C17: Stick-O

23 1 0
                                    

The cutest Mafia boss
By: Gail_writes
Chapter: Seventeen (Stick-O)

*MARTIN TYLER*

I'm dying... I am so d*mn tired.

At gustung-gusto ko nang tirisin si Yui ng pinung-pino.

"Arghh! Aww!" Ang sakit sa katawan ko pag bumabangon.

Mula alas-dose hanggang alas-singko kahapon ako nagbungkal ng lupa. At ang demonyitang 'yon, biglang ayaw na palang magtanim. Pinahirapan lang ako.

Pasalamat siya... Basta pasalamat siya.

Pinilit kong bumangon kahit na masakit ang katawan ko at nagtungo sa banyo upang maligo.

"Hell. Ang dami kong sunburn." Yung gwapo kong mukha, namumula.

Humanda talaga sa 'kin ang demonyitang 'yon kapag nakahanap ako ng tyempo.

Matapos kong maligo at mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Mula naman sa ibaba ay naririnig ko na ang ingay ng tv.

And guess what...

It's Dora the Explorer that's playing.

Agad akong bumaba at nadatnan si Yvonne sa sala. Nakaupo siya sa sahig habang tutok na tutok sa tv. Nilapitan ko siya saka tinabihan.

"Oy, bubw-- oyy. Ba't ka umiiyak?" agad na tanong ko nang mapansin ang pagsinghot niya.

"S-si ano kasi, e. *huk*."

"Sino? May nangyare ba sa 'yo? May masakit ba?" Hinawakan ko pa ang magkabilang balikat niya at hinarap sa 'kin.

"S-si... *huk* Swiper kasi, ninakaw yung bola ni boots. Wahh! Kawawa naman siya."

Mariin akong napapikit. Tanga mo, Martin. 'Di ka pa nasanay sa kabaliwan ng babaeng 'to.

"Kumain ka na ba?" tanong ko na lang.

Umiling naman siya saka muling tumutok sa tv.

"Patayin mo muna 'yan at mag-almusal. Masama sa 'yo ang gutom. Lalo kang nababaliw." Tumayo ako saka siya hinatak patayo.

"Hindi pa tapos yung dora."

"Ibibili na lang kita ng series niyan. Tara na." Kinuha ko ang remote at pinatay ang tv. saka na siya hinatak patungong kusina.

"Upo," utos ko sa kanya, saka ko binuksan ang ref at naghanap ng maaaring iluto.

"Sunny side up eggs, and bacons?" tanong ko saka siya nilingon.

"Okay." Kaya nagsimula na akong magluto.

"Siya nga pala, bubwit. My secretary already fix your sister's transfer documents. She'll be attending classes by monday," saad ko habang nagpapainit ng kalan.

And speaking of classes.

"Yvonne, hindi ka na ba naga-aral?"

"Hindi na."

"Nag stop ka dahil sa business?"

"Nope."

"E, bakit ka pala huminto?"

"Kasi tapos na 'ko. I graduated college, two years ago."

Nilingon ko ulit siya. Two years ago, then does that mean that she graduated at the age of seventeen?

"Anong kinuha mong course?"

"Bachelor of science in business administration as my pre-law. Then I continued my post-law in Michigan."

"Post law? As in law?"

"Yes. I am a certified public defendant," sagot niya pa.

Pwedeng himatayin? Si bubwit, public defendant?

The Cutest Mafia BossWhere stories live. Discover now