xviii: Nice Shirt

19.5K 468 109
                                    

The Coffee Incident

N i c e  S h i r t

Martes ngayon ng gabi at heto ako ngayon, nag-rereview ulit para sa nalalapit naming exam. Halos kauuwi ko lang rin galing practice. Sobrang nakakapagod pero huling pagpapahirap na rin samin 'to ni coach Royes. Bukas, mga simpleng drills na lang at plays para sa laro namin sa Biyernes.

Katulad nga ng mga nakuha kong mga regalo ng makaraang tatlong araw, meron na naman ako ngayon.

Libro ulit siya pero sigurado akong higit pa ang presyo nitong mga libro kaysa sa aming bahay. Pano ang binigay ba naman niya ay 'yung The Works of William Shakespeare in Ten Volumes First Edition.

Nakapagresearch rin ako kung ano halaga ng ganitong klaseng mga libro na nagdulot lang ng pagkagulat. At pagkalito.

Hindi ko alam kung anong trip ni Jordan. Na-aappreciate ko 'yung binigay niya at medyo nasisiyahan dahil isa si William Shakespeare sa mga naging inspiration ko sa pagbabasa bukod kay Jacqueline Wilson at Lee Harper.

Sa totoo lang, pinakaunang librong nabasa ko ay 'yung kay Jacqueline Wilson na The Illustrated Mum. Ten years old ako noon nung nabasa ko 'yun. Hanggang sa nabasa ko na halos lahat ng libro ni Jacqueline Wilson na puro hiram sa isa kong kaklase noong grade five.

Noong grade six na 'ko, pag-aaralan daw namin ang tungkol kay William Shakespeare. Sa sobrang interes ko, inunahan ko na 'yung teacher namin. Naalala ko pa noon, nagpasama ako kay kuya sa library na malapit samin para lang makahiram ng libro. Inabot ako halos ng dalawang araw para matapos ang librong Romeo and Juliet.

“O teach me how I should forget to think (1.1.224)”

Tell me how I can stop thinking of you, Alexis.

- J. White

Napatigil ako sa pagbabasa dahil sa naalala. Naalala ko 'yung kasamang letter doon sa regalo niya kanina. Alam na alam 'ko 'yung linyang iyon dahil binanggit ito ni Bevolio kay Romeo.

Tell me how I can stop thinking of you, Alexis.

Lagi niya 'kong iniisip? Ang pagkakaalam ko, wala naman akong atraso sa kanya.

Sinermunan ko ang sarili ko. Wala ka ngang atraso pero may gusto ka na sa tao! At halata rin na may gusto siya sa 'yo dahil panay ang bigay ng mga regalo sa 'yo! 'Di ka naman siguro tanga, Alexis.

Napairap ako ng wala sa oras dahil kinakausap ko na ngayon sarili ko. Anak ng eggnog naman!

Kinuha ko 'yung phone ko na nakapatong sa tabi ng librong binabasa ko at tinawagan si George.

"Yes?"

"George, punta ka sa bahay."

"I can't, dear. I'm busy with my boyfie."

"Pwede ba, George? Wala kang boyfriend kaya pumunta ka na dito. May sasabihin ako."

"Tungkol saan?"

"Basta!"

"Eh, mamaya walang kwenta lang pala. Huwag na. No."

"Love life ko, okay?"

Narinig ko siyang tumili. "Oh my God, Alexis! Sino 'yan?"

"Pumunta ka na dito."

"I'll be there in a flash. Bye!"

Kaylangan ko ng kausap. Aaminin ko, kaylangan ko ng advice. Hindi ako magaling pagdating dito. Si Kev lang naman ang naging karelasyon ko. Hindi na 'ko nagisip noon ng matagal dahil gusto ko rin naman siya noon at gusto niya 'ko. Niligawan niya ako ng tatlong buwan. Oo, ganun nga katagal dahil ayoko pumasok sa isang relasyon dahil sa simpleng landian kahit ba na gusto ko 'yung tao.

The Coffee IncidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon