*MARTIN TYLER*
"Ready?" I asked my cute little princess as she fixed her things.
"Opo, papa ko."
"Alis na kayo, Martin?"
"Yes, wife." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Take care of Ishi, okay? Don't forget to put on her mosquito repellant. Her socks. Tie her hair in a bun..."
"And bring her favorite story book," tinapos ko na ang sasabihin niya saka siya ginawaran ng halik.
"Magi-ingat rin kayo ni Ivar. Call me, okay?"
"Opo, baby ko."
"Okay. Let's get going, prinsesa ko." Kinuha ko na ang pink niyang backpack saka lumuhod para mapantayan ang prinsesa ko.
"Hoodie..." Inayos ko ang hoodie sa ulo niya.
"Check. Let's go?" I held her hand.
"Tara na! Mama ko, babye po!" Lumapit si Ishi sa kanya at yumakap sa binti niya.
"Babye rin, baby. Ingat kayo ni papa ha?"
"Opo. Babye, kuya Ivar! Babye Marquis!" Kumaway pa siya sa kanila bago ako hinatak. Nilingon ko ulit si Yvonne.
"I love you, wife."
"I love you too." I kissed her again before entering the car.
Pinagbuksan na kami ng guards ng gate kaya't inilabas ko na ang sasakyan.
"Excited ka na?" tanong ko habang nagmamaneho.
"Yes, papa. Matagal pa po ba tayo?"
"Pupunta lang muna tayo ng grocery store para sa marshmallows mo tapos didiretso na tayo sa campsite."
"Yehey! Go. Go. Go."
Yes. We are going on a camp. Kaming dalawa lang ni Ishi. Actually we do this every month. Noong nakaraang buwan si Ivar ang kasama ko at nagpunta kami ng Cavite. Tapos si Ishi at Yvonne naman, nagpunta sa Baguio.
Madalas kasi kaming busy ni Yvonne sa business kaya't hindi namin sila parati nakakasama, and so we decided to bring them to different places every month, pambawi man lang. Si Yvonne at Ivar ang magkasama ngayon at sabi niya magbabasketball daw silang tatlo, kasama si Marquis. Hindi ko alam kung marunong si Yvonne nun, pero nahihilig na kasi si Ivar sa basketball. Dala na rin na parati niyang kasama si Marquis.
"Hmm~ hmm~ Mama bear, papa bear...baby bear." Ishi was humming her favorite song.
Nang makarating kami sa grocery store ay binuhat ko na siya at pagkapasok namin ay isinakay ko na siya sa dala kong cart.
"Papa. Para saan po ang marshmallow?"
"Para sa bonfire mamaya. 'Di ba sabi ko sa 'yo, gagawa tayo ng smorse?"
"Ay. Oo nga pala. Papa, pwede din ba natin yun lagyan ng hotdogs? Ayoko ng marshmallows, matamis."
"Sure." I patted her head and smiled.
Isang malaking pagkakaiba nilang mag-ina, ayaw ni Ishi sa matamis. Mas gusto rin niya ang cheese kaysa sa chocolate at strawberry.
"Papa, ayun, o." Sabay-turo niya sa isang helera ng mga chichirya.
"Ito ba?" Tanong ko sabay abot sa isang pack ng potato chips.
"Hmm." Tumangu-tango siya at kinuha ang hawak ko.
"Okay. Doon na tayo sa Marshmallows at biscuit." Tinulak ko na ulit ang cart kung saan naroon ang helera ng marshmallows at bisquit.
"Wait lang, prinsesa ko." Binitawan ko muna ang cart kung saan siya nakasakay saka inabot ang marshmallow na nasa pinakaitaas ng shelf.
YOU ARE READING
The Cutest Mafia Boss
ActionThis was written last 2018, by Gail_writes. Probably this story wasn't visible here on Wattpad, I don't know why but it's nice that I have the copy of them and trying to repost this again. I'm wholeheartedly giving the credits to Miss (Gail_writes)...