The Coffee Incident
L e c h e n g P e s t e
Pasok sa school. Trabaho. Kain. Tulog. 'Yan lang ang mga tanging ginagawa ko sa loob ng dalawang linggo. At dalawang linggo na rin ang lumilipas noong umalis 'yung pesteng babaeng iyon.
Hindi pala. Lecheng peste na pala.
Hanggang ngayon ay inis na inis pa rin ako sa kanya. Ewan ko ba pero minsan wala naman akong pakielam. Na para bang, "Edi umalis siya. Gusto niya 'yan eh. Diyan siya masaya eh." Pero minsan naman eto ang reaction ko, "Punyeta edi umalis ka! Leche, pakasaya ka!"
Napakabipolar ko, Diyos ko patawarin.
"Alexis, may naghahanap daw sa 'yo sa labas," sabi sakin ni Daniella na nagsusuot ng kanyang soccer shoes. Pangalawang laro na namin ngayon at kalaban namin 'yung mga Raging Sharks; team nila Laradosa. Isa pang lecheng babaeng na sinusumpa ko sa kabaklaan ni George.
Lumabas na 'ko at nadatnan ang ibang playes ng Raging Sharks.
"Hello," bati sakin nung isang babae. Ngumiti ako pero 'yung maliit lang at tiningnan sila isa-isa. Lima silang nasa harapan ko at halatang kararating lang dahil sa mga sports bag na nakasabit sa kanilang mga balikat.
"So, about sa nangyari dun sa first game natin, we came here to apologize," sabi ni ateng kulay chokolate ang buhok.
"Ay ganun ba? Ayos lang. Tapos 'yun at ngayong may game ulit tayo, sana 'di na maulit 'yung nangyari," mataray na sagot ko. Bakit ba? Badtrip ako ngayon.
"We can't promise na 'di na mauulit," sagot ni ate ng bongga makapag blush on.
"Aba? Eh ano pa ba ginagawa niyo dito?"
"We're also here to apologize sa ginawa ng team captain naming si Laradosa."
"Bakit kayo pa? Ano kayo, back up?"
Narining kong bumulong 'yung isa nilang kasamahan sa tenga ni ate blush on. "Ang taray ng captain nila."
Nakita ko naman na siniko niya 'yung tagiliran nung nagbulong at tiningnan siya ng masama. "Sorry. Medyo mapride kasi captain namin eh."
"Halata nga eh. Sige. 'Yun lang ba? Wala na kayong ibang sasabihin?"
"Err... wala naman na siguro."
"Hey! Bakit ang tagal niyo pumasok sa dug-out?" Napalingon naman kaming lahat sa pinanggalingan nung boses. Nakita namin si Laradosa na hindi pa nagpapalit ng pantaas at nakalugay pa ang buhok.
"Ah, sige. Sandali na lang," sabi ni ate na naka Animo La Salle shirt.
Tiningnan muna ako ni Laradosa at nginitian na para bang nangaasar bago tumalikod pabalik sa dug-out nila.
Umiling si ate na kulay chokolate ang buhok. "So, sorry talaga ah?"
Tumango na lang ako sa kanila at nagpaalam na sila. Bumalik na 'ko sa loob ng dug-out namin pero naabutan ko pang may nagsabi ng, "Maganda nga siya."
Leche, alam ko.
"Oh, Alexis, ba't ganyan mukha mo?" tanong sakin ni Jill na nagpupuyod ng buhok.
"Lahat nalang, Jill, pinapakealaman mo," singit na sagot ni Daniella sa kabila.
"Ikaw ba kinakausap ko?"
"Ako na 'yung sumasagot para kay captain."
"Nirequest ko ba 'yun? Manahimik ka nga minsan."
Umiling na lang ako at naga-ayos na rin bago kami maglaro. Pagkatapos namin ay dumiretso na kaming lahat sa field para mag stretching. Natapos na rin kaming lahat magstretching at nagtipon-tipon na kaming lahat para magusap ng play na gagawin mamaya.
BINABASA MO ANG
The Coffee Incident
HumorSimpleng tao lang naman si Alexis - masikap at matiyaga - kuntento na siya sa kanyang buhay. Meron siyang maasikasong kuya Basti at meron rin siyang mapagmahal na boyfriend na si Kev. Aksidenteng hindi naman ginusto mangyari ni Alexis Villegas ay na...