The Coffee Incident
K a t o k
"Lex, tumawag 'yung katrabaho mo," salubong sakin ni Kev pagtapos ng laro namin. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa dug-out kaya naman pawisan kaming lahat.
"Kev, mamaya na tayo mag-usap," masungit kong saad na patuloy pa rin sa paglalakad.
Nanalo ba kamo kami? Hindi. Bakit? Dahil nakadalawang beses kaming nabigyan ng red card. Isa kay Jill at isa naman ay kay Daniella. Bakit sila nabigyan ng red card? Dahil 'di nila napigilan ang mga sarili at gumawa ng eksena.
At huwag ka, ang galing magacting ni Laradosa #2. Hindi daw siya nauna pero alam ko sa sarili na narinig ko na siya ang unang nagmura kay Jill. Noong una, nagtitimpi lang si Jill at 'di pinapansin ang mga pinagsasasabi ni Laradosa. Pero maya-maya ay 'di na napigilan ni Jill at minura ito pabalik. Dumating naman si Daniella to the rescue at binatukan si Laradosa. Ayan, nauwi kaming talunan dahil sa nangyari. Ang huling score ay 3 - 1.
"Bakit mo ba kasi binatukan?" Narinig ko si Jill na pinagagalitan si Daniella.
"Malamang eh minura ka," sagot ni Daniella.
"Kaya ko naman kasi sarili ko, gago. Kung 'di mo lang binatukan edi sana nakabawi lang man tayo!"
"'Di na lang magpasalamat."
"Bakit ako magpapasalamat? Sinabi ko bang tulungan mo 'ko, huh? Sinabi ko?"
"You're welcome," simpleng sagot ni Daniella at binuklat ang sports bag niyang berde.
"Talagang na--"
"Tumahimik kayong dalawa," saway ko sa kanila. Hindi na muli silang nagsagutan. Alam nila na sa simpleng pagsaway ko sa kanila ay hindi biro. Pasimple lang ang labas pero nagtitimpi lang ako. Natalo na nga ang buong team eh mag-aaway pa. Ibang klase rin.
Natapos na akong magpalit at mag-ayos ng sarili. Sinuot ko na ang backpack ko at akmang lalabas na ng tawagin ako ni Coach Royes. "May nakakalimutan ka ba, Villegas?"
Napakurap ako at humarap pabalik sa kanila. Muntik ko pang makalimutan magdasal. Tinawag ko muna lahat ng members ng team at nagdasal kaming lahat. Ako na ang nanguna at pagkatapos namin magdasal ay nag-group hug kaming lahat.
"Sorry, Captain," sabi ni Jill na nakapout pagkatapos ng group hug namin.
"Sorry rin, Mudra kung binatukan ko si Laradosa," sabi naman ni Daniella.
"Ayos lang basta huwag na mauulit iyon, huh? Habaan niyo pa pasensiya niyo. Meron pa tayong isang game at kaylangan natin manalo sa next game para makaganti tayo sa kanila."
Natawa si Jill. "Makaganti talaga?"
"Kakasabi lang diba? Linis-linis rin ng tenga pag may time," sagot naman ni Daniella.
Pinakita ni Jill ang kamao niya. "Nakikita mo, 'to?"
"Malamang. May mata nga diba?"
Narinig namin si coach na pumalatak. "Umayos kayong dalawa. Pag 'yang mga attitude niyo pinagpatuloy niyo pa, iaalis ko kayo sa team! 'Di ko kayo ipapasok hanggang sa makagraduate kayo. Do you understand?"
Sabay na tumango ang dalawa. Nadala ng katahimikan ang buong team hanggang sa maunang lumabas si coach. Lumabas na rin ako at iniwan sila. Gusto ko na umuwi para makaligo na at makapagpahinga.
Sa pinakadulo ng pinutan, nakita ko si Kev na nakasandal at hinihintay ako. Pagkakita niya sakin ay nginitian niya 'ko at tinabihan ako sa paglakad papunta sa kotse niya. "Gusto mo ng ice cream?"
BINABASA MO ANG
The Coffee Incident
HumorSimpleng tao lang naman si Alexis - masikap at matiyaga - kuntento na siya sa kanyang buhay. Meron siyang maasikasong kuya Basti at meron rin siyang mapagmahal na boyfriend na si Kev. Aksidenteng hindi naman ginusto mangyari ni Alexis Villegas ay na...