The Coffee Incident
L a S e n z a
"Ano na plano mo ngayon?"
"Ewan."
"Anong ewan?"
"Hindi ko alam."
Nakatanggap ako ng isang batok galing sa baklang katabi ko. "Gaga! Umayos ka nga. Kanina ka pa."
"George, easy ka naman diyan," sabi ni Jethro sa tabi ko.
"Oo nga. Kita mong gulong-gulo 'yan tapos babatukan mo pa. Edi naalog 'yung ulo," singit ni Sandy na kanina pang ngumunguya ng bubble gum.
"Aba! May point ka diyan, Sandy girl," sagot ni George. "Nakakausap ka rin pala ng matino minsan."
Umirap si Sandy. "Whatever."
Andito silang lahat ngayon sa bahay. Namiss daw nila ako kaya bigla na lang silang pumunta sa bahay ng hindi man lang nagsasabi.
Pero ang totoo, kaya sila nagpunta dito ay para pagusapan iyong sinasabi nilang "love life". Kanina pa silang alas dose dito sa bahay. Buti na lang talaga'y nakapagluto ako ng ulam namin ni kuya para mamaya. Iyon na ang pinakain ko sa kanila dahil nahiya naman ako na pupunta sa bahay na wala mang dala.
"Hmm..." lahat kami'y napatingin kay Lorence na hawak ang kanyang baba, mukhang nag-iisip ng malalim. "So, sino Alexis? Gwendelyn o Jordan?"
"Feel ko si Jordan. Hot 'yun eh," sagot ni Jethro. Lahat naman kami napatingin kay Jethro.
"Hindi. Feeling ko si Gwen," sagot naman ni Sandy sa kabila.
"Pwede bang tumigil kayong dalawa? Mga feelingera! Walang magagawa iyang mga nafefeel niyo dahil 'di naman kayo ang pinapakitaan ng motibo. Niyupak," singhal ni George sa dalawa.
Mahinang tumawa si Lorence pero ako nakanga-nga.
"Pwede bang palitan iyong topic natin? Alas dos na, oh! Kanina pa natin iyan pinaguusapan," sabi ko sa kanila.
"Okay, fine. Baka magmukha kang oldie sa kakaisip diyan," sabi ni George. "Anong gagawin niyo bukas?"
Nagsagutan silang lahat maliban saming dalawa ni Sandy. Sila George at Lorence parehong may mga family dinner habang si Jethro may reunion sa Silang, Cavite. Pasko na kasi bukas.
Napatingin sa akin si Sandy. "Wala kayong plano ni kuya Basti?"
"Baka magluto lang kami ng dalawang putahe."
"Can I celebrate with you, guys?" tanong niya.
"Mamaya hanapin ka nila tito sa amin."
"They're not here, Alexis. Business, remember?"
"Sige. Dito ka na lang rin sa amin bukas," sabi ko na lang. Bukod sa business na sinasabi ni Sandy, wala na ring gaanong communication siya sa kanyang mga magulang simula ng hindi siya pumayag na i-take ang gustong course ng kanyang mga magulang. Gusto nilang maging business woman si Sandy. Pero Psychology ang tinetake ni Sandy sa Ateneo at patuloy pa rin siyang tinutustusan ng kanyang mga magulang.
Umabot ng alas cinco at isa-isa na silang nagpaalam. Madami na rin kaming napagusapan. Si Jethro pala may pinopormahan na. Si George, nakadungaw na daw 'yung kanya. Ewan ko ba doon sa baklang iyon! Kung anong pinagsasasabi.
Naiwan na lang si Sandy sa bahay na ngayo'y nangengaelam ng ref. Nakita kong kumuha siya ng isang mansanas at hingusan ito bago kumagat.
Naupo ako sa hapag at sumunod siya.
BINABASA MO ANG
The Coffee Incident
HumorSimpleng tao lang naman si Alexis - masikap at matiyaga - kuntento na siya sa kanyang buhay. Meron siyang maasikasong kuya Basti at meron rin siyang mapagmahal na boyfriend na si Kev. Aksidenteng hindi naman ginusto mangyari ni Alexis Villegas ay na...