang mata niya at nakadantay ang braso niya sa bewang ko.

Tumango ako pero agad na kumunot ang noo nang makita ko ang paligid.

Nakakapagtaka...

"Martin?"

"Hmm..." he answered with his eyes, still close.

"Martin, nahanap ko ba ang bahay ni Spongebob?" tanong ko kaya't iminulat niya ang mata niya saka sumagot.

"Yes, you did. At sa sobrang saya mo kagabi, kinain mo este ininom mo yung bahay niya," sagot niya kaya nagulat ako.

"Hinde..."

Anong nagawa ko?

"Napakasama kong tao..." bulong ko at namuo na ang mga luha ko.

"Bakit ka umiiyak, bubwit?"

"I ate spongebob's house. Saan na siya ngayon titira? Ang sama ko! I'm a home wrecker! Aray!" angil ko nang pinitik naman ni Martin ang noo ko.

"Engot. Nagbibiro lang ako. Hindi mo nahanap ang bahay niya. At isa pa, hindi literal na sumira ng bahay ang ibig-sabihin ng home wrecker."

"E, ano pala?" tanong ko rin. Home wrecker, tagasira ng bahay. Hindi ba yun ang tawag sa kanila?

"Basta. Kulit mo." Tumayo na siya at agad na nagtungo sa ref.

"Oh. Inumin mo." Inabot niya sa 'kin ang isang tableta at malamig na tubig.

"Magpahinga ka pa. At mayamay mag-ayos ka ng gamit mo."

"Bakit?" tanong ko pa bago ininom ang ibinigay niya.

"We're going home, Yvonne. Nakalimutan mo?"

"Ha? Pero hindi ko pa nahahanap ang bikini bottom."

"At ano bang gagawin mo 'dun kapag nahanap mo?" tanong niya pa kaya agad nang nagningning ang mga mata ko.

"Maga-apply ako bilang cook sa Krusty Krab!" sagot ko. Muling lumapit sa 'kin si Martin at ginulo ang buhok ko.

"Lasing ka pa, bubwit. Matulog ka na."

"Pero hindi naman ako lasing. Tsaka hindi rin naman ako inaantok."

"Sleep or I'll throw your Lilo and Stitch shirt?"

Agad naman nanlaki ang mata ko dahil sinabi niya.

"Matutulog na po!" sabi ko at agad na nagtalukbong ng kumot.

Huhu. Ang mean ni Martin. T^T

-------------------

We landed at the Philippine Airlines by 10 in the morning.

"Wiehh! We're home," saad ko habang palabas kami ng airport.

"Madam Yvonne. Sir Martin." Natanaw ko agad si Butler Jun sa exit ng airport.

"Butler Jun!" sigaw ko at agad na lumapit sa kanya.

"Namiss ko po kayo!"

"Namiss ko rin po kayo, Miss-este Madam Yvonne. Kamusta po?"

"Masaya po! Hindi ko po nakita ang bikini bottom, pero okay lang. Nakita ko naman po si Stitch, e."

"Halina po kayo. Sir Martin, kunin ko na po ang mga dala niyo."

The Cutest Mafia BossWhere stories live. Discover now