*MARTIN TYLER*
"Babe honey sweetheart..."
"Uy, babe honey sweetheart. Pansinin mo naman ako."
"Teka lang, Martin. Kailangan ko pang tapusin 'to."
"The heck, wife. Anong tawag mo sa 'kin? Martin?"
"Ah...eh... Babe hon--mmmp." Mabilis akong dumukwang at nagnakaw ng halik.
"E, di pinansin mo rin ako. Mamaya na kasi 'yan. Please," I pleaded at ginaya ko pa ang pagpa-pout niya.
"Kailangan kong tapusin 'to. Hinahanap na ni Gori ang financial plan para sa seaside hotel. Baka kainin ako no'n pag di ko nabigay sa kanya," aniya at muling bumalik sa ginagawa niya. She was typing on her laptop while calculating something on her hands.
Naks naman. Hindi na kailangan ng calculator.
"Nood tayo ng movie, sige na. Tutulungan kita mamaya diyan," pakiusap ko pa, pero hindi man lang ako pinansin.
"Tsk. Bahala ka na nga diyan. Mahalaga pa sa 'kin 'yang Gori mo." Tumayo na ako at naglakad pero napatigil rin ako.
Inamesh. Di niya 'ko pipigilan?
"Yvonne naman, e!" Muli akong bumalik at niyakap siya mula sa likuran. T*ng*a, nagmumukha na 'kong isip-bata rito, a.
"Sige na, samahan mo na 'ko. Hm? Hm?" Ipinatong ko pa ang baba ko sa balikat niya.
"Please..."
"Hindi talaga pwede."
"Sayang. May series pa naman ako ng barbie diaries." Nagulat na lang ako nang bigla niyang isinara ang laptop at tumayo.
"Oh. Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Sabi mo manonood tayo? Ano pang ginagawa mo diyan? Halika na, dali!" aniya saka na ako hinatak palabas ng kwarto.
Psh. Barbie lang pala katapat.
Nang makababa kami ng sala ay didiretso na sana siya sa sofa pero hinatak ko siya papuntang kusina.
"Teka. Sabi mo manonood tayo?"
"Oo nga. Magluto muna tayo ng popcorn para masaya 'yang panonood mo."
"Popcorn?! Yiehh! Gusto ko no'n!" Pumasok na kami sa kusina at hinanap ko na ang popcorn na lulutuin.
"Alam mo ba pa'no ginagawa 'to?" Iling lang sinagot niya.
"Talaga? Panoorin mo 'to."
Nagsalang ako ng kaldero saka ito nilagyan ng kaunting butter.
"Kapag mainit na ilalagay na natin 'to," tukoy ko sa mais na hilaw.
"Ba't ganyan yung itsura? Popcorn ba 'yan?"
"Hindi pa. Mais pa lang 'to. Tignan mo." Inilagay ko na ang mga hilaw na mais tapos ay tinakpan ng glass lid para makita niya yung loob.
"Anong mangyayare?"
"Tignan mo."
Mayamaya pa ay nagsiputukan na ang mga ito, kaya't ganun na lang ang pagkamangha ni Yvonne.
"Wahh! Ang galing! Paano mong nagawa 'yon?"
"Magic."
"Wiehh! Ang galing galing mo naman!" aniya pa habang pinagmamasdan pa rin ang paluto nang popcorn.
"Siyempre. Talented yata ang mister mo."
Nang matapos ang pagluluto ko ay isinalin na namin sa bowl ang mga popcorn.
YOU ARE READING
The Cutest Mafia Boss
AcciónThis was written last 2018, by Gail_writes. Probably this story wasn't visible here on Wattpad, I don't know why but it's nice that I have the copy of them and trying to repost this again. I'm wholeheartedly giving the credits to Miss (Gail_writes)...