C36: Strawberry milk (part2)

13 1 0
                                    

"And we're ready to chase," Determined to win, she smiled.

Nagsimula na ang pag atake ni Yvonne sa kanyang mga katunggali sa bloodbath.

Karaniwang nagaganap ang mafia war o ang bloodbath tuwing lilipas ang dalawampung-dekada ng panunungkulan ng mga mafia boss sa bawat prefecture ng japan. At isa itong bibihirang pagkakataon na magkaroon ng labanan kahit wala pa sa itinakdang oras. Isa ring dahilan nito ay ang paggising ni Yvonne at ang pagbalik niya sa panunungkulan bilang pinuno ng Mirazaki Mafia.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng nakararami na ang Mirazaki Mafia ang isa sa pinaka tinitingalang Mafia oragnization sa Japan. Kaya't ang matalo ang pinuno nila ay isang malaking karangalan.

"Shine, baka!" sigaw ni Yvonne sa kanyang kaharap.
(Die, you fool!)

Sinipa niya ito sa tagiliran, dahilan para matumba ang lalake at makakuha siya ng pagkakataon.

Agad niyang itinarak ang panggitnang daliri sa malambot na bahagi ng leeg ng lalake at parang patalim niya itong ginamit upang gilitan siya sa leeg.

Bagsak at puno ng dugo ang leeg ng lalake.

"T-tasukete..." huling bulong nito bago malagutan ng hininga.
(H-help...)

Muli siyang lumingon at humanap ng kakalabanin. Ilan sa mga ito ay may hawak na kanya-kanyang patalim at marahas na nakikipagbuno sa isat-isa.

Yvonne waited till someone attacked her. And that someone must be really insane to even think of fighting her. She was raging, yet she kept her calm and waited.

Ilang sandali pa ay isang malaking lalake ang patakbong lumapit sa kanya.

"Ohayo, chisai ona,"
(Good morning, little girl.)

"Kyodai no baka."
(Gigantic idiot.)

"Nanda?!" galit na sigaw nito nang sumagot si Yvonne sa kanya.
(What?!)

"Baka da na. Honto," dagdag pa ni Yvonne kaya't lalong nagalit ang lalake sa kanya.
(You really are an idiot.)

Sumugod ang lalake at agad inambaan siyang inambaan ng suntok. Gamit ang dalawang kamay, sinubukang harangan ni Yvonne ang kamao ng lalake. Pero dahil sa laki at bigat ng braso nito ay nahirapan siya. Marahang napaatras si Yvonne bago itinulak ang kamao ng kalaban. Sinubukan niyang sipain sa tagiliran ang lalake pero kaagad lamang nahawakan ng lalake ang kanyang binti at dahil sa may kaliitan lamang si Yvonne ay madali siya nitong nabuhat sa binti at marahas na ibinagsak sa sahig.

"Ahh!" daing niya nang tumama ang kanyang likod sa sementadong sahig.

Mabilis na dumagan sa kanya ang kalaban at binigyan siya ng isang malakas na suntok.

"Arghh!" Lumagutok ang buto sa kanang pisngi ni Yvonne dahilan para siya ay ngumiwi sa sakit.

Muli siyang sinuntok ng lalake sa mukha. At sa bawat suntok nito, parang nadudurog ang mga buto niya.

Lima, anim...hanggang umabot ng sampu.

Hindi na niya maramdaman ang sarili niyang mukha dahil sa natamo.

"Anata wa shinde iru?" puno ng kayabangan na saad ng lalake kay Yvonne na animo'y hindi na himihinga.
(Are you dead already?)

Puno nang dugo kaya't parang hindi na makilala ang magandang mukha ni Yvonne. Nakapikit na rin ang kanyang mga mata at halos hindi na marinig ang kanyang paghinga.

Tumayo ang lalake sa paga-akalang natalo na niya ito.

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo. Hindi na niya tuloy napansin ang pagkagulat ng mga tao sa sumunod na nangyare.

The Cutest Mafia BossWhere stories live. Discover now