C26: Pastillas

19 1 0
                                    

*MARTIN TYLER*

"Well, I guess. We have now come up with a great deal."

"I do think so, Mr. Tyler."

"Then, let's call it a day. Thank you for your presence. Meeting's adjourned," I announced and stood up from my chair.

Nakakapagod. Ang tagal ng meeting.

Nang makalabas ako ng conference hall ay sinalubong na ako ng aking sekretarya.

"Let's go, eat."

"Ah. Tumawag nga ho pala ang misis niyo kanina habang basa meeting kayo."

Agad namang nagliwanag ang paligid ko at kumurba ang ngiti sa labi ko.

"Anong oras?"

"Bale. 10:30 po."

I smiled. She obeyed me. Kinikilig na naman tuloy ako.

"Okay. Give me my phone," saad ko at saka kinuha ang phone ko sa kanya.

I pushed the call button and tried to reach her, but to no good, it was off.

Baka nasa meeting na ulit 'yun. Ibinalik ko na lang ang phone ko sa bulsa at umalis na.

----------------

"This will be the perfect farm. Malamig rito at maayos ang patubig and we'll save a million for this project." Isa sa mga business partners ko ang nagpapaliwanag ng tungkol sa lupang bibilhin para sa project ng kompanya.

"Magandang araw ho sa inyo." Ilang mga kabataan naman ang sumalubong sa amin.

"Para ho sa inyo. Tikman niyo ho. Bagong produkto ho ng baranggay namin 'yang pastillas." Sabay abot sa akin ng pastillas na nakabalot sa makukulay na papel.

"Salamat dito," sagot ko saka marahang tumikim.

And it is good. Panigurado, magugustuhan 'to ni bubwit.

"Ah, Neng. Saan ang tindahan niyo? Bibili ako," saad ko.

"A! Doon lang po, Sir," aniya saka itinuro ang isang kubo sa dulo ng taniman.

"Sige. Pagdalhan mo ako ng tatlong box. Eto, bayad ko." At nagabot ako ng isang libo sa kanya.

"Sir, wala ho akong ipanunukli dito."

"Keep the change."

"Talaga po? Salamat ho, Sir. Sandali lang po, a." Tumango na lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad sa lupain.

Nang matapos ang meeting at makuha ang binili kong pastillas ay dumiretso na ako sa hotel.

"Tumawag ba ulit ang asawa ko?" bungad na tanong ko sa aking sekretarya.

"Hindi pa po, Sir."

"Ganun?" Hindi kaya nakalimutan na niya agad.

Psh. Sige na nga. Ako na lang ulit ang tatawag.

Muli kong sinubukang tawagan ang number niya pero ganun parin, unattended. Ano kayang ginagawa ni bubwit ngayon?

Nang matapos ang lahat ng meetings ko para ngayong araw ay nanatili na lang ako sa loob ng kwarto ko at hinintay ang tawag ni Yvonne.

"Ang tagal naman niyang tumawag. Umaano ba 'yun?"

Parati pang unattended ang number niya tuwing tatawag ako.

I decided to call the house, and Yui picked up the phone.

(Yes?)

"Is your sister there? She's not answering her phone."

The Cutest Mafia BossWhere stories live. Discover now