The Coffee Incident
L i g o P a s s
Nagising ako na medyo masakit ang ulo. Sa kabilang parte ng kama, ay malalim kaya ramdam ko na may katabi ako ngayon. Umupo ako ng maayos at umungol sa sakit ng ulo. Tumingin ako sa gilid at nakita si Jordan na ang sarap ng tulog. Nakatakip ang kanyang mga mata gamit ang kanyang kanang braso habang ang bibig niya ay medyo nakabuka.
'Di ko muna siya pinansin at tumingin sa side table. May nakita akong isang baso ng tubig at Advil. Meron ring sticky note na nakadikit sa baso.
Drink. Then you can nag at me later.
- Darling
Sinunod ko na rin 'yung sinabi ni Jordan at ininom 'yung gamot. Humiga ulit ako at bumuntong hininga. Pumikit ako sandali nang marinig ko si Jordan magsalita.
"You're really funny when you get drunk."
"Huwag ka ngang maingay," singhal ko sa kanya. Naramdaman kong gumalaw 'yung kama at nawala 'yung lalim sa tabi ko kaya naman alam ko na tumayo siya. Hindi pa rin ako dumidilat at hinayaan na lang siya sa kung ano mang gagawin niya.
"Kung uuwi ka na, sabihin mo kay kuya na i-lock 'yung gate," mahinang sabi ko sa kanya.
Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya naman alam ko na umalis na siya. Maya-maya, narinig kong bumukas ulit 'yung pintuan na nakapagpadilat sakin.
"Sit up," utos niya na may dalang maliit na batya. Ayoko sanang sumunod kaso pinandilatan na niya 'ko eh. Masakit rin ulo ko kaya sumusunod ako sa kanya.
"Do you prefer to take a quick half bath?" tanong niya sakin na nakaupo na sa tabi ko.
"Gabi na," sabi ko at napapikit ulit sa sakit ng ulo.
"Just so you know, I have no intentions of raping you or molesting you."
"Oo na. Okay. Hmm."
"Take off your shirt."
Sinunod ko siya at agad na inalis 'yung shirt ko at pumikit ulit. Naramdaman ko nalang 'yung pagdampi ng bimpo sa katawan ko. Pinahiran niya 'yung mga balikat, likod at leeg ko. Napansin ko na hinaluan niya ng sabon 'yung bimpo.
"Deja vu," sabi niya habang pinupunasan 'yung kamay ko. "Last time, you were the one taking care of me."
Ewan ko pero hindi ko mapigilan banatin mga labi ko. Ibig sabihin, hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sinabi niya.
"Change your clothes. Mabaho na 'yan," sabi niya at gusto ko man umirap 'di ko magawa dahil na rin sa sobrang pagkapagod.
Dumilat na 'ko at habang papalabas siya ng kwarto ko ay napansin ko na 'yun parin din ang suot niya. Habang binabalik niya 'yung maliit na batya, nagpalit na 'ko ng damit. Bilib ako sa kanya dahil ang napili niya pa ay 'yung mga pantulog ko na talaga.
Bumalik na rin siya at tiningnan ako.
"I met your brother," sabi niya at sinara 'yung pintuan. "He said that he always thought I was a guy."
Tumango ako at humiga ulit. Gusto ko na ulit matulog.
"I'll get going then."
"Anong oras na?" tanong ko.
"It's 2:07 in the morning," sagot niya.
Hindi naman pwede na babyahe pa siya pabalik sa kanila. Delikado na rin atsaka baka ano pang mangyari sa kanya.
"Kumuha ka ng damit ko diyan. Dito ka na matulog," sabi ko.
"Really?"
Dumilat ako at tiningnan ang kanyang nakangiting mukha. "Sa lapag ka."
BINABASA MO ANG
The Coffee Incident
HumorSimpleng tao lang naman si Alexis - masikap at matiyaga - kuntento na siya sa kanyang buhay. Meron siyang maasikasong kuya Basti at meron rin siyang mapagmahal na boyfriend na si Kev. Aksidenteng hindi naman ginusto mangyari ni Alexis Villegas ay na...