xxi: Unggoy si Jordan

18.8K 380 40
                                    

The Coffee Incident

U n g g o y  s i  J o r d a n

Nagising ako na pawisan at nanginginig. Hawak-hawak ko ng mahigpit ang unan ko at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Tumingin ako sa bintana at wala pang sikat ng araw ang pumapasok sa kwarto ko. Inangat ko ang unan ko at isiniksik ang mukha ko roon. Napanaginipan ko.

Napanaginipan ko na naman ang lahat ng nangyari. Bakit kung kaylan halos ayos na ang takbo ng buhay ko, nakakaraos sa matinding ala-alang iyon ay bumalik na lang ulit biglaan?

Masakit.

Humiga ako at ipinikit ng mabuti ang mga mata. Humihingi ng patnubay sa Diyos at kung kelan ulit ako makakatulog ng payapa.

***

"Malapit na! Kanina ka pa tawag ng tawag."

Si Gwen kasi panay ang tawag. Kanina pang umaga siya tawag ng tawag pero hindi ko sinasagot. Hindi na rin ako nakatulog pagkatapos ng panaginip na iyon. Nagsisimula na naman kasi.

"Sige. Asa labas lang ako."

"Kanina mo pa rin 'yan sinasabi."

"Baka kasi makalimutan mo."

"Oo na. Baba ko na, sayang load mo."

"It's worth it."

"Ate, saan na po?"

"Kaliwa po kayo doon pagkalagpas niyo sa pulang bahay na iyon," turo ko kay kuya.

Tiningnan ko 'yung phone at nakita na binaba na niya. Pareho sila ni Jordan. Ang daming nalalaman ng kalandian sa buhay.

Nang makarating na 'ko sa tapat ng bahay ni Gwen, imbis na si Gwen ang madatnan kong naghihintay sa labas ay si Jordan ang nadatnan kong nakangiting tagumpay.

Bago ko pa maabot ang bayad ko kay kuya ay inunahan na 'ko ni Jordan. Tiningnan ko siya ng masama pero nagkibit balikat lang siya sakin.

"Jordan, nandiyan na si Alex?" narining ko ang boses ni Gwen at maya-maya'y nasa labas na rin siya. Napakamot siya bigla sa buhok niya. "Sorry, Alex. Sabi kasi ni Jordan nasunog na 'yung niluluto ko."

"I just don't want to eat burnt food," sabi ni Jordan kay Gwen.

"Oh, please! When did I ever fed you burnt food?"

"First year high school," simula ni Jordan, "you invited me at your house cause your parents was away for a vacation--"

Umiling si Gwen at tumawa. "Okay, I remember. Well, that was the first time I started cooking."

"You used me."

"I did not!"

"You did, Patricia."

"Patricia?" tanong ko kay Jordan.

"Patrica's her second name," sagot ni Jordan.

Nakita kong umirap si Gwen at tumingin sakin. "Shall we come in?"

"Sure."

Pumasok na kami sa loob ng bahay niya. Si Gwen naman dumiretso sa kusina at naiwan kami ni Jordan sa salas. Nagkatinginan kami ni Jordan at lumapit siya sakin. Ngayon ko lang napansin 'yung suot niya. Nakasuot siya ng tsinelas at maong shorts. Pangtaas niya ay isang berdeng shirt at ang buhok niya'y nakabun. Ang liit niya.

Napangiti ako na kinakunot naman ng kanyang noo.

"What are you smiling at?" tanong niya.

"Ang liit mo kasi."

The Coffee IncidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon