The Coffee Incident
B a l l s
Pagkasabi niya noon, para bang gusto ko ipagsigawan sagot ko. Gusto kong sabihin na 'oo' ang sagot ko. Pero pakiramdam ko, kapag sinabi ko iyon ay parang may mali. Para bang hindi na 'to katulad ng dati.
Yakap-yakap pa rin ako ni Kev at kitang-kita ko si Jordan na nakahalukipkip habang tinititigan kami. Naguguluhan ako sa kanya. Kanina nagmumukha siyang kawawa dahil 'di niya masabi-sabi yung sasabihin niya. Ngayon, nagmumukha siyang walang pakielam sa mundo.
Para siyang patay.
Inangat ni Kev ulo niya at tiningnan ako sa mata na nakakunot ang noo. "Narinig mo ba sinabi ko?"
"Oo. Pero Kev kas--"
"Don't worry. 'Di kita pinagmamadali. Hihintayin kita."
"Corny," narinig namin na sabi ni Jordan.
Kumawala sa pagkakayakap sakin si Kev at tiningnan si Jordan. "Is there any problem?"
"Eventually, you're my problem."
"What's wrong with me?"
"Well, I was about to tell her that I lik--"
"May sasabihin kasi siya eh bigla kang dumating. Kaya 'di niya natuloy yung sasabihin niya," pagpapaliwanag ko para makaiwas ng gulo. Ewan ko ba ditong sa babaeng 'to. Ako daw ang war freak eh tingnan mo nga siya! Nananahimik dito si Kev tapos ay ewan ko.
"Is that so? Sorry, Miss..."
"White. Call me Miss White," saad niya.
"Sorry, Miss White," bumalik attention niya sakin. "It's getting late. I better get going."
"Ah, sige. Ingat sa daan, huh?" paanyaya ko sa kanya.
"Opo," hinalikan niya pisngi ko at binulong, "I like your new haircut."
Hindi ko mapigilan ang mamula sa sinabi niya. Hanggang ngayon, nagagawa pa rin niyang mapamula pisngi ko. Napaka sweet niya. Para sakin 'di siya katulad ng ibang lalaki. Mayaman man siya, 'di siya yung nagyayabang. Umaattend siya ng mga charity para sa mga disabled people. Para sakin, napakatino niyang lalaki.
Sarap lang magmahal ng ganitong klase ng tao.
Umalis na siya at kaming dalawa ulit ni Jordan ang naiwan. Nakangiti siyang nakatingin sakin. "So, kinilig ka naman diyan?"
"Jordan, huwag mo 'ko pinaplastik. Ano problema mo?" ako naman ang nakahalukipkip.
"Problem? I don't have any problem."
"Weh? Eh kung sipain ko ng bola iyang mukha mo?"
"Asan ba yung bola?"
"Nasa loob."
"Kunin mo," sabi niya na gumaya narin ng posisyon at naghulakipkip na rin.
Leche talaga 'tong babaeng 'to. Talagang naghahamon siya, ah? Edi pumasok ako ng bahay at kinuha yung soccer ball ko. Lumabas ako at pinakita sa kanya ito. "Game? Handa mo na yung mukha mo."
Aakmang kukunin niya yung bola sa kamay ko pero nilayo ko ito bago niya pa makuha. "Tapos ngayon kukunin mo?"
"Okay, fine! I do have a problem."
"Ano nga 'yon?"
"Fuck. This is harder than I thought," sabi niya at naglakad pabalik-balik.
"Jordan, nahihilo ak--"
BINABASA MO ANG
The Coffee Incident
HumorSimpleng tao lang naman si Alexis - masikap at matiyaga - kuntento na siya sa kanyang buhay. Meron siyang maasikasong kuya Basti at meron rin siyang mapagmahal na boyfriend na si Kev. Aksidenteng hindi naman ginusto mangyari ni Alexis Villegas ay na...