*THIRD PERSON*
Napuno ng bulungan ang loob ng bulwagan. Marami ang hindi makapaniwala sa inunsyo ng dating pinuno.
"Kodomo? Nanda sure?!"
(A child? What is this?!)Marami ang talaga namang nagulat, ang iba pa ay hindi ito kayang tanggapin.
"Kotowaru yo, Uwayaku-sama!" sigaw nila
(We can't accept this, Boss!)"Ichiban musume janae-yo!" reklamo pa nila.
(She's not even the eldest daughter!)May katwiran nga naman ang sinasabi nila. Tanging ang mga panganay na anak lang naman ang maaaring magmay-ari ng posisyon sa pamilya Mirazaki.
"I am your Mafia Boss. So what I say, must be obeyed. My sister will be the new Mafia Boss. And if you still refused to believe it, then kill her," anunsyo niya na siyang nagpatahimik sa lahat.
"Kurosu?"
(Kill her?)"Hai. Everyone in here may try to kill her. But if your fail. Then you should accept her."
Nanatili muna sa pagtayo ang mga kalalakihan bago nagumpisang tumakbo paakyat ng entablado at sinugod ang batang si Yui.
Her parents on the other side, watched the whole scene along with Yvonne and Martin.
Maliban sa pagkakaiba ng magkapatid sa kanilang ugali. Ibang-iba rin ang estilo ng pakikipaglaban ni Yui. Patay kung patay, at mararanasan mo ito sa pinaka masakit na paraan.
Agad na nakalapit ang isang lalake sa kanyang harapan at ang isa naman ay sa kanyang likuran. May hawak itong balisong sa kanyang kaliwang kamay at ito ang kanyang ipinanglaban sa bata. Agad na nakaiwas si Yui sa paparating na atake, at dahil sa maliit lamang siya ay nagawa niyang makalipat ng pwesto at nasipa niya ang likod ng lalakeng may hawak na balisong.
"Ahhh!" sigaw ng isa pang lalake, dahil imbis na si Yui ang tamaan ng balisong. Nasaksak ang lalakeng kanina ay nasa harapan niya. Sakto ito sa kanang mata ng lalake at agad na bumaon.
Sinipa ulit ni Yui ang lalake, ngayon ay sa batok naman. Napaluhod ang lalake sa sahig. Agad namang dinukot ni Yui ang balisong mula sa mata ng lalakeng nasaksak, at sumama pa ang mismong mata nito nang kanyang hugutin.
Hinawakan ni Yui sa batok ang nakaluhod na lalake at agad na sinaksak sa kanyang batok, tapos ay tinuluy-tuloy niya pa ito hanggang magilitan ng leeg ang lalake.
Sabay na bumagsak ang dalawa. Ang isa ay nagkikikisay sa sakit at ang isa ay wala nang buhay.
Humarap siya sa mga lalake at agad na sumilay ang ngisi sa kanyang labi.
"Ichi, Ni," bilang niya sa dalawang lalake na napabagsak na niya.
(One, two.)"Hashiru..." aniya habang pinaglalaruan ang balisong sa kanyang kamay.
(Run...)Mababanaag sa kanyang mukha ang ngising may halong pangungutya.
May isa palang pagkakapareho ang magkapatid pagdating sa labanan.
Pareho silang abnormal.
"Ahhhh!" sigaw pa ng isang lalake na nagtapang-tapangan at agad na tumakbo palapit kay Yui. Pero agad din siyang napahinto nang ibato sa kanya ni Yui ang balisong, sakto sa kanyang dibdib.
Napaluhod siya at mayamaya'y nilapitan ni Yui. Itinulak siya pahiga ni Yui saka inupuan. Hinawakan ng bata ang balisong na nakatarak pa rin sa kanyang dibdib, saka mabining umukit ng hugis bilog rito.
"AHHHH!" palahaw ng lalake habang inuukit ang dibdib niya.
Matapos non ay nagawang mabutas ni Yui ang kanyang dibdib. Sumisigaw pa rin ang lalake nang ipasok ni Yui ang maliit niyang mga kamay sa loob ng nabutas na dibdib at kinapa ang puso.
YOU ARE READING
The Cutest Mafia Boss
ActionThis was written last 2018, by Gail_writes. Probably this story wasn't visible here on Wattpad, I don't know why but it's nice that I have the copy of them and trying to repost this again. I'm wholeheartedly giving the credits to Miss (Gail_writes)...