xv: Hair Clip

19.3K 424 49
                                    

 The Coffee Incident

H a i r  C l i p

 "Gwen? Did you just call me Gwen?"

 "Hindi. Sabi ko pwet, pwet kamo."

"Say it again."

"Pwede ba, Gwend--"

"Goodness. How can someone like you amuse me?" Mahina lang ang pagkakasabi niya noon na para bang pabulong lang pero narinig ko naman. Parang ewan lang. "I'll pick you up tomorrow then."

"Matatapos practice namin bukas nang mga alas sinco."

"Don't worry. I won't be late."

"Okay. Sige bye na."

"Bye, Alex."

"Wait, anong Ale--"

Binaba niya na pala kaya naman dumiretso na 'ko sa banyo para maghilamos. Habang nagsisipilyo naman ako, panay tunog ng phone ko. Maya't maya tutunog 'yung message tone kaya naman pagtapos ko magsipilyo, tiningnan ko agad kung sino ba 'yung nagtext at nambubulabog.

(6) Kevin

Alexis, can we please talk? Bukas lng

and I'll explai...

(1) Unknown number

Hi.

Nakuha ng pansin ko iyong unknown number. At isang salita na naglalaman ng dalawang letra lang ang laman ng message niya. Hi. Hindi siguro nangloloko lang 'to o kaya naman naghahanap lang ng makakatext? Tiningnan ko iyong number at hindi ito number ng Globe, Smart o kung ano pang sim card dito sa Pilipinas. International number siya.

Pinagisipan ko muna kung sasagutin ko ba 'yung text. Nasa mood rin kasi ako mangtrip kung saka-sakali man na nantitrip lang rin 'yan. Nagisip ako ng kung anong pwedeng isagot sa text niyang walang kwenta ngunit naalala ko na wala akong load.

Hindi ko na rin binasa ang mga walang kwentang text sakin ni Kevin na puro sorry lang naman ata ang nakalagay. Sawang-sawa na 'ko sa kanya at 'di ko alam kung bakit nagpakatanga ako sa kanya. At iniyakan ko pa siya! Swerte iyong kumag na iyon. Kung ano mang pagpapaliwanag pa ang sasabihin niya, wala na akong planong pakinggan at intindihin pa ang mga iyon.

Humiga na 'ko sa kama at maya-maya na lamang ay nilamon na 'ko ng pagkaantok.

Maaga ako naka-alis ng bahay at siyempre, maaga rin ako nakarating sa school. May tatlong quizzes kami ngayon at hindi ako nakapagreview ni isang subject. Kaya naman pagkarating ko, nag-review muna ako sa loob ng library namin.

Nakakagulat mang aminin dahil ngayong mismong araw rin ako nag-review pero mataas ang mga nakuha kong grado. Pagkatapos ng huling subject namin, dumiretso na 'ko sa girls' locker room para magpalit na ng damit. Habang nagsisintas ako ng sapatos ko, tumunog iyong phone ko na nangangahulugang may tumatawag. Kinuha ko ito sa loob ng bag at sinagot.

"Hello?"

"Hi, Alex."

Kumunot naman ang aking noo. "Ba't ka napatawag?"

"Wala lang. Trip ko lang."

"Ba't ka nga napatawag?"

"Wala nga lang. I was bored, that's all."

The Coffee IncidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon