vi: Kwento sa Pagong

29.3K 623 99
                                    

The Coffee Incident

K w e n t o  s a  P a g o n g

"Okay, ten minutes water break. Maglalaro tayo ng game mamaya," sabi ni coach samin.

Hingal na hingal kaming pumunta sa bench para kunin 'yung mga sari-sarili naming mga water bottles. 

Football practice namin ngayong Linggo kaya naman nagpaalam ako kay Jordan na hindi muna ako makakapasok sa trabaho. Kala ko nga hindi pa 'ko papayagan dahil sa reply niya sa text ko. Sinabihan ba naman ako ng "Bahala ka."

Bahala na si Korina Sanchez at si Roxas. 

"Alexis, gusto mo sumama mamaya?" tanong sakin ni Jill, kateam mate at kaklase ko. Actually, kaming apat lang 'yung babae sa klase namin. The rest, puro lalaki na. 

"San ba mamaya?" tanong ko habang nagpapahid ng pawis. 

"National bookstore para bumili nung materials na gagamitin natin sa project bukas tapos after nun manglilibre daw si Ian," sagot niya. Si Ian, chinito niyang boyfriend. Kaya Yeng Constantino peg niya araw-araw eh. 

"Sige basta magkita nalang tayo dun. Kelangan ko muna maligo para fresh," sabi ko na patayo na. 

Bumalik na kami sa field para magpractice. Kasama ako sa first eleven at center forward ang position ko. Madaming trabaho ang center forward kasi reponsibilidad niya ang suportahan ang mga team mates niya at ang makascore ng goal. Center forward rin si Jill katulad ko. 

Hinati na kami into two teams. Magkahiwalay kami ni Jill kasi unfair daw. Pinagusapan na namin ang mga plays na gagawin at ang main goal naming lahat ay ang makagoal sa opponent. 

"Have fun but not too much. Seryosohin niyo 'yung laro dahil malapit na yung game niyo against the Lions. Yung mga plays na ginawa natin kanina, try niyo gawin ngayon lalo na na may kalaban na kayo. This is just a friendly match," pagpapaliwanag ni coah Royes. 

"In the count of three," nilahad namin lahat ng kamay namin sa gitna ng bilog at sinigaw, "Patriots!" 

***

Natapos ang laro na sila Jill ang nanalo. Ang hindi lang talaga nila nagawa ay 'yung mga ibang plays kaninang tinuro ni coach. Masaya rin naman dahil may nasubsob at tinawanan namin. Buti nalang talaga 'di sensitive yung nasubsob kasi natawa rin siya sa pangyayari. 

Umuwi muna ako ng bahay para maligo. Sinalubong ako ni Milong pogi pagbukas ko palang ng gate. "Hello, Milo! Kumain ka na?" tinanong ko na para bang sasagutin niya tanong ko. Tinahulan lang ako habang hinihimas ko tiyan niya. Aba, nagpapalambing ang baby namin. 

Nakipagharutan muna ako kay Milo. Bigla naman siyang lapit sakin at basta nalang inamoy kili-kili ko. Bigla siyang bumahing at natawa naman ako. 

"Oo na! Maliligo na po ako, manong Milo," sabi ko at tumayo na. 

Wala pa si kuya sa bahay dahil nakakuha siya ng urgent call kanina galing sa boss niya na pinapapunta siya ng opisina. Baka mamaya pa 'yun umuwi kaya naman tinext ko siya na may pupuntahan ako. 

Pagtapos ko maligo, kumuha na 'ko ng damit sa cabinet. Isang green plain shirt at skinny jeans ang suot ko. Maraming nagsasabi na para daw akong tomboy manamit. 'Di kasi ako nagsusuot ng pang kikay na damit. Laging shirt at pantalon ang suot ko o kaya naman shorts. In short: boyish ako.

Bago ako lumabas ng bahay, nilagyan ko muna ng pagkain 'yung bowl ni Milo at lumabas na. Sumakay ako ng pedicab papunta sa sakayan ng jeep. Sosyal si manong pedicab kasi may radyo pa. Nagpapatugtog pa si manong ng Tindahan ni Aling Nena by Eraserheads. 

The Coffee IncidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon