The Coffee Incident
N a u d l o t n a B u w a n
"Lagi kang mag-iingat, ah?" ulit ni kuya habang magkayakap kami. "Sisikapin kong tumawag araw-araw. Kahit text lang."
Diniinan ko pa lalo ang pagkakayakap sa kanya. "Oo, kuya. Ilang beses mo na 'yan inulit."
"Naninigurado lang. Mamimiss kaya kita."
"Mamimiss din kita, kuya," sabi ko. "Sige na. Baka maiwan ka pa ng eroplano."
Tumawa siya at tumingin sa likod ko. "Salamat nga pala sa paghatid, Jordan."
Nakangiting tumango si Jordan kay kuya.
Hinarap ulit ako ni kuya at ngumiting nakakaloko. "Galingan mo sa panliligaw."
Napakamot ako sa leeg dahil sa hiya. Nasabi ko na kasi sa kanya iyong panliligaw ko kay Jordan pagkatapos makitulog ni Jordan sa bahay. Ako pa ang nagulat sa reaksyon niya nang aminin ko. Kala niya raw na wala akong planong sabihin sa kanya. Nagtatampo na raw siya sa akin.
"Kuya naman," bulong ko sa kanya.
Natawa si kuya. "Sige na. Namumula ka na, oh!"
Narinig kong tumawa rin si Jordan sa likod ko. Pinagtutulungan ako ng dalawang 'to ah!
Hinalikan muna ako ni kuya sa noo bago kumaway papalayo sa amin. Hindi ko alam pero naluluha ako. Pero pinigilan ko kasi ayokong umiyak sa harapan nila.
Nakaramdam naman ako ng kamay sa balikat ko. Dahan-dahang hinimas ni Jordan ang balikat ko. Medyo lumuwag naman ang pakiramdam ko. Dumiretso na kaming dalawa sa kotse.
Nang tumawag si kuya sa amin para sabihing nakapasok siya ng maayos at nasa waiting area na, umalis na kami ni Jordan sa airport.
Kahit marami pa 'kong gagawin, hindi ko alam kung bakit nasabi kong, "Ayoko pang umuwi."
Sinabi ko kay Jordan kung saan pupunta. Siguro namiss ko rin silang makita. Hindi naman umangal si Jordan. Hindi rin siya nagtanong kung bakit doon.
Nang makababa na kami, tinungo ko na ang puntod ng aking mga magulang. Iniwan muna ako ni Jordan. Siguro akala niya magdadasal ako. Hinawakan ko lang iyong tuktok ng puntod nila at hinikayat si Jordan na lumapit.
"Dito nakalagay ang mga buto nila mama at papa," sabi ko kay Jordan.
Tumawa siya pero agad ding bumawi at umubo. "Sorry. I didn't mean to be rude."
"Ah. Gusto mo ipakilala kita sa kanila?"
Dahan-dahang tumango siya.
Hinawakan ko iyong tuktok ng puntod ni mama. "Ma, si Jordan." Pagkatapos ay iyong kay papa naman. "Pa, si Jordan."
"I hope you don't mind but she's kind of courting me."
Ipinatong ko naman iyong tabi ng ulo ko sa puntod ni papa na parang may ibinubulong si papa sa akin. "Hindi raw siya approve sa'yo." Lumipat naman ako kay mama. "Tapos masyado ka raw maliit."
"I can wear heels."
"Hindi pa rin approve si papa sa'yo."
Bigla naman siyang yumuko hanggang sa mapatong na iyong noo niya sa tuktok ng puntod ni papa at lumipat naman siya kay mama. "Nagmano na 'ko. Approve na po ba ako?"
Pinigilan kong tumawa. "Hug mo raw sila."
Ginawa naman niya. Kahit siya, kitang-kita na nagpipigil ng tawa. Siguro kung may mga tao ngayon sa paligid, mapagkakamalan kaming nakawala sa mental.
BINABASA MO ANG
The Coffee Incident
HumorSimpleng tao lang naman si Alexis - masikap at matiyaga - kuntento na siya sa kanyang buhay. Meron siyang maasikasong kuya Basti at meron rin siyang mapagmahal na boyfriend na si Kev. Aksidenteng hindi naman ginusto mangyari ni Alexis Villegas ay na...