The Coffee Incident
D a l a w a n g I p i s
"Oo! Pababa na! Leche, 'di makapagintay?" padabog akong bumaba ng hagdan. May kumakatok kasi at si Milo naman todo birit. Sinasabayan 'yung kumakatok. Naglilinis pa man din ako ng buong bahay.
Pagkababa ko, naglakad ako papunta sa may gate at binuksan ito. "Ano?"
Sa harapan ko ay may isang lalaki na may hawak ng isang kahon at may nakapatong na envelope sa taas nung kahon. Tiningnan naman ako nung lalaki na medyo may pagkagulat sa mukha.
"Uhm... delivery po, ma'am," sabi niya at inabot sa akin 'yung kahon. "Pumirma lang po kayo dito." Inabot niya sa akin ang isang clipboard at nilagyan ko na ito ng lagda sa bandang ibaba ng papel.
"Kanino galing 'toh?"
"Uso po tumingin sa kahon," pabarang sagot sakin nung lalaki.
"Uso rin ang lumayas sa harapan ko."
"Aalis na talaga. Napakasungit mong babae." At tumalikod na siya sa akin patungo sa isang kotseng puti.
Sinarado ko na 'yung gate namin at pinandilatan si Milo. "Milo, pwede bang huwag ka munang bumirit? Nakakarindi na po, alam mo 'yun?" Tiningnan lang ako ni Milo na nakalabas ang dila.
Pumasok na 'ko sa bahay at nilapag 'yung kahon kasama 'yung letter sa taas ng lamesa. Mamaya ko na iyon bubuksan dahil madami pa akong ginagawa.
Sabado ngayon. Wala na 'kong magawa tuwing sabado dahil nawalan na rin ako ng trabaho. Hindi naman ako naiinis o nabwiset dahil kasalanan ko rin 'yung hindi makapasok sa trabaho. Hectic kasi schedule ko. Minsan may abala pa.
Kahapon lang ako tinawagan nung bagong boss doon sa Rewithe para sabihin na wala na 'kong trabaho at kunin ko na daw 'yung mga kalat ko sa staff room. Minsan talaga, 'yung ibang mga mayayaman, napakamatapobre ng mga ugali. Kala mo kung sino dahil pera 'yung mga kinakain nila.
Alas tres na 'ko nakatapos sa paglilinis. Nalinisan ko na lahat pati 'yung banyo at kusina. Hindi pa 'ko nakakapagtanghalian at nakakaligo. Basang-basa na 'yung shirt ko ng pawis at sigurado ako na hindi ako mabango. Kaya naligo muna ako bago magluto ng pananghalian.
Habang nagluluto, hindi ko mapigilan mapatingin sa kahong nakapatong sa lamesa. Para bang nangaakit ito. Kaya naman binilisan ko na lang ang pagluto ng tinola. Dinamihan ko na rin para mamayang hapunan namin ni kuya.
Kumain ako habang tumutunog ang kanta ni Frank Sinatra na Fly Me To The Moon. Album niya ngayon ang pinapakinggan ko kanina pang umaga. Nahawa kasi ako kay papa dahil noong buhay pa sila, laging mga makaluma 'yung mga pinapatugtog. Tsaka 'yung mga kantang ganyan, sila 'yung nagpapaalala sa mga magulang namin.
Hinugasan ko na 'yung pinagkainan ko at pinunasan ang basang kamay sa dulo ng shirt ko. Naglakad ako patungo sa kahon na nakapamewang. Kinuha ko 'yung letter at tiningnan kung kanino galing.
Jordan White
Cleveland, Ohio
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. May halong kaba at pagtataka. Anong trip niya? Para malaman ko 'yung sagot sa tanong ko, binuklat ko na 'yung envelope at binasa.
“I might be in love with you." He smiles a little. "I'm waiting until I'm sure to tell you, though.”
More to come. Be patient.
- Jordan White
Parang pamilyar 'yung line? Kaya naman binuksan ko na rin 'yung kahon at napanganga ako.
BINABASA MO ANG
The Coffee Incident
HumorSimpleng tao lang naman si Alexis - masikap at matiyaga - kuntento na siya sa kanyang buhay. Meron siyang maasikasong kuya Basti at meron rin siyang mapagmahal na boyfriend na si Kev. Aksidenteng hindi naman ginusto mangyari ni Alexis Villegas ay na...